Bagong Eat Bulaga Sa Kangkongan Pinulot/Mga Social Media Account Na Na-Ban Sa TVJ Fans Isinisi

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa rin nakakapaglive ang rebranded Eat Bulaga sa kanilang Facebook page at Youtube Channel dahil sa pagkaka-ban sa kanilang pages dala ng pagrereport ng ilang mga netizens.


Matatandaan na nitong June 19, lunes unang nawala ang YouTube channel ng rebranded Eat Bulaga ang Eat Bulaga Na. Kinagabihan sumunod naman ang kanilang Facebook page.


Kaya naman, pansamantalang sa verified Facebook page nina Paolo Contis at Isko Moreno muna nila nailabas ang kanilang show. Ang nasabing Facebook page ni Paolo Contis ay may 1.9 million followers samantalang 5.5 million followers naman ang kay Isko Moreno.


Isa sa mga itinuturong dahilan bukod sa reports ng mga netizens ay ang hindi pa verified na social media pages ng Eat Bulaga Na. Sa ngayon ay may 14 thousand followers na ang Eat Bulaga Na.


Matatandaan na hindi naging maayos ang pagtanggap ng mga avid fans ng TVJ sa mga pumalit na host sa dating mga dabarkads sa Eat Bulaga.


Kaya naman hindi na kataka-taka na maraming magrereport sa mga bagong pages na ginawa para sa bagong Eat Bulaga.


Ang Eat Bulaga ay may verified account na sa Facebook na may 29 million followers, habang may 5.29 million subscribers naman ang kanilang YouTube channel.


Subalit, hindi na ito naging active mula nang iwan ng TVJ ang pamunuan ng TAPE Inc. sa ngayon ay may bagong social media page na sa Facebook ang mga legit dabarkads at may sariling Youtube channels na rin ang mga ito.


Sa ngayon ay may 539 thousand followers na ang kanilang Facebook page, hindi din ito verified kaya naman may posibilidad din ito na madidkitahan rin ng ilang mga netizens na walang ibang ginagawa kundi ang mangreport ng account.


Samantala, dinumog naman ng mga press ang isinigawang media conference ng dating Eat Bulaga hosts kung saan makailang ulit nilang ipinahayag na sila ang legit dabarkads.


Sa nasabing media conference nilinaw na ng legit dabarkads ang ilang isyu hinggil sa pagkakaroon nila ng panibagong show sa TV5.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo