Vic Sotto Sinupalpal Ang Eat Bulaga at Jalosjos Sa Contract Signing Nila Sa TV5!

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Naganap na ngayong araw ng martes June 20 ang contract signing sa pagitan ng dating Eat Bulaga host at ng Mediaquest ng TV5 para sa kanilang upcoming show.


Kasabay ng nasabing contract signing nagkaroon din ng media conference ang mga host ng show. Kabilang sa mga sinagot na tanong ng mga ito ay ang isyu sa pagitan nila at ng dati nilang production company na TAPE Inc.


Dito na, tila hindi napigil ni Vic Sotto ang kanyang sarili at tuluyan nang sinupalpal ang kabila. Ipinunto pa ni Bossing Vi kung paanong naging bahagi ng kanyang buhay sa loob ng 44 years ang Eat Bulaga subalit, basta-basta na lamang itong kukunin sa kanila ng kung sino-sino lang.


"Kahit anong mangyari, Eat Bulaga pa rin kami. Kasi imagine, after 44 years, minahal mo, ako more than half of my life, sa Eat Bulaga. Pagkaabsent ako sa Eat Bulaga parang may kulang sa buhay mo, tapos kukunin lang ng kung sino-sino? Aba hindi pwede," saad ni Bossing na tila nagiging emosyunal pa.


Samantala, marami naman ang nag-aabang sa magiging pamagat ng panibagong show ng legit dabarkads sa TV5. Hanggang ngayon kasi ay nanatiling tikom ang bibig ng mga Dabarkads at tanging clue lamang ang ibinibigay.


Gayunpaman, may mga nagsasabing This Is EAT ang magiging pamagat ng show base na rin sa mga clue na ibinibigay nila.


Ayon pa sa TVJ, mas gusto nilang Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show subalit hindi pa umano ito maari dahil ongoing pa rin ang kanilang kaso laban sa TAPE Inc. at hindi pa rin inaaprubahan ang petition ni Joey De Leon sa trademark ng Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo