Rendon Labador Umalma Sa Pahayag Ni Toni Fowler Na Siya Ang Pinakaplastik

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit sa mga mata ng mga marites ang pagiging prangka ng kontrobersyal content creator na si Toni Fowler sa naging guesting niya sa Youtube vlog ng dating Manila Mayor na si Isko Moreno.


Kabilang sa kanilang napag-usapan ay kung sino ang sa tingin niyang pinakaplastik na social media influencer sa panahon ngayon.


Tapatan namang ipinahayag ni Toni Fowler na para sa  kanya ang pinakaplastik na social media influencer ngayon ay walang iba kundi ang businessman at motivational speaker na si Rendon Labador.


Ayon kay Toni Fowler hindi niya nakilala si Rendon bilang masamang tao na katulad ng ipinapakita niya ngayon sa kanyang pambabanat sa ilang mga artista.


Dahil dito, masasabi umano niyang si Rendon na nga ang pinakaplastik sa lahat. Para sa kanya ginagawa lamang itong lahat ni Rendon upang makakuha ng views mula sa mga netizens kahiy pa napupuno rin siya ng pambabatikos.


Agad naman itong nakarating kay Rendon Labador, agad niya itong pinalagan at binweltahan pa si Mommy Toni.


Ayon naman kay Rendon Labador na nasasabi lamang ito ni Toni Fowler sa kanya dahil gawa na umano sa plastik si Toni.


Tila ba ang tinutukoy ni Rendon ay ang pagiging retokada ni Toni Fowler.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo