Skusta Clee Nagreact Sa Pagbati Ni Zeinab Harake Ng Happy Fathers Day Kay Ray Parks!

Lunes, Hunyo 19, 2023

/ by Lovely

 

Tila hindi pinalampas ng dalawang controversial social media personalities na sina Zeinab Harake at Skusta Clee ang nagdaang Father's Day.


May mga nakapansin sa social media na tila nagparinigan umano ang dalawa sa isa't-isa sa kani-kanilang social media post.


Tila tinapakan umano ni Zeinab Harake ang pride ni Skusta Clee bilag ama ni Baby Bia nang si Ray Parks ang binati ni Zeinab Harake nitong Father's Day.


Marami ang naghinalang isa itong patama kay Skusta Clee dahil wala pa namang anak si Ray Parks. Subalit ayon kay Zeinab, binabati niya si Ray Parks dahil ito ang nagpapakatatay sa kanila ni Baby Bia.


Samantala, hindi naman binati ni Zeinab si Skusta Clee gayung ito naman ang totoong tatay ni Bia, subalit hindi na umano ito kataka-taka dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naging maayos ang kanilang hiwalayan.


Hindi rin sila nagko-coparenting sa kanilang anak dahil ayaw umano ni Zeinab. Hindi rin pumapayag si Zeinab na makita at kahit mahiram man lang ni Skusta Clee ang bata.


Sa kabilang banda, binati rin naman pabalik ni Ray Parks si Zeinab Harake dahil sa pagiging ama na rin nito kay Baby Bia.


 Agad namang nagreak ang mga netizens at sinabing choice ni Zeinab Harake na gampanan ang pagiging nanay at tatay sa bata dahil may karapatan naman umano siyang humingi ng sustento kay Skusta Clee.


Nagreak rin mismo si Skusta Clee sa mga nagsasabing wala siyang kwentang ama. Ipinunto pa ni Skusta Clee na kahit hindi siya perpektong karelasyon, kaya rin niyang maging mabuting ama sa kanyang anak kung bibigyan siya ng pagkakataon.


"Try nyo ibigay. Hindi ako perfect na ka relasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang kaya kong maging tatay sa anak ko. Ayaw lang kasi alam ko pano maging tatay. Pero ays lang naniniwala ako sa oras."


Samantala, mga nagbigay ng payo naman kay Skusta Clee at sinasabing ilaban ang kanyang karapatan kay Baby Bia at huwag puro nganga at ngawa sa social media.


Tiyak naman umano siyang mapagbibigyan ng korte dahil bali-baliktarin man ang mundo siya pa rin ang totoong ama ng bata.


"Kung gusto may paraan. Bisitahin mo every month, puntahan mo sa bahay nila lagi, sustentuhan mo ng kusa kahit ayaw tanggapin, ilaban mo, legal actions… Ang dami pwedeng gawin na hindi dapat idinadaan sa social media. May pera ka. Kuha ka attorney.


"Mahirap magpatawad kapag sobrang nasaktan pero mas mahirap kapag wala kang ginagawa para ma-prove ang sincerity mo towards the child. Mabait ka pa rin naaalala mo ang anak mo. Maraming tumatakbo sa responsibilidad bilang magulang kaya habang maaga pa, do your best para maayos ang relationship mo kay little one."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo