Tito Sen Nadulas Binulgar Ang Magiging Title Ng Progama Sa TV5

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Pinagkakaguluhan ngayon ng media ang TVJ kasama ang buong Dabarkads nang harapin at sagutin nila ang ilang mga katanungan ng press patungkol sa mga isyu kamakailan sa pagitan nila at ng TAPE Inc.


Isa sa mga naitanong sa kanila ay kung ano ang magiging pamagat ng kanilang panibagong show sa TV5.


Nauna nang naiulat ang pagsisimula ng kanilang show sa TV5 sa darating na July 1, 2023. Subalit hindi pa malinaw kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show.


Sa nasabing media day, napansin ng maraming press na tila hindi pa rin nagkakasundo ang TVJ sa kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show at patuloy pa itong pinag-iisipan hangganga ngayon.


Samantala, ayon kay Tito Sotto, susurpresahin na lamang nila ang lahat sa darating na July 1 kung saan ihahayag nila ang magiging pamagat ng kanilang programa.


Ayon pa sa TVJ, mas gusto nilang Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show subalit hindi pa umano ito maari dahil ongoing pa rin ang kanilang kaso laban sa TAPE Inc. at hindi pa rin inaaprubahan ang petition ni Joey De Leon sa trademark ng Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, tila nadulas naman si Tito Sen nang pilitin siyang magbigay ng pahayag sa magiging pamagat ng show.


Ayon kay Tito Sotto, na baka ang gamitin nilang pamagat ay E. A. T.  Eto Ang Totoo. Tila paglaban naman umano ito sa mga Jalosjos na patuloy pa ring ginagamit ang pamagat ng show na sila naman ang nakaisip.


Tila pinapahiwatig umano nito na sila ang totoong dabarkads habang ang naroon naman sa kabila ay mga peke. Ilang beses din nilang tinawag ang kanilang mga sarili bilang legit dabarkads.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo