Herlene Budol, Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang Pagkakamali Q&A Sa Miss Grand International Interview

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na humingi ng paumanhin si Miss Grand Philippines 2023 candidate at Kapuso actress Herlene Budol na kilala rin bilang si Hipon Girl matapos umakatanggap ng samu’t saring reaksiyon at komento ang ligwak umano niyang pagsagot sa “Question & Answer” portion ng sashing ceremony at press presentation ng Miss Grand Philippines 2023, na ginanap nitong Martes, June 20.


Aminado si Herlene Budol na hindi raw niya naintindihan ang tanong kaya sana raw, huwag naman kaagad siyang husgahan. Isa pa, inunahan na kaagad siya umano ng kaba.


“Sa sobrang kaba ko po hindi ko po naexplain yung kung anong gusto ko pong sabihin sorry I admit di po ako magaling sa lahat ng bagay and sorry kung nawalan po kayo sa’kin ng kumpyansa sa isang pagkakamali,” pahayag ni Herlene sa kanyang Facebook post.


Dagdag pa niya, “I’ll try my best to make you proud. Hindi ko po nilaro di ‘ko lang po talaga na-gets yung tanong and I accept it.”


“Hindi po ako perpekto. Thank you for those people na naniniwala pa rin po sa akin.”


Samantala, sinabi rin ni Herlene sa inilabas niyang video na wala pa siyang tulog at kain noong panahong iyon dahil sa paghahanda niyang mas maging maganda ang kalalabasan ng sashing ceremony subalit naging kabaliktaran ang lahat.


Aminado naman si Herlene Budol na naapektuhan siya sa mga pambabatikos na natatanggap niya sa social media dahil sa kanyang naging pagkakamali sa Question and Answer portion.


Sa kabila ng lahat, naging positibo pa rin si Herlene na kaya pa niyang manalo sa kabila ng kanyang pagkakamali na inaamin naman niya.


Hiling din ni Herlene na sana ay patuloy pa rin siyang suportahan ng kanyang mga fans sa kabila ng kanyang pagkakamali. Bukas naman umano si Herlene sa mga advice at mga pagtuturo mula sa mga netizens.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo