Alan K May Ibinulgar Sa Publiko Ang Ginawa Ng Tape Inc. Sa Dabarkads!

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat na umano ni Allan K dating Eat Bulaga hosts na nakatanggap umano siy ng offer mula sa Tape Inc. kung saan dodoblehin umano ng mga ito ang natatanggap niyang talent fee kung tatanggapin niya ang alok nilang manatili at maging host ng rebranded Eat Bulaga.


Matatandaan na kaagad sinundan ng iba pang mga Eat Bulaga hosts kabilang na si Allan K ang TVJ ng iwan ng mga ito ang TAPE Inc. noong May 31, 2023.


Sa naging panayam sa kanya ni Julius Babao, tahasang inamin ni Allan K na sinuyo siya noon ng TAPE Inc. ang production company ng Eat Bulaga para manatili siya sa show.


Isiniwalat rin ni Allan K na hindi lamang siya ang nakatanggap ng offer kundi maging sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros ay nakatanggap rin umano ng offers.


Si Maine Mendoza naman umano ay inalok ng mga Jalosjos sa ikalawa nilang meeting.


Gayunpaman, napagdesisyunan nilang lahat na manatili sa TVJ at tanggahin ang anumang offer sa kanila ng TAPE.


Idenitalye din ni Allan K ang nangyari bago umalis ang TVJ.


Ayon kay Allan, mineteng silang tatlo ng TAPE Inc. at nakatanggap ng offer mula sa mga ito na manatili na lamang sa Eat Bulaga kapalit ng pagkakaroon ng malaking talent fee.


Sinabi naman umano nilang pag-iisipan muna nila ng mabuti kung mananatili ba sila o sasama sa TVJ. Tila nanaig naman ang kanilang loyalty dahil sumama pa rin sila sa TVJ. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo