It's Showtime May Patong-Patong Pa Na Reklamo Mula Sa MTRCB

Martes, Setyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na umpisa pa lamang ng mga suspension ng It's Showtime dahil marami pa umano itong kakaharapin dahil mayroon pang patong-patong na kaso sa MTRCB.


“Marami pa palang ibang kaso na nakasalang sa MTRCB ang programang ito. Nauna lang po itong kay Vice Ganda at Ion Perez pero sa dami po ng nagrereklamo at nagpa-file ng kanilang complaints sa MTRCB tungkol sa programa, marami pang naiwanan doon, nakasalang pa,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


“Iyan ay hindi po natin alam kung paanong maaaksyunan. Kaya mahalaga na ‘yung mga warning nung una… lalo na ‘yung pagsasalita ni Vhong Navarro nung June 3 ng salitang pag-aari ng babae ‘di ba. Sakop kasi tayo ng MTRCB hindi natin pupuwedeng banggitin ‘yung salita na nagsisimula sa letter T. ‘Yun po ay talagang naroon pa pati ‘yung iba pa pong pagkakasambit ni Vice Ganda at ng iba pang mga co-host na talaga namang nagmarka po sa publiko at inireklamo sila sa MTRCB.


“So itong 12 days suspension na ito ay umpisa pa lamang ito,” dagdag pang pahayag ni Cristy Fermin.


Sa kabilang banda, tila hindi naman apektado ang mga It's Showtime host sa natanggap nilang suspension order mula sa MTRCB dahil naniniwala silang malalampasan nila ito dahil wala naman umano silang mali na ginawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin epektibo ang suspension ng MTRCB sa It's Showtime dahil sa paghahain nila ng Motion for Reconsideration.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo