Buboy Villar Sinuplak Ng Isang Influencer! Isko Moreno May Siniwalat Ukol Sa Pag-uusap Nila Ng TVJ!

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma din ng isa sa mga legit dabarkads na si Allan K na papalitan na ng kanilang show ang It's Showtime sa dating timeslot nito sa TV5 mula sa darating na July 1, 2023.


Ang balitang ito ay una nang kinumpirma ng ABS-CBN kung saan isiniwalat nilang sa GTV na sila mapapanood mula sa darating na July 1.


Ang GTV ay isang subsidiary channel ng GMA7. Kaya naman masasabi rin sa GMA ito lumipat.


Samantala, naitanong rin kay Allan K kung nagkakausap pa rin sila ba si ng ni Vice Ganda dahil naging magkaibigan naman sa totoong buhay ang mga ito.


Subalit, ayon kay Allan K matagal na umano silang hindi nagkakausap ni Vice Ganda. Magmula pa umano nang maging magkatapat ang kanilang mga show sa tanghalian na sa panahon iyon ay sa ABS-CBN pa umire at parehong nasa free TV.


Ang It's Showtime ay umiere na rin ng mahigit 14 years kaya naman 14 years na rin hindi nagkakausap sina Allan K at Vice Ganda.


Sa kabilang banda, naging usap-usapan naman ang maanghang na pahayag ni Rendon Labador laban sa bagong host ngayon ng Eat Bulaga na si Buboy Villar.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinandera ni Buboy sa kanyang Youtube vlog ang kanyang bagong Fortuner Toyota na nabili niya isang linggo matapos ang pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.


Ayon kay Rendon Labador, "Paano mo natitiis ang mag flex ng bagong sasakyan habang questionable ang pagpili ninyo sa contestant ng show ninyo? Doon ba galing yan, sa panloloko ng audience?”


Sinang-ayunan naman ito ng ilang mga netizens at sinasabing suhol umano ito ng mga Jalosjos sa pagtanggap ni Buboy sa kanilang offer na maging host ng kanilang show.


Ipinagtanggol naman si Buboy ng ilan niyang mga tagahanga at sinabing mula sa pag-iipon at mga dating proyekto ang kanyang pambili ng sasakyan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo