Xander Arizala, Magsasampa Ng Kaso Matapos Matalo Ni Christian Merck Grey!

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 21, 2023


 Matapos ma-knock out sa kanilang boxing match, Marlou Arizala aka Xander Ford balak idemanda si Christian Merck Grey aka MakaGwapo.


Desidido na ngayon si Xander Ford na magsampa ng kaso laban kay Christian Merck Grey dahil sa pandaraya umano nito sa kanya sa naganap nilang boxing match sa Battle of the Youtubers nitong June 18, 2023.


Ayon kay Xander, dinaya umano siya ni Christian Merck Grey na naging dahilan kung bakit na-knock out siya sa simula ng round 2 sa nasabing boxing match.


Ilang araw matapos ang kanilang match, naglabas ng update si Xander Ford sa nangyari sa kanya. 


Aniya, ilang araw na siyang bedridden at hindi nakakapagtrabaho dahil sa ginawa ni MakaGwapo kaya naman dinadamay rin niya ngayon ang may-ari ng Battle of the YouTuber na si Mark Jayson Warnakulahewa.


“Sobra-sobrang pandadaya yung ginawa niyo sa akin. Yung ginawa niyo sa akin na pinalaro niyo ako dun sa gitna ng boxing ring kahit hindi ako professional. Sana wala nang gantong mangyari sa ibang tao.”


Sa ngayon ay naghahanda na umano si Xander Ford sa kanyang isasampang kaso laban kay Christian Merck Grey dahil sa ginawa nito sa kanyang retokadong ilong.


Mensahe pa ni Xander Ford kay Makagwapo, "Christian Merck Grey, napakasinungaling mo, sana matapos na 'yang kalokohan mo. Sana wala ka ng lokohin katulad sakin."


Dagdag pa ni Xander, "Sana wala ka nang mapahiyang tao. Kulang pa 'yung mga binayad mo sa akin sa ginawa mo sa akin ngayon."


Balak ni Xander na kumuha ng medico legal certificate upang madiin si MakaGwapo sa nangyaring pagkasira ng kanyang mukha.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagsasabing dapat ay hindi kaawaan si Marlou dahil pumayag naman umano siyang makipag boxing kay MakaGwapo. Hindi naman umano siya kinaladkad para lamang makapasok sa ring.


Binalikan pa ng mga netizens ang pagmamayabang noon ni Xander na papabagsakin niya si MakaGwapo.




Gigi De Lana Emosyonal Na Ibinahagi Matapos Naaksidente, Na-Scam Naman at Naubos Ang Pera Sa Bangko

Walang komento


 Ibinahagi ng singer na si Gigi De Lana na naging sunod-sunod na ang kanyang naranasang kamalasan matapos maaksidente.


Matatandaan na naging malaking usapin sa social media ang pagkakaaksidente ng banda ni Gigi De Lana habang papunta sila noon sa Ilocos.


Sa kabila nito, pinilit pa rin ni Gigi ang magperform sa kabila ng kanyang pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay habang nasa taas ng stage.


Samantala, kamakailan lamang sa isang social media post ibinahagi ni Gigi De Lana ang mga nangyari sa kanyang buhay matapos ang kanyang aksidente.


"Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman.  grabe kayo. Di na kayo naawa. "


"Please wag kayo mang scam or mag nakaw. 

Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. 

Please let us be kinder sa isat isa "


Sa pahayag na ito ni Gigi tila sinabi niya ang dahilan kung bakit pinapaauction niya ang kanyang mga naisuot na outfit sa mga mahahalagang event sa kanyang singing career.


Nauna nang naiulat na nakakatanggap ng pambabatikos si Gigi matapos niyang isiniwalat na umabot sa 68 thousand ang bid para sa isang croptop na isinuot niya sa isa sa mga nagviral niyang video sa social media dahil sa kanyang pagkanta.


Ang malilikom na pera ay gagamitin ni Gigi para sa pagpapagamot sa kanyang ina na kasalukuyang may stage 4 breast cancer.




Andrea Brilliantes Ginawang Trophy Girlfriend Ni Ricci Rivero?

Walang komento


Mainit paring pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa hiwalayan ng actress na si Andrea Brillantes at basketbolistang si Ricci Rivero.


Lalo na ngayon na mayroon na namang bagong cheka na kumalat sa social media na ginamit lang daw ni Ricci ang actress na si Andrea Brillantes.


Na ginawang isang trophy girlfriend lang daw si Andrea nitong basketbolistang si Ricci Rivero.


Kumakalat na nga ito ngayon sa social media na isa ito sa naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Andrea Brillantes kay Ricci Rivero.


Sa ngayon ay binabatikos at inaakusahan ng mga netizen itong si Ricci Rivero na ginamit lang daw niya si Andrea Brillantes bilang kanyang trophy girlfriend dahil sa may tinatago raw umano ito.


Hindi maikakailang gumawa ng ingay sa social media ang hiwalayan ng dalawa, tulad ng kung papano nagsimula ang kanilang relasyon.


Si Ricci Rivero ay inakusahang nanloko sa actress at ang third party pa umano sa kanilang relasyon ay si Los Banos Councilor Leren Mae Bautista.


Ngunit mariin itong itinanggi ng nasabing third party, at nagbigay nadin siya ng pahayag ukol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


At nilinaw din niya sa kanyang pahayag na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila ni Ricci dahil dahil malinis daw ang kanyang konsensya at wala naman daw silang relasyon na namamagitan sa kanila ng basketbolista.


Samantala, inamin naman ni Andrea na hindi pa siya tuloyang nakakamove-on sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero.


Ito naman ang bagay na hinangaan ng kulumnistang si Cristy Fermin sa kanya.


Sa isang episode kasi ng vlog ni Cristy Fermin ay napag-usapan nila ang tungkol sa naging relasyon nina Andrea at Ricci Rivero.


Sinabi nga ni Cristy sa kanyang programa na si Andrea daw ay isang tapat na tao, at hindi nagmamayabang.


Dahil inamin niya sa publiko kung anu pa ang kanyang nararamdaman ngayon pagkatapos ng hiwalayan nila ng basketbolista.


Ani Cristy, "Kung mayabang itong Blythe, si Andrea Brillantes sasabihin niya oka na ako. Makakamove-on na ako, hindi mayabang yung bata."


"Inaamin niya na siya ay isang babae lamang na natotong magmahal at nakaramdam din naman na minahal."


Kasunod na nga nito ay sinabi ng kulumnista na ayon sa impormasyon na nakarating sa ay tila ginamit lang daw ni Ricci si Andrea Brillantes bilang kanyang trophy girlfriend.






 

Herlene Budol, Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Pagkakamali Q&A Sa Miss Grand International Interview

Walang komento


 Kaagad na humingi ng paumanhin si Miss Grand Philippines 2023 candidate at Kapuso actress Herlene Budol na kilala rin bilang si Hipon Girl matapos umakatanggap ng samu’t saring reaksiyon at komento ang ligwak umano niyang pagsagot sa “Question & Answer” portion ng sashing ceremony at press presentation ng Miss Grand Philippines 2023, na ginanap nitong Martes, June 20.


Aminado si Herlene Budol na hindi raw niya naintindihan ang tanong kaya sana raw, huwag naman kaagad siyang husgahan. Isa pa, inunahan na kaagad siya umano ng kaba.


“Sa sobrang kaba ko po hindi ko po naexplain yung kung anong gusto ko pong sabihin sorry I admit di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa’kin ng kumpyansa sa isang pagkakamali,” pahayag ni Herlene sa kanyang Facebook post.


Dagdag pa niya, “I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro di ‘ko lang po talaga na-gets yung tanong and I accept it.”


“Hindi po ako perpekto. Thank you for those people na naniniwala pa rin po sa akin.”


Samantala, sinabi rin ni Herlene sa inilabas niyang video na wala pa siyang tulog at kain noong panahong iyon dahil sa paghahanda niyang mas maging maganda ang kalalabasan ng sashing ceremony subalit naging kabaliktaran ang lahat.


Aminado naman si Herlene Budol na naapektuhan siya sa mga pambabatikos na natatanggap niya sa social media dahil sa kanyang naging pagkakamali sa Question and Answer portion.


Sa kabila ng lahat, naging positibo pa rin si Herlene na kaya pa niyang manalo sa kabila ng kanyang pagkakamali na inaamin naman niya.


Hiling din ni Herlene na sana ay patuloy pa rin siyang suportahan ng kanyang mga fans sa kabila ng kanyang pagkakamali. Bukas naman umano si Herlene sa mga advice at mga pagtuturo mula sa mga netizens.



Ariel Rivera Emosyunal Sa Pagp5naw Ng Pinakamamahal

Walang komento


 Hindi napigil ng actor-host na si Ariel Rivera ang kanyang sarili na maging emosyunal ng alalalahanin ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanilang pamilya.


Sa naganap na guesting ni Ariel Rivera sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 para sa Father's Day special ng Fast Talk With Boy Abunda nitong June 16, kabilang sa kanilang napag-usapan ang masasakit na pinagdaanan ni Ariel.


Binalikan naman nito ang nangyari more than 3 years ago nang pumanaw ang kanyang ama na si Ben Rivera.


Pagbabalik-tanaw ni Ariel naroon siya sa Japan kasama ang kanyang asawang si Gelli de Belen nang mangyari ang paglala ng kanyang ama. Kasama rin nila roon ang kanilang mga anak na sina Juaquin at Julio para sa kanilang Christmas vacation.


"I remember it was Christmas in 2019 and my two boys were here in the Philippines, so we decided to go to Japan," pagbabahagi ni Ariel.


"Before that my brother Marvin, yung sumunod sa akin, he said, 'dad is not going well, parang something is wrong with him.' Head sepsis but he was home. Parang he seems lost, parang he's not himself."


Hindi na umano niya nakausap ng maayos ang kanyang ama sa phone ng mga panahong iyon. Kaya naman kahit wala sa plano ng kanilang pamilya ay nagtungo sila sa Canada nang isugod na sa ICU ang kanyang ama.


Pagbabalik tanaw pa ni Ariel habang lumuha, "I just whispered in his ear and said, 'thank you dad, thank you for everything you've done to me you've given me."


Nangako rin siya na hindi niya pababayaan ang kanilang ina.


"Don't worry I'll take care of mom. Pag pagod na kayo, magpahinga na kayo."




Bagong Eat Bulaga Sa Kangkongan Pinulot/Mga Social Media Account Na Na-Ban Sa TVJ Fans Isinisi

Walang komento


 Hindi pa rin nakakapaglive ang rebranded Eat Bulaga sa kanilang Facebook page at Youtube Channel dahil sa pagkaka-ban sa kanilang pages dala ng pagrereport ng ilang mga netizens.


Matatandaan na nitong June 19, lunes unang nawala ang YouTube channel ng rebranded Eat Bulaga ang Eat Bulaga Na. Kinagabihan sumunod naman ang kanilang Facebook page.


Kaya naman, pansamantalang sa verified Facebook page nina Paolo Contis at Isko Moreno muna nila nailabas ang kanilang show. Ang nasabing Facebook page ni Paolo Contis ay may 1.9 million followers samantalang 5.5 million followers naman ang kay Isko Moreno.


Isa sa mga itinuturong dahilan bukod sa reports ng mga netizens ay ang hindi pa verified na social media pages ng Eat Bulaga Na. Sa ngayon ay may 14 thousand followers na ang Eat Bulaga Na.


Matatandaan na hindi naging maayos ang pagtanggap ng mga avid fans ng TVJ sa mga pumalit na host sa dating mga dabarkads sa Eat Bulaga.


Kaya naman hindi na kataka-taka na maraming magrereport sa mga bagong pages na ginawa para sa bagong Eat Bulaga.


Ang Eat Bulaga ay may verified account na sa Facebook na may 29 million followers, habang may 5.29 million subscribers naman ang kanilang YouTube channel.


Subalit, hindi na ito naging active mula nang iwan ng TVJ ang pamunuan ng TAPE Inc. sa ngayon ay may bagong social media page na sa Facebook ang mga legit dabarkads at may sariling Youtube channels na rin ang mga ito.


Sa ngayon ay may 539 thousand followers na ang kanilang Facebook page, hindi din ito verified kaya naman may posibilidad din ito na madidkitahan rin ng ilang mga netizens na walang ibang ginagawa kundi ang mangreport ng account.


Samantala, dinumog naman ng mga press ang isinigawang media conference ng dating Eat Bulaga hosts kung saan makailang ulit nilang ipinahayag na sila ang legit dabarkads.


Sa nasabing media conference nilinaw na ng legit dabarkads ang ilang isyu hinggil sa pagkakaroon nila ng panibagong show sa TV5.




Karylle at Yael Yuzon Hiwalay Na Nga Ba? Karylle May Ibang Lalaking Kayakap Sa Event Ni RNB Jay R

Walang komento


 Naging mainit na usapin ngayon sa mundo ng showbiz ang pagbabahagi ng RNB singer na si Jay R sa naging proposal video niya sa kanyang girlfriend gayung ikinasal na ang mga ito noon sa boracay.


Samantala, spotted naman sa nasabing video ang ilang celebrity couples na naroon sa nasabing event. Naroon sina Jaya, Jolina Magdangal ang iba pang couples. 


Subalit ang mas nakakuha ng pansin ng mga netizens ay si Karylle dahil may kayakap itong lalaki sa nasabing event at hindi naman umano ito ang kanyang boyfriend na si Yael Yuzon.


Ang nasabing proposal ni JayR ay naganap noong 2018 habang ikinasal naman sina Karylle at Yael Yuzon noong 2014. Kaya naman napapataas ngayon ang ilang kilay ng mga marites.


Tanong pa ngayon ng ilang mga netizens ay kung maayos pa nga ba ang pagsasama ng dalawa. Subalit, tila ipinakita naman ni Karylle na maayos ang relasyon nila ni Yael dahil kamakailan lamang ay ipinakita ni Karylle na magkasama pa silang nagbakasyon.


"Another day out in @makerandmadebgc. I think it’s just their day 11 but everyone seems to be loving it there. The crowds are pouring in! My dad super loved it. Finny and Mini Me too. Plus we made a new friend in Kiwi the Pug! Congrats, @chefrue_ribon and team!"


Sa kabilang banda, hindi naman nilinaw ni RNB JayR ang totoong dahilan kung bakit ibinahagi niya ngayon ang vproposal video niya gayung matagal na itong naganap at ikinasal na nga sila.




Alan K May Ibinulgar Sa Publiko Ang Ginawa Ng Tape Inc. Sa Dabarkads!

Walang komento

Martes, Hunyo 20, 2023


 Isiniwalat na umano ni Allan K dating Eat Bulaga hosts na nakatanggap umano siy ng offer mula sa Tape Inc. kung saan dodoblehin umano ng mga ito ang natatanggap niyang talent fee kung tatanggapin niya ang alok nilang manatili at maging host ng rebranded Eat Bulaga.


Matatandaan na kaagad sinundan ng iba pang mga Eat Bulaga hosts kabilang na si Allan K ang TVJ ng iwan ng mga ito ang TAPE Inc. noong May 31, 2023.


Sa naging panayam sa kanya ni Julius Babao, tahasang inamin ni Allan K na sinuyo siya noon ng TAPE Inc. ang production company ng Eat Bulaga para manatili siya sa show.


Isiniwalat rin ni Allan K na hindi lamang siya ang nakatanggap ng offer kundi maging sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay nakatanggap rin umano ng offers.


Si Maine Mendoza naman umano ay inalok ng mga Jalosjos sa ikalawa nilang meeting.


Gayunpaman, napagdesisyunan nilang lahat na manatili sa TVJ at tanggahin ang anumang offer sa kanila ng TAPE.


Idenitalye din ni Allan K ang nangyari bago umalis ang TVJ.


Ayon kay Allan, mineteng silang tatlo ng TAPE Inc. at nakatanggap ng offer mula sa mga ito na manatili na lamang sa Eat Bulaga kapalit ng pagkakaroon ng malaking talent fee.


Sinabi naman umano nilang pag-iisipan muna nila ng mabuti kung mananatili ba sila o sasama sa TVJ. Tila nanaig naman ang kanilang loyalty dahil sumama pa rin sila sa TVJ. 




Rendon Labador Umalma Sa Pahayag Ni Toni Fowler Na Siya Ang Pinakaplastik

Walang komento


 Naging mainit sa mga mata ng mga marites ang pagiging prangka ng kontrobersyal content creator na si Toni Fowler sa naging guesting niya sa Youtube vlog ng dating Manila Mayor na si Isko Moreno.


Kabilang sa kanilang napag-usapan ay kung sino ang sa tingin niyang pinakaplastik na social media influencer sa panahon ngayon.


Tapatan namang ipinahayag ni Toni Fowler na para sa  kanya ang pinakaplastik na social media influencer ngayon ay walang iba kundi ang businessman at motivational speaker na si Rendon Labador.


Ayon kay Toni Fowler hindi niya nakilala si Rendon bilang masamang tao na katulad ng ipinapakita niya ngayon sa kanyang pambabanat sa ilang mga artista.


Dahil dito, masasabi umano niyang si Rendon na nga ang pinakaplastik sa lahat. Para sa kanya ginagawa lamang itong lahat ni Rendon upang makakuha ng views mula sa mga netizens kahiy pa napupuno rin siya ng pambabatikos.


Agad naman itong nakarating kay Rendon Labador, agad niya itong pinalagan at binweltahan pa si Mommy Toni.


Ayon naman kay Rendon Labador na nasasabi lamang ito ni Toni Fowler sa kanya dahil gawa na umano sa plastik si Toni.


Tila ba ang tinutukoy ni Rendon ay ang pagiging retokada ni Toni Fowler.




Vic Sotto Sinupalpal Ang Eat Bulaga at Jalosjos Sa Contract Signing Nila Sa TV5!

Walang komento


 Naganap na ngayong araw ng martes June 20 ang contract signing sa pagitan ng dating Eat Bulaga host at ng Mediaquest ng TV5 para sa kanilang upcoming show.


Kasabay ng nasabing contract signing nagkaroon din ng media conference ang mga host ng show. Kabilang sa mga sinagot na tanong ng mga ito ay ang isyu sa pagitan nila at ng dati nilang production company na TAPE Inc.


Dito na, tila hindi napigil ni Vic Sotto ang kanyang sarili at tuluyan nang sinupalpal ang kabila. Ipinunto pa ni Bossing Vi kung paanong naging bahagi ng kanyang buhay sa loob ng 44 years ang Eat Bulaga subalit, basta-basta na lamang itong kukunin sa kanila ng kung sino-sino lang.


"Kahit anong mangyari, Eat Bulaga pa rin kami. Kasi imagine, after 44 years, minahal mo, ako more than half of my life, sa Eat Bulaga. Pagkaabsent ako sa Eat Bulaga parang may kulang sa buhay mo, tapos kukunin lang ng kung sino-sino? Aba hindi pwede," saad ni Bossing na tila nagiging emosyunal pa.


Samantala, marami naman ang nag-aabang sa magiging pamagat ng panibagong show ng legit dabarkads sa TV5. Hanggang ngayon kasi ay nanatiling tikom ang bibig ng mga Dabarkads at tanging clue lamang ang ibinibigay.


Gayunpaman, may mga nagsasabing This Is EAT ang magiging pamagat ng show base na rin sa mga clue na ibinibigay nila.


Ayon pa sa TVJ, mas gusto nilang Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show subalit hindi pa umano ito maari dahil ongoing pa rin ang kanilang kaso laban sa TAPE Inc. at hindi pa rin inaaprubahan ang petition ni Joey De Leon sa trademark ng Eat Bulaga.




Alden Richards Hindi Natuwa Sa Ginawa Ng Isang Netizen!

Walang komento

 


Tila hindi ikinatuwa ng tatay ni Alden ang ginawa ng isang Fan na tila ginagamit ang pangalan ni Alden sa pagbibinta ng mga producto nito sa social media.


Hindi ito nakaligtas sa paningin ng ama ni Alden Richards kaya naman inusisa nito sa comment section ng post kung alam ba ng taga pamahala kay Alden ang nasabing nagbibinta na gamit ang maukha at pangalan ni Alden.


At lumalabas nga dito na walang kaalam-alam ang tatay ni Aldedn sa Merchandise na iyun.


Ang tatay kasi ni Alden ay isang negosyante at siyang humahawak sa mga negosyo ni Alden.


At ganun din naman si Alden kaya naman kailangan talaga nilang questionin ang pagbibinta ng producto na iyon kung saan ay siguradong pagkikitaan ito ng mga nagbibinta dahil sa paggamit sa pangalan ni Alden Richars.


Sa cooment section nga ay walang ibang na ngahas na magkomento sa tweet na iyon kundi ang tatay lang ni Alden Richards.








Buboy Villar Sinuplak Ng Isang Influencer! Isko Moreno May Siniwalat Ukol Sa Pag-uusap Nila Ng TVJ!

Walang komento


 Kinumpirma din ng isa sa mga legit dabarkads na si Allan K na papalitan na ng kanilang show ang It's Showtime sa dating timeslot nito sa TV5 mula sa darating na July 1, 2023.


Ang balitang ito ay una nang kinumpirma ng ABS-CBN kung saan isiniwalat nilang sa GTV na sila mapapanood mula sa darating na July 1.


Ang GTV ay isang subsidiary channel ng GMA7. Kaya naman masasabi rin sa GMA ito lumipat.


Samantala, naitanong rin kay Allan K kung nagkakausap pa rin sila ba si ng ni Vice Ganda dahil naging magkaibigan naman sa totoong buhay ang mga ito.


Subalit, ayon kay Allan K matagal na umano silang hindi nagkakausap ni Vice Ganda. Magmula pa umano nang maging magkatapat ang kanilang mga show sa tanghalian na sa panahon iyon ay sa ABS-CBN pa umire at parehong nasa free TV.


Ang It's Showtime ay umiere na rin ng mahigit 14 years kaya naman 14 years na rin hindi nagkakausap sina Allan K at Vice Ganda.


Sa kabilang banda, naging usap-usapan naman ang maanghang na pahayag ni Rendon Labador laban sa bagong host ngayon ng Eat Bulaga na si Buboy Villar.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinandera ni Buboy sa kanyang Youtube vlog ang kanyang bagong Fortuner Toyota na nabili niya isang linggo matapos ang pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.


Ayon kay Rendon Labador, "Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?”


Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at sinasabing suhol umano ito ng mga Jalosjos sa pagtanggap ni Buboy sa kanilang offer na maging host ng kanilang show.


Ipinagtanggol naman si Buboy ng ilan niyang mga tagahanga at sinabing mula sa pag-iipon at mga dating proyekto ang kanyang pambili ng sasakyan.




Tito Sen Nadulas Binulgar Ang Magiging Title Ng Progama Sa TV5

Walang komento


 Pinagkakaguluhan ngayon ng media ang TVJ kasama ang buong Dabarkads nang harapin at sagutin nila ang ilang mga katanungan ng press patungkol sa mga isyu kamakailan sa pagitan nila at ng TAPE Inc.


Isa sa mga naitanong sa kanila ay kung ano ang magiging pamagat ng kanilang panibagong show sa TV5.


Nauna nang naiulat ang pagsisimula ng kanilang show sa TV5 sa darating na July 1, 2023. Subalit hindi pa malinaw kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show.


Sa nasabing media day, napansin ng maraming press na tila hindi pa rin nagkakasundo ang TVJ sa kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show at patuloy pa itong pinag-iisipan hangganga ngayon.


Samantala, ayon kay Tito Sotto, susurpresahin na lamang nila ang lahat sa darating na July 1 kung saan ihahayag nila ang magiging pamagat ng kanilang programa.


Ayon pa sa TVJ, mas gusto nilang Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show subalit hindi pa umano ito maari dahil ongoing pa rin ang kanilang kaso laban sa TAPE Inc. at hindi pa rin inaaprubahan ang petition ni Joey De Leon sa trademark ng Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, tila nadulas naman si Tito Sen nang pilitin siyang magbigay ng pahayag sa magiging pamagat ng show.


Ayon kay Tito Sotto, na baka ang gamitin nilang pamagat ay E. A. T.  Eto Ang Totoo. Tila paglaban naman umano ito sa mga Jalosjos na patuloy pa ring ginagamit ang pamagat ng show na sila naman ang nakaisip.


Tila pinapahiwatig umano nito na sila ang totoong dabarkads habang ang naroon naman sa kabila ay mga peke. Ilang beses din nilang tinawag ang kanilang mga sarili bilang legit dabarkads.




Andrea Brillantes Ipinagpalit Lang Ni Ricci Rivero Sa Beki

Walang komento

 

Sa pagtanggi ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa napapabalitang relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero, may naglabasan namang mga haka-haka na umano'y beki ang dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang break-up nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes lalo na't hindi nagbigay ng rason ang magkabilang panig sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Dahil rito, nagkaroon ng samu't-saring speculation ang mga netizens sa kung ano nga ba ang nag-udyok sa dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napakasweet ng dalawa sa kani-kanilang social media post noong sila pa kaya naman nagulat ang lahat ng kinumpirma mismo ni Ricci ang kanilang hiwalayan.


Unang nadawit ang pangalan ng Beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa isyu ng dalawa subalit, kaagad itong naglabas ng pahayag kung saan pinabulaanan niyang siya ang third party sa hiwalayan ng dalawa.


Kaya naman muling iniisyu ngayon si Ricci Rivero na umano'y may karelasyong beki. Nahuli umano sila ni Andrea Brillantes kaya ang ang aktres na mismo ang nakipaghiwalay rito.


Ginamit lamang din umano ni Ricci si Andrea upang magkaroon siya ng trophy girlfriend.


Samantala, marami naman ang pumuri sa katapangan ni Andrea Brillantes sa kanyang pag-amin na hindi pa rin siya nakaka move on sa hiwalayan nila ni Ricci.


Maging si Manay Cristy Fermin ay pumuri rin kay Andrea dahil sa pagiging truthful nito sa pag-amin na nasasaktan pa rin siya sa tuluyang nakakalimot sa relasyon nila ni Ricci.


“Alam mo, itong batang  ‘to, napaka-truthful. Ang ganda ng kanyang sinabi na, ‘di pa ako masyadong nakakabangon at nakaka-recover kasi nagmahal ako.’


“Kung mayabang itong Blythe si Andrea Brillantes, (sasabihin niya) ‘Okay na ako. Makaka-move on na ako.’ Hindi mayabang ‘yung bata.


“Inaamin niya na siya’y isang babae lamang na natutong magmahal at nakaramdam din na minahal.


“Ang sabi niya hindi pa raw siya nakaka-recover, pero ang sabi ginawa lang daw trophy girlfriend?”




Sasakyan Ni Buboy Villar Isa Palang Suhol Mula Sa TAPE Inc.

Walang komento


Marami ang napahanga at na-inspire kay Buboy Villar nang ibalandra niya sa social media ang bagong bili niyang sasakyan.


Ayon pa noon kay Buboy Villar naipundar niya ang kanyang sasakyan dahil nakapag-ipon sa mga nagdaan niyang projects. Kinailangan umano niyang magkaroon ng sariling sasakyan upang mapadali ang kanyang transportation papunta sa Eat Bulaga studio kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho.


Gayunpaman, nabahiran ngayon ng kontrobersiya ang nabiling sasakyan ni Buboy dahil sa pagiging host niya sa rebranded Eat Bulaga.


Maging ang businessman at motivational speaker na si Rendon Labador ay binanatan rin ang nabiling sasakyan ni Buboy Villar kung saan sinabi niyang suhol umano ito mula sa TAPE Inc.


“Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?” banat ni Rendon Labador.


Agad naman itong kinuntra ng mga tagahanga ni Buboy Villar at ipinagtanggol ang host. Sinabi nilang naipundar ni Buboy ang sasakyan dahil nakaipon ito mula sa kanyang pagnenegosyo at sa pagva-vlog.


Subalit, may mga sumang-ayon din kay Rendon Labador dahil nabili umano agad ni Buboy ang sasakyan ilang araw lamang matapos makapasok sa Eat Bulaga.


Narito ang ilang komento ng mga netizens.


“Rendon Labador I know happy ka sa ginagawa mo, pero i hope happy dn sa loob mo.”


“Deserveeeee! Next time lang wag magcroptop. Charrrrr! We love you Buboy Villar.”


“Go lng Buboy ,wag intindihin ang mga bashers, di ka nila mabibigyan ng ganyang sasakyan kung padadaig ka sa kanila, work lng ng work mapapagod din ang mga bashers.”


“Bok nand2 lng kmi solid sayo lagi kita ipgtatanggol s mga basher ..tuloy mu lng yan  pangarp mo.”


“Ako ipaglaban ko din c boboy sa kaibutiran nang aking ngalangala hahamabait c boboy.”


“Rendon Labador Dasal at tyaga daw boss hahaha baka Pang uuto at pangluluko. Iba talaga pag may tauhan sa paresan!”




It's Showtime Ang Bagong Kalaban Ng New Eat Bulaga Ng Tape Inc.! Possibleng Palitan Ng GMA7

Walang komento


 Tuluyan nang kinumpirma ng It's Showtime management ang tuluyang pag-alis nila sa TV5 at ang tuluyang paglipat nila sa GMA7 subsidiary channel na GTV.


Magsisimulang ipalabas sa GTV ang It's Showtime sa darating na July 1, 2023 sa kaparehong timeslot nila sa kasalukuyan na 12:00 noon.


Ayon sa inilabas nilang official statement, isa sa mga dahilan nila sa paglipat sa ibang network ay ang pagkakalipat sa kanilang show sa 4:30 PM timeslot at ibinigay naman ang kasalukuyan nilang timeslot sa show ng TVJ.


Hindi ito tinanggap ng pamunuan ng It's Showtime kaya naman magalang silang namaalam sa nasabing network na naging tahanan nila sa loob ng halos isang taon.


Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang It's Showtime management sa TV5 at kay Manny Pangilinan sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makita ang kanilang show sa mas maraming audience.


“ABS-CBN would like to extend its heartfelt appreciation to TV5 Chairman Manny Pangilinan for his support for ABS-CBN and for bringing It’s Showtime to a wider audience through our content partnership."


“With the new programming movements in TV5, we are sad to announce that ‘It's Showtime’ will no longer be seen on TV5 beginning 1 July 2023.


“For 14 years, It’s Showtime has brought joy and entertainment to our Madlang People here and abroad. We value the meaningful relationship we have built and nurtured with our audience in the noontime slot. It is for this reason that we have respectfully declined the 4:30 pm timeslot offered by TV5 for the show.


“We assure the viewers of It’s Showtime that they can continue to watch their favorite noontime show on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC from Monday to Saturday at 12 noon.


“We are also very grateful to GMA’s GTV Channel and happy to announce that It's Showtime has found another home. Starting 1 July 2023, It's Showtime will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12 noon. G na G na tayo, Madlang People!


“We are thankful for the loyal support our audiences have provided for It’s Showtime  and hope they continue to find joy and entertainment on the show as it seeks to find more ways to reach them.”


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na dapat nang kabahan ang Eat Bulaga show ng TAPE Inc. sa paglipat na ito ng It's Showtime sa subsidiary channel ng GMA dahil baka ito naman ang papalit sa kanilang show sa mismong GMA7.


Matatandaan na labis na bumababa ngayon ang ratings ng Eat Bulaga mula nang umalis ang TVJ at iba pang mga hosts nito noong May 31, 2023.


Ayon pa sa ilang mga netizens na dapat pagbutihan ng Eat Bulaga new hosts at ibigay ang mga best nila sa trabaho kung ayaw nilang mapalitan ng It's Showtime sa pag-expire ng kanilang kontrata.




Herlene Budol Binatikos Dahil Mahina Daw Sa Com Skills!

Walang komento


 Muli na namang nabash ang actress-beauty queen na Herlene Nicole Budol dahil sa pagiging mahina niya sa paggamit at pag-intindi sa English language.


Marami ang nagsasabi na kung ganda ang pagbabasehan tiyak na malakas ang laban ni Herlene Budol. Subalit, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi lamang ganda ang batayan sa pagiging isang beauty queen dahil sinasabayan umano ng talino ang ganda.


Kumakalat ngayon ay isang recordings kung saan tila ini-interview si Herlene Budol kung saan kapansin pansin ang hindi malinaw na sagot niya.


Marami rin ang nakapansin na mahina sa comprehension si Herlene kahit pa tinagalog na ang tanong. Hindi rin umano naiintindihan ang kanyang sagot at hindi dire-diretso ang pagsasalita kahit nagtagalog na ito.


Hindi rin umano nito nagawang ipaliwanag ang kanyang mga kasagutan.


"What else do you think you have in order to win the crown this year?" tanong kay Herlene.


Subalit hindi ito nasagot ni Herlene kaya naman tinagalog na lamang ang tanong.


"Ano sa tingin mo ang mayroon ka bukod sa iyong malaking social media followings na sa tingin mo ay maari kang mapili na magrepresenta ng ating bansa sa darating na patimpalak sa Miss Grand International 2023?"


Sagot ni Herlene, "I think this is the right time. Last year siguro hindi ko po oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is.. ahm ano yun.. world peace and what else again? Stop the war and peace."


Dagdag pa ni Herlene, "Since I was young (makisama ka English)..ahm naranasan ko pong mabully sa eskwelahan mabugbog sa tahanan at dumayo sa ibang bansa bilang mapupu.. ahy dumayo ako sa ibang bansa matutukan ng baril na talagang armalite at maging isang dayuhan.


"Para sa akin, ang solid ng experience na yan. In my own experience, ayokong maranasan ng iba yun at bilang isang Miss Grand sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot.


"Kahit anong pinagdaanan ng mga taong laging nakangiti may katuturan iyon at ikaw ang magiging lakas ng iba tao para magiging lakas. 


"Hindi ko maexplain eh. Pero na experience ko talaga na mabully, ayoko po ng away and I'm from broken family. Maging start po yan sa ating tahanan at mag-uumpisa po tayo sa maliit na ano eh problema.


"Kapag naumpisahan po natin sa ating tahanan na maging World peace and for the love love lang ang mga ferson. I think good example yun para ipalaganap ang sa buong kalahatan."




Eat Bulaga ng Jalosjos sa GMA7 Terminated Na! Vic Sotto May Patama Sa Mga Jalosjos!

Walang komento

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang natatanggap na pambabatikos ng TAPE Inc. mula nang umalis ang TVJ at dating Eat Bulaga hosts.


Marami rin ang nagsasabi na tila nakarma na ang mga Jalosjos dahil sa kanilang pagpapaalis sa TVJ. Terminated na kasi ang dalawa nilang social media pages na kanilang ginawa.


Kung matatandaan, matapos humiwalay ngTVJ sa Tape Inc, gumawa ng bagong Facebook page at Youtube channel ang mga Jalosjos, kung saan binigyan nila ito ng title na Eat Bulaga Na. Subalit, matapos ang higit sa dalawang linggo, napansin ng maraming netizens na bigla na lamang naglaho ang parehong Facebok page at Youtube channel ng nasabing show. 


Kung bibisitahin ang Youtube channel ng Eat Bulaga Na, wala na ang mga uploaded videos at mababasa sa ang mga katagang this account has been terminated due to a violation of Youtubes policy prohibiting impersonation.


Ganito rin ang nangyari sa Facebook page nila na umabot na sana sa 11k followers at 7.5k likes, hindi na rin ito mahagilap sa ngayon. 


Kaagad naman itong umani  ng sari-saring damdamin hinggil mula sa mga netizens. Marami ang natuwa, dahil ibig sabihin umano ay nalaman na ng dalawang malalaking platform kung alin ang fake at alin ang original.


Fake Bulaga daw kasi ang hawak ng mga Jalosjos kaya't nakarma ito at sa huli hindi rin sila magwawagi. 


Dapat umanong palitan  nila ang title ng show nila sa GMA7, dahil impersonifIcation ang ginagawa nila dahil may existing account na ang Eat Bulaga at verified accounts na ang mga ito. 


Samantala, hindi pa nagbibigay ng sagot ang kampo ng mga Jalojsos hinggil sa bagong pangyayaring ito sa kanilang programa.


Sa kabilang banda, nagbahagi ng isang live video sina Pauleen Luna at Vic Sotto, at dito ay may patama si vic sa mga gaya-gayang dabarkads. 


Ayon kay Vic Sotto sila umano ang legit dabarkads, at malapit na silang mag umpisa sa kanilang programa sa TV5. Paulit-ulit rin niya itong binabanggit na sila ang legit dabarakdas, na tila ba'y patama sa mga gumagaya sa kanila na mga tauhan ng mga Jalosjos.




Vice Ganda May Patama Sa TVJ Matapos Matanggal Sa TV5 Ang It's Showtime!

Walang komento


 Tuluyan nang inanunsyo ng ABS-CBN ang tuluyang pagkakatigil ng airing ng Kapamilya show na It's Showtime sa TV5 mula July 1, 2023.


Inanunsyo rin nila na magkakaroon ng panibagong tahanan ang It's Showtime sa GTV isang subsidiary ng Kapuso Network.


Lilipat na lamang ang It's Showtime sa GTV dahil papalitan na ng show ng TVJ ang kanilang timeslot sa tuwing alas 12 ng tanghali at ililipat sa alas 4 ng hapon.


Sa kabila ng lahat sa pamamagitan ng kanilang inilabas na official statement, ipinahayag ng It's Showtime management ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa TV5 at sa chairman nitong si Manny Pangilinan.


“ABS-CBN would like to extend its heartfelt appreciation to TV5 Chairman Manny Pangilinan for his support for ABS-CBN and for bringing It’s Showtime to a wider audience through our content partnership.


“With the new programming movements in TV5, we are sad to announce that ‘It's Showtime’ will no longer be seen on TV5 beginning 1 July 2023.


“For 14 years, It’s Showtime has brought joy and entertainment to our Madlang People here and abroad. We value the meaningful relationship we have built and nurtured with our audience in the noontime slot. It is for this reason that we have respectfully declined the 4:30 pm timeslot offered by TV5 for the show.


“We assure the viewers of It’s Showtime that they can continue to watch their favorite noontime show on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC from Monday to Saturday at 12 noon.


“We are also very grateful to GMA’s GTV Channel and happy to announce that It's Showtime has found another home. Starting 1 July 2023, It's Showtime will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12 noon. G na G na tayo, Madlang People!


“We are thankful for the loyal support our audiences have provided for It’s Showtime  and hope they continue to find joy and entertainment on the show as it seeks to find more ways to reach them.”


Samantala naging usap-usapan naman ang tila patama umano ni Vice Ganda sa TVJ.


Ayon kay Vice Ganda, ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.


Marami ang nagsasabi na ang pahayag na ito ni Vice Ganda ay parinig sa TVJ dahil kung hindi lumipat ang mga ito sa TV5 ay hindi sila malilipat na naman sa ibang network.


May mga nagsasabi rin na hindi nagustuhan ng mga It's Showtime host ang ginawa ng TV5 na tila mas pinaboran ng mga ito ang TVJ laban sa kanila.




Kris Aquino Nainis Kay Mark Leviste Dahil Sa Pagpapahayag Sa Kanilang Relasyon Nang Walang Pahintulot

Walang komento

Lunes, Hunyo 19, 2023


 Tila hindi natutuwa ang Queen Of All Media na si Kris Aquino sa pagpapahayag ni Mark Leviste sa kanilang relasyon sa publiko.


Kamakailan lamang, nagbahagi ng cryptic post si Kris Aquino sa kanyang Instagram patungkol sa kanyang peace of mind. Bagama't hindi naman niya pinangalanan kung sino ang kanyang tinukoy nahalata umano ng ilang mga netizens na si Mark ang kanyang tinutukoy.


Mababasa sa caption ng kanyang post ang hindi pagkuha umano nito ng consent sa kanya sa pagsisiwalat sa kanilang masayang relasyon sa publiko.


Ipinahayag din niya na hindi pa sila lubusang nakapag-adjust sa isa't-isa kaya naman hindi umano naiiwasan ang minsang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan.


Gayunpaman, hiling ni Kris na sana'y maayos nila ang kanilang differences.


"For my peace of mind, just the facts: without my knowledge or consent, someone spoke about what’s supposed to be his “ taking care of me in LA” plus “our happy and full of love relationship” - yet just like any new relationship many couples will easily identify, we are still adjusting to each other’s already set habits & ways."


"Recently there have been unavoidable conflicts. I don’t believe in presenting a happy picture when that’s not quite our current reality. I’m hopeful we can still work through our differences, though a part of me realizes the lack of wisdom in embarking on a relationship while undergoing treatment."




Skusta Clee Nagreact Sa Pagbati Ni Zeinab Harake Ng Happy Fathers Day Kay Ray Parks!

Walang komento

 

Tila hindi pinalampas ng dalawang controversial social media personalities na sina Zeinab Harake at Skusta Clee ang nagdaang Father's Day.


May mga nakapansin sa social media na tila nagparinigan umano ang dalawa sa isa't-isa sa kani-kanilang social media post.


Tila tinapakan umano ni Zeinab Harake ang pride ni Skusta Clee bilag ama ni Baby Bia nang si Ray Parks ang binati ni Zeinab Harake nitong Father's Day.


Marami ang naghinalang isa itong patama kay Skusta Clee dahil wala pa namang anak si Ray Parks. Subalit ayon kay Zeinab, binabati niya si Ray Parks dahil ito ang nagpapakatatay sa kanila ni Baby Bia.


Samantala, hindi naman binati ni Zeinab si Skusta Clee gayung ito naman ang totoong tatay ni Bia, subalit hindi na umano ito kataka-taka dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naging maayos ang kanilang hiwalayan.


Hindi rin sila nagko-coparenting sa kanilang anak dahil ayaw umano ni Zeinab. Hindi rin pumapayag si Zeinab na makita at kahit mahiram man lang ni Skusta Clee ang bata.


Sa kabilang banda, binati rin naman pabalik ni Ray Parks si Zeinab Harake dahil sa pagiging ama na rin nito kay Baby Bia.


 Agad namang nagreak ang mga netizens at sinabing choice ni Zeinab Harake na gampanan ang pagiging nanay at tatay sa bata dahil may karapatan naman umano siyang humingi ng sustento kay Skusta Clee.


Nagreak rin mismo si Skusta Clee sa mga nagsasabing wala siyang kwentang ama. Ipinunto pa ni Skusta Clee na kahit hindi siya perpektong karelasyon, kaya rin niyang maging mabuting ama sa kanyang anak kung bibigyan siya ng pagkakataon.


"Try nyo ibigay. Hindi ako perfect na ka relasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang kaya kong maging tatay sa anak ko. Ayaw lang kasi alam ko pano maging tatay. Pero ays lang naniniwala ako sa oras."


Samantala, mga nagbigay ng payo naman kay Skusta Clee at sinasabing ilaban ang kanyang karapatan kay Baby Bia at huwag puro nganga at ngawa sa social media.


Tiyak naman umano siyang mapagbibigyan ng korte dahil bali-baliktarin man ang mundo siya pa rin ang totoong ama ng bata.


"Kung gusto may paraan. Bisitahin mo every month, puntahan mo sa bahay nila lagi, sustentuhan mo ng kusa kahit ayaw tanggapin, ilaban mo, legal actions… Ang dami pwedeng gawin na hindi dapat idinadaan sa social media. May pera ka. Kuha ka attorney.


"Mahirap magpatawad kapag sobrang nasaktan pero mas mahirap kapag wala kang ginagawa para ma-prove ang sincerity mo towards the child. Mabait ka pa rin naaalala mo ang anak mo. Maraming tumatakbo sa responsibilidad bilang magulang kaya habang maaga pa, do your best para maayos ang relationship mo kay little one."




Vic Sotto, Emosyonal Dahil Complete Ang Mga Anak Nito Sa Father's Day Celebration!

Walang komento


 Naging extra special ang pagdiriwang ngayon ni Vic Sotto sa araw ng mga tatay dahil kompleto ang kanyang mga anak.


Samantala, makikita nga sa video na ibinahagi ng kanyang misis na si Pauleen Luna ang kanilang masayang salo-salo kasama ang kanilang buong pamilya.


"So many things to celebrate! Happy to be with the family 🩷


"Happy birthday @vicosotto and @lordylna 🥳

Happy Father’s day to our beloved daddies!


"Thank you Lord!" caption ni Pauleen sa kanyang Instagram post kalakip ang larawan ng kanilang malaking pamilya.


Samantala, nagkanya-kanya ring pagbabahagi ng throwback pictures ang mga anak ni Vic Sotto bilang pagbati sa kanya sa araw ng mga tatay.


Kaya naman tila hindi napigil ni Vic Sotto ang kanyang emosyunal sa nakikita niyang kasiyahan sa kanyang pamilya. Lalo na't nakikita niyang nagkakasundo ang lahat at tanggap ang bawat isa.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo