Andrea Brillantes Ipinagpalit Lang Ni Ricci Rivero Sa Beki

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely

 

Sa pagtanggi ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa napapabalitang relasyon nila ng basketball player na si Ricci Rivero, may naglabasan namang mga haka-haka na umano'y beki ang dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang break-up nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes lalo na't hindi nagbigay ng rason ang magkabilang panig sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Dahil rito, nagkaroon ng samu't-saring speculation ang mga netizens sa kung ano nga ba ang nag-udyok sa dalawa na tapusin na ang kanilang relasyon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napakasweet ng dalawa sa kani-kanilang social media post noong sila pa kaya naman nagulat ang lahat ng kinumpirma mismo ni Ricci ang kanilang hiwalayan.


Unang nadawit ang pangalan ng Beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista sa isyu ng dalawa subalit, kaagad itong naglabas ng pahayag kung saan pinabulaanan niyang siya ang third party sa hiwalayan ng dalawa.


Kaya naman muling iniisyu ngayon si Ricci Rivero na umano'y may karelasyong beki. Nahuli umano sila ni Andrea Brillantes kaya ang ang aktres na mismo ang nakipaghiwalay rito.


Ginamit lamang din umano ni Ricci si Andrea upang magkaroon siya ng trophy girlfriend.


Samantala, marami naman ang pumuri sa katapangan ni Andrea Brillantes sa kanyang pag-amin na hindi pa rin siya nakaka move on sa hiwalayan nila ni Ricci.


Maging si Manay Cristy Fermin ay pumuri rin kay Andrea dahil sa pagiging truthful nito sa pag-amin na nasasaktan pa rin siya sa tuluyang nakakalimot sa relasyon nila ni Ricci.


“Alam mo, itong batang  ‘to, napaka-truthful. Ang ganda ng kanyang sinabi na, ‘di pa ako masyadong nakakabangon at nakaka-recover kasi nagmahal ako.’


“Kung mayabang itong Blythe si Andrea Brillantes, (sasabihin niya) ‘Okay na ako. Makaka-move on na ako.’ Hindi mayabang ‘yung bata.


“Inaamin niya na siya’y isang babae lamang na natutong magmahal at nakaramdam din na minahal.


“Ang sabi niya hindi pa raw siya nakaka-recover, pero ang sabi ginawa lang daw trophy girlfriend?”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo