Herlene Budol Binatikos Dahil Mahina Daw Sa Com Skills!

Martes, Hunyo 20, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nabash ang actress-beauty queen na Herlene Nicole Budol dahil sa pagiging mahina niya sa paggamit at pag-intindi sa English language.


Marami ang nagsasabi na kung ganda ang pagbabasehan tiyak na malakas ang laban ni Herlene Budol. Subalit, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi lamang ganda ang batayan sa pagiging isang beauty queen dahil sinasabayan umano ng talino ang ganda.


Kumakalat ngayon ay isang recordings kung saan tila ini-interview si Herlene Budol kung saan kapansin pansin ang hindi malinaw na sagot niya.


Marami rin ang nakapansin na mahina sa comprehension si Herlene kahit pa tinagalog na ang tanong. Hindi rin umano naiintindihan ang kanyang sagot at hindi dire-diretso ang pagsasalita kahit nagtagalog na ito.


Hindi rin umano nito nagawang ipaliwanag ang kanyang mga kasagutan.


"What else do you think you have in order to win the crown this year?" tanong kay Herlene.


Subalit hindi ito nasagot ni Herlene kaya naman tinagalog na lamang ang tanong.


"Ano sa tingin mo ang mayroon ka bukod sa iyong malaking social media followings na sa tingin mo ay maari kang mapili na magrepresenta ng ating bansa sa darating na patimpalak sa Miss Grand International 2023?"


Sagot ni Herlene, "I think this is the right time. Last year siguro hindi ko po oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is.. ahm ano yun.. world peace and what else again? Stop the war and peace."


Dagdag pa ni Herlene, "Since I was young (makisama ka English)..ahm naranasan ko pong mabully sa eskwelahan mabugbog sa tahanan at dumayo sa ibang bansa bilang mapupu.. ahy dumayo ako sa ibang bansa matutukan ng baril na talagang armalite at maging isang dayuhan.


"Para sa akin, ang solid ng experience na yan. In my own experience, ayokong maranasan ng iba yun at bilang isang Miss Grand sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot.


"Kahit anong pinagdaanan ng mga taong laging nakangiti may katuturan iyon at ikaw ang magiging lakas ng iba tao para magiging lakas. 


"Hindi ko maexplain eh. Pero na experience ko talaga na mabully, ayoko po ng away and I'm from broken family. Maging start po yan sa ating tahanan at mag-uumpisa po tayo sa maliit na ano eh problema.


"Kapag naumpisahan po natin sa ating tahanan na maging World peace and for the love love lang ang mga ferson. I think good example yun para ipalaganap ang sa buong kalahatan."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo