It's Showtime Ang Bagong Kalaban Ng New Eat Bulaga Ng Tape Inc.! Possibleng Palitan Ng GMA7

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Tuluyan nang kinumpirma ng It's Showtime management ang tuluyang pag-alis nila sa TV5 at ang tuluyang paglipat nila sa GMA7 subsidiary channel na GTV.


Magsisimulang ipalabas sa GTV ang It's Showtime sa darating na July 1, 2023 sa kaparehong timeslot nila sa kasalukuyan na 12:00 noon.


Ayon sa inilabas nilang official statement, isa sa mga dahilan nila sa paglipat sa ibang network ay ang pagkakalipat sa kanilang show sa 4:30 PM timeslot at ibinigay naman ang kasalukuyan nilang timeslot sa show ng TVJ.


Hindi ito tinanggap ng pamunuan ng It's Showtime kaya naman magalang silang namaalam sa nasabing network na naging tahanan nila sa loob ng halos isang taon.


Gayunpaman, nagpasalamat pa rin ang It's Showtime management sa TV5 at kay Manny Pangilinan sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na makita ang kanilang show sa mas maraming audience.


“ABS-CBN would like to extend its heartfelt appreciation to TV5 Chairman Manny Pangilinan for his support for ABS-CBN and for bringing It’s Showtime to a wider audience through our content partnership."


“With the new programming movements in TV5, we are sad to announce that ‘It's Showtime’ will no longer be seen on TV5 beginning 1 July 2023.


“For 14 years, It’s Showtime has brought joy and entertainment to our Madlang People here and abroad. We value the meaningful relationship we have built and nurtured with our audience in the noontime slot. It is for this reason that we have respectfully declined the 4:30 pm timeslot offered by TV5 for the show.


“We assure the viewers of It’s Showtime that they can continue to watch their favorite noontime show on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, and TFC from Monday to Saturday at 12 noon.


“We are also very grateful to GMA’s GTV Channel and happy to announce that It's Showtime has found another home. Starting 1 July 2023, It's Showtime will also be aired on GTV from Monday to Saturday at 12 noon. G na G na tayo, Madlang People!


“We are thankful for the loyal support our audiences have provided for It’s Showtime  and hope they continue to find joy and entertainment on the show as it seeks to find more ways to reach them.”


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na dapat nang kabahan ang Eat Bulaga show ng TAPE Inc. sa paglipat na ito ng It's Showtime sa subsidiary channel ng GMA dahil baka ito naman ang papalit sa kanilang show sa mismong GMA7.


Matatandaan na labis na bumababa ngayon ang ratings ng Eat Bulaga mula nang umalis ang TVJ at iba pang mga hosts nito noong May 31, 2023.


Ayon pa sa ilang mga netizens na dapat pagbutihan ng Eat Bulaga new hosts at ibigay ang mga best nila sa trabaho kung ayaw nilang mapalitan ng It's Showtime sa pag-expire ng kanilang kontrata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo