Eat Bulaga ng Jalosjos sa GMA7 Terminated Na! Vic Sotto May Patama Sa Mga Jalosjos!

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang natatanggap na pambabatikos ng TAPE Inc. mula nang umalis ang TVJ at dating Eat Bulaga hosts.


Marami rin ang nagsasabi na tila nakarma na ang mga Jalosjos dahil sa kanilang pagpapaalis sa TVJ. Terminated na kasi ang dalawa nilang social media pages na kanilang ginawa.


Kung matatandaan, matapos humiwalay ngTVJ sa Tape Inc, gumawa ng bagong Facebook page at Youtube channel ang mga Jalosjos, kung saan binigyan nila ito ng title na Eat Bulaga Na. Subalit, matapos ang higit sa dalawang linggo, napansin ng maraming netizens na bigla na lamang naglaho ang parehong Facebok page at Youtube channel ng nasabing show. 


Kung bibisitahin ang Youtube channel ng Eat Bulaga Na, wala na ang mga uploaded videos at mababasa sa ang mga katagang this account has been terminated due to a violation of Youtubes policy prohibiting impersonation.


Ganito rin ang nangyari sa Facebook page nila na umabot na sana sa 11k followers at 7.5k likes, hindi na rin ito mahagilap sa ngayon. 


Kaagad naman itong umani  ng sari-saring damdamin hinggil mula sa mga netizens. Marami ang natuwa, dahil ibig sabihin umano ay nalaman na ng dalawang malalaking platform kung alin ang fake at alin ang original.


Fake Bulaga daw kasi ang hawak ng mga Jalosjos kaya't nakarma ito at sa huli hindi rin sila magwawagi. 


Dapat umanong palitan  nila ang title ng show nila sa GMA7, dahil impersonifIcation ang ginagawa nila dahil may existing account na ang Eat Bulaga at verified accounts na ang mga ito. 


Samantala, hindi pa nagbibigay ng sagot ang kampo ng mga Jalojsos hinggil sa bagong pangyayaring ito sa kanilang programa.


Sa kabilang banda, nagbahagi ng isang live video sina Pauleen Luna at Vic Sotto, at dito ay may patama si vic sa mga gaya-gayang dabarkads. 


Ayon kay Vic Sotto sila umano ang legit dabarkads, at malapit na silang mag umpisa sa kanilang programa sa TV5. Paulit-ulit rin niya itong binabanggit na sila ang legit dabarakdas, na tila ba'y patama sa mga gumagaya sa kanila na mga tauhan ng mga Jalosjos.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo