Gigi De Lana Emosyonal Na Ibinahagi Matapos Naaksidente, Na-Scam Naman at Naubos Ang Pera Sa Bangko

Miyerkules, Hunyo 21, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng singer na si Gigi De Lana na naging sunod-sunod na ang kanyang naranasang kamalasan matapos maaksidente.


Matatandaan na naging malaking usapin sa social media ang pagkakaaksidente ng banda ni Gigi De Lana habang papunta sila noon sa Ilocos.


Sa kabila nito, pinilit pa rin ni Gigi ang magperform sa kabila ng kanyang pagkahilo hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay habang nasa taas ng stage.


Samantala, kamakailan lamang sa isang social media post ibinahagi ni Gigi De Lana ang mga nangyari sa kanyang buhay matapos ang kanyang aksidente.


"Please be kind. Simula ng naaksidente kami from car accident. ang dami na nang scam sakin. ninakawan ako sa BDO kinuha lahat ng laman. Na pang medical bills sana yun ni mama. Kaso wala kayo awa. Sinabihan pa ako sa phone call ng “get well soon po kay maam gigi” tapos after nun ninakawan na ako ng tuloy tuloy hanggang sa maubos laman.  grabe kayo. Di na kayo naawa. "


"Please wag kayo mang scam or mag nakaw. 

Nga pala ito itsura ko nung after a few days maaksidente. Sa mga hindi alam na ganito kalala and hinusgahan ako na nag inarte ako. Please be kinder. Love you all still. 

Please let us be kinder sa isat isa "


Sa pahayag na ito ni Gigi tila sinabi niya ang dahilan kung bakit pinapaauction niya ang kanyang mga naisuot na outfit sa mga mahahalagang event sa kanyang singing career.


Nauna nang naiulat na nakakatanggap ng pambabatikos si Gigi matapos niyang isiniwalat na umabot sa 68 thousand ang bid para sa isang croptop na isinuot niya sa isa sa mga nagviral niyang video sa social media dahil sa kanyang pagkanta.


Ang malilikom na pera ay gagamitin ni Gigi para sa pagpapagamot sa kanyang ina na kasalukuyang may stage 4 breast cancer.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo