Xander Arizala, Magsasampa Ng Kaso Matapos Matalo Ni Christian Merck Grey!

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Matapos ma-knock out sa kanilang boxing match, Marlou Arizala aka Xander Ford balak idemanda si Christian Merck Grey aka MakaGwapo.


Desidido na ngayon si Xander Ford na magsampa ng kaso laban kay Christian Merck Grey dahil sa pandaraya umano nito sa kanya sa naganap nilang boxing match sa Battle of the Youtubers nitong June 18, 2023.


Ayon kay Xander, dinaya umano siya ni Christian Merck Grey na naging dahilan kung bakit na-knock out siya sa simula ng round 2 sa nasabing boxing match.


Ilang araw matapos ang kanilang match, naglabas ng update si Xander Ford sa nangyari sa kanya. 


Aniya, ilang araw na siyang bedridden at hindi nakakapagtrabaho dahil sa ginawa ni MakaGwapo kaya naman dinadamay rin niya ngayon ang may-ari ng Battle of the YouTuber na si Mark Jayson Warnakulahewa.


“Sobra-sobrang pandadaya yung ginawa niyo sa akin. Yung ginawa niyo sa akin na pinalaro niyo ako dun sa gitna ng boxing ring kahit hindi ako professional. Sana wala nang gantong mangyari sa ibang tao.”


Sa ngayon ay naghahanda na umano si Xander Ford sa kanyang isasampang kaso laban kay Christian Merck Grey dahil sa ginawa nito sa kanyang retokadong ilong.


Mensahe pa ni Xander Ford kay Makagwapo, "Christian Merck Grey, napakasinungaling mo, sana matapos na 'yang kalokohan mo. Sana wala ka ng lokohin katulad sakin."


Dagdag pa ni Xander, "Sana wala ka nang mapahiyang tao. Kulang pa 'yung mga binayad mo sa akin sa ginawa mo sa akin ngayon."


Balak ni Xander na kumuha ng medico legal certificate upang madiin si MakaGwapo sa nangyaring pagkasira ng kanyang mukha.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagsasabing dapat ay hindi kaawaan si Marlou dahil pumayag naman umano siyang makipag boxing kay MakaGwapo. Hindi naman umano siya kinaladkad para lamang makapasok sa ring.


Binalikan pa ng mga netizens ang pagmamayabang noon ni Xander na papabagsakin niya si MakaGwapo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo