Ariel Rivera Emosyunal Sa Pagp5naw Ng Pinakamamahal

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Hindi napigil ng actor-host na si Ariel Rivera ang kanyang sarili na maging emosyunal ng alalalahanin ang isa sa pinakamasakit na nangyari sa kanilang pamilya.


Sa naganap na guesting ni Ariel Rivera sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 para sa Father's Day special ng Fast Talk With Boy Abunda nitong June 16, kabilang sa kanilang napag-usapan ang masasakit na pinagdaanan ni Ariel.


Binalikan naman nito ang nangyari more than 3 years ago nang pumanaw ang kanyang ama na si Ben Rivera.


Pagbabalik-tanaw ni Ariel naroon siya sa Japan kasama ang kanyang asawang si Gelli de Belen nang mangyari ang paglala ng kanyang ama. Kasama rin nila roon ang kanilang mga anak na sina Juaquin at Julio para sa kanilang Christmas vacation.


"I remember it was Christmas in 2019 and my two boys were here in the Philippines, so we decided to go to Japan," pagbabahagi ni Ariel.


"Before that my brother Marvin, yung sumunod sa akin, he said, 'dad is not going well, parang something is wrong with him.' Head sepsis but he was home. Parang he seems lost, parang he's not himself."


Hindi na umano niya nakausap ng maayos ang kanyang ama sa phone ng mga panahong iyon. Kaya naman kahit wala sa plano ng kanilang pamilya ay nagtungo sila sa Canada nang isugod na sa ICU ang kanyang ama.


Pagbabalik tanaw pa ni Ariel habang lumuha, "I just whispered in his ear and said, 'thank you dad, thank you for everything you've done to me you've given me."


Nangako rin siya na hindi niya pababayaan ang kanilang ina.


"Don't worry I'll take care of mom. Pag pagod na kayo, magpahinga na kayo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo