Sasakyan Ni Buboy Villar Isa Palang Suhol Mula Sa TAPE Inc.

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


Marami ang napahanga at na-inspire kay Buboy Villar nang ibalandra niya sa social media ang bagong bili niyang sasakyan.


Ayon pa noon kay Buboy Villar naipundar niya ang kanyang sasakyan dahil nakapag-ipon sa mga nagdaan niyang projects. Kinailangan umano niyang magkaroon ng sariling sasakyan upang mapadali ang kanyang transportation papunta sa Eat Bulaga studio kung saan siya kasalukuyang nagtatrabaho.


Gayunpaman, nabahiran ngayon ng kontrobersiya ang nabiling sasakyan ni Buboy dahil sa pagiging host niya sa rebranded Eat Bulaga.


Maging ang businessman at motivational speaker na si Rendon Labador ay binanatan rin ang nabiling sasakyan ni Buboy Villar kung saan sinabi niyang suhol umano ito mula sa TAPE Inc.


“Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?” banat ni Rendon Labador.


Agad naman itong kinuntra ng mga tagahanga ni Buboy Villar at ipinagtanggol ang host. Sinabi nilang naipundar ni Buboy ang sasakyan dahil nakaipon ito mula sa kanyang pagnenegosyo at sa pagva-vlog.


Subalit, may mga sumang-ayon din kay Rendon Labador dahil nabili umano agad ni Buboy ang sasakyan ilang araw lamang matapos makapasok sa Eat Bulaga.


Narito ang ilang komento ng mga netizens.


“Rendon Labador I know happy ka sa ginagawa mo, pero i hope happy dn sa loob mo.”


“Deserveeeee! Next time lang wag magcroptop. Charrrrr! We love you Buboy Villar.”


“Go lng Buboy ,wag intindihin ang mga bashers, di ka nila mabibigyan ng ganyang sasakyan kung padadaig ka sa kanila, work lng ng work mapapagod din ang mga bashers.”


“Bok nand2 lng kmi solid sayo lagi kita ipgtatanggol s mga basher ..tuloy mu lng yan  pangarp mo.”


“Ako ipaglaban ko din c boboy sa kaibutiran nang aking ngalangala hahamabait c boboy.”


“Rendon Labador Dasal at tyaga daw boss hahaha baka Pang uuto at pangluluko. Iba talaga pag may tauhan sa paresan!”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo