Andrea Brilliantes Ginawang Trophy Girlfriend Ni Ricci Rivero?

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Jerome


Mainit paring pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa hiwalayan ng actress na si Andrea Brillantes at basketbolistang si Ricci Rivero.


Lalo na ngayon na mayroon na namang bagong cheka na kumalat sa social media na ginamit lang daw ni Ricci ang actress na si Andrea Brillantes.


Na ginawang isang trophy girlfriend lang daw si Andrea nitong basketbolistang si Ricci Rivero.


Kumakalat na nga ito ngayon sa social media na isa ito sa naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Andrea Brillantes kay Ricci Rivero.


Sa ngayon ay binabatikos at inaakusahan ng mga netizen itong si Ricci Rivero na ginamit lang daw niya si Andrea Brillantes bilang kanyang trophy girlfriend dahil sa may tinatago raw umano ito.


Hindi maikakailang gumawa ng ingay sa social media ang hiwalayan ng dalawa, tulad ng kung papano nagsimula ang kanilang relasyon.


Si Ricci Rivero ay inakusahang nanloko sa actress at ang third party pa umano sa kanilang relasyon ay si Los Banos Councilor Leren Mae Bautista.


Ngunit mariin itong itinanggi ng nasabing third party, at nagbigay nadin siya ng pahayag ukol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


At nilinaw din niya sa kanyang pahayag na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila ni Ricci dahil dahil malinis daw ang kanyang konsensya at wala naman daw silang relasyon na namamagitan sa kanila ng basketbolista.


Samantala, inamin naman ni Andrea na hindi pa siya tuloyang nakakamove-on sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero.


Ito naman ang bagay na hinangaan ng kulumnistang si Cristy Fermin sa kanya.


Sa isang episode kasi ng vlog ni Cristy Fermin ay napag-usapan nila ang tungkol sa naging relasyon nina Andrea at Ricci Rivero.


Sinabi nga ni Cristy sa kanyang programa na si Andrea daw ay isang tapat na tao, at hindi nagmamayabang.


Dahil inamin niya sa publiko kung anu pa ang kanyang nararamdaman ngayon pagkatapos ng hiwalayan nila ng basketbolista.


Ani Cristy, "Kung mayabang itong Blythe, si Andrea Brillantes sasabihin niya oka na ako. Makakamove-on na ako, hindi mayabang yung bata."


"Inaamin niya na siya ay isang babae lamang na natotong magmahal at nakaramdam din naman na minahal."


Kasunod na nga nito ay sinabi ng kulumnista na ayon sa impormasyon na nakarating sa ay tila ginamit lang daw ni Ricci si Andrea Brillantes bilang kanyang trophy girlfriend.






 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo