Jalosjos May Binulgar Na Naghahanap Na Ng Magiging Kapalit Ni Buboy Villar Sa Eat Bulaga Nagresign

Walang komento

Martes, Hunyo 13, 2023


 Muli na namang naghahanap ng bagong host ang mga Jalosjos para sa kanilang rebranded show na Eat Bulaga kasunod ng pagreresign ni Buboy Villar.


Nitong lunes June 12, 2023 ipinahayag ni Buboy Villar ang kanyang pagreresign dahil hindi na umano niya kaya ang mga natatanggap na pambabatikos at kanegahan ng mga televiewers at fans ng dating Eat Bulaga hosts sa pangunguna ng TVJ.


Nauna itong ibinahagi ni Manay Cristy Fermin sa kanyang show kung saan isa umanong mapagkakatiwalaang source ang nagsabing magreresign na si Buboy Villar sa pagiging host ng Eat Bulaga.


Ayon sa kumakalat na isyu, aalis na lamang si Buboy Villar sa host dala ng kanyang kahihiyan nang magpanggap siyang hindi kilala ang isang contestant na tauhan at right hand pala niya.


Pumayag naman umano ang TAPE Executives sa kanyang resignation subalit kinailangan muna umano niyang maghintay ng papalit sa kanya para maging host ng show.


Sa ngayon ay si Isko Moreno ang kanyang  kasa-kasama sa isang segment na maihahalintulad sa sugod bahay noon ng TVJ.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, dalawang hosts ang hinahanap ngayon ng TAPE Inc. isa ay para sa main studio ng show habang isa naman ang makakasama ni Isko Moreno sa isang segment na 'G sa Gebli'.


Sa isang panayam inamin mismo ng mga Jalosjos na nahihirapan si lang buuhin ang set of hosts para sa Eat Bulaga dahil na rin sa pagtanggi ng ilang mga prospect hosts.


Marami sa kanilang mga inoofferan ay tumatanggi sa kanila dala ng takot na mabash ng mga fans ng original Eat Bulaga hosts.


Kaya naman, panibagong hamon naman ngayon sa TAPE Inc. ang paghahanap ng panibagong host ng kanilang show.




Julie Anne San Jose Pinagusapan Sa Social Media!

Walang komento


 Nag-aaway-away ngayon ang mga fans nina Julie Ann San Jose at Jolina Magdangal, ito ay dahil sa titulong Pop icon.


Sa Twitter nga ay nabasa ang pagbabardagolan ng mga tagahang nina Julie Ann at Jolina na nagtalotalo nga tungkol sa kung sino sa dalawa ang mas may karapatang tawaging Pop icon.


Doon kasi ay hindi na gustohan ng mga solid fans ni Jolina ang ginawang pagpapakilala kay Julie Ann na Pop icon bilang isa sa mga host ng The Voice Generation. Na malapit ng mapanood sa GMA7.


Ang sabi kasi ng mga supporters ni Jolila na wala pa daw masyadong napapatunayan si Julie Ann para tawagin itong pop icon.


Hindi raw katulad kay Jolina na marami ng napatunayan nakagawa ng maraming marka sa industriya ng showbiz.


Si Jolina nga daw ang maituturing na Pop icon dahil bukod sa mga blockbuster movies na nagawa niya noong kasagsagan pa ng kanyang kasikatan noon ay marami din siyang pinagbidahang mga teleserye at mga nagawang mga pinakasikat na mga kanta.


Ngunit ayon naman sa mga fans ni Julie Ann na maykarapatan naman daw ang kanilang idulo na maging pop icon, dahil marami na din daw itong napatunayan, at okay na din daw ito pagdating sa pag-arte.


Ayon naman sa ilan na sa naging ambag daw ni Jolina sa industriya ng showbiz ay hindi na kailangang patunayan pa na siya talaga ang mayhawak ng titulong pop icon.


Lalo ngang umingay ang pangalan nina Julie Ann San Jose at Jolina Magdangal dahil sa mga pagbabardagolan ng kanilang mga tagahanga.





Isang Tagahanga Ibinandera Ang Mga Achievements Ng Idolong Si Kim Chiu!....

Walang komento

 


Sobrang humanga at na appreciate ng Tvhost actress na si Kim Chiu ang ginawang effort ng isang niyang fan na si Ericson.


Kung saan pinagsamasama nito sa isang Art card ang lahat ng mga awards at achievements ni Kim Chiu sa kanyang showbiz career.


Tulad nalang ng mga nakuhang awards ng actress sa pelikula, teleserye, at maging ang ratings ng mga drama series na pinagbidahan ni Kim Chiu.


Una ngang ipinaskin ng fan na ito ni Kim ang art card na may magandang larawan ni Kim at kasunod nga nito ay nilagay ng nasabing fan ni Kim ang lahat ng mga achievments ng actress sa mundo ng showbiz.


Isinama din nga dito ang lahat ng nagawang mga commercials ni Kim Chiu, at pati na din ang mga magazine covers ng actress.


At pati na din ang mga negosyo ng actres, ang nais kasi ng nasabing fan na ito ay ibandera ang pagiging angat ng actress sa mga naging kasabayang mga artista nito.


Caption naman ng Fan na ito, "Phenomenal celebrity, Television Queen, A-Lister, Box office Royalty, Bankable Endorser and One of this generations Icons. Successful in media. @prensesachinita."


Napansin naman agad ni Kim ang post na ito ng nasabing fan kaya naman agad naman na magkomento ang actress dito at sobrang saya nga ni Kim sa ginawa ng kanyang tagahanga.


Ani Kim, "Wow this compilation thank you sa effort @ericson, Maraming salamat sayo."




Pokwang, Ipapadeport Na Si Lee O'Brian

Walang komento


 Tila hindi pa rin matatahimik si Pokwang sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian. Nagsampa sita ng deportation complaint at cancellation of visa laban sa ex-partner nitong si Lee O’Brian ngayong Martes, June 13, 2023.


Isinampa ni Pokwang ang pinag-isang reklamo sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila.


Kasama ni Pokwang ang kanyang abogado na si Atty. Ralph Calinisan. Mababasa naman sa kanyang affidavit ang pagpapakansela niya ng visa ni Lee O'Brian at ang pagpapa-deport dito.


Matatandaan na halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.


Nito lamang February 2022, ipinahayag ni Pokwang na mayroon nang bagong babae si Lee O'Brian. Mula noon naging sunod-sunod na ang pambabatikos ni Pokwang sa kanyang dating kinakasama.


Tinatawag ni Pokwang ng mga kung ano-ano ang dating kinakasama inilabas din niya ang mga negatibong katangian ni Lee na una'y tinatakpan ni Pokwang sa pag-asang magkakabalikan pa sila.




Ogie Diaz Ibinulgar Ang Pagkakautang Ni Ricci Ng P1 Million Kay Andrea Brilliantes!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Noon pa man ay naging usap-usapan nang hiwalay sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes dahil hindi na umano nagpopost ang dalawa ng mga larawan at video nilang magkasama.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kilala ang dalawa sa pagiging sweet at bukas din sa lahat ang kanilang relasyon. Kaya naman marami ang nagsasabing hiwalay na ang dalawa dahil sa biglaang pananahimik nila.


Samantala, naglabas na ng tweet si Ricci Rivero kung saan inamin niyang matagal na silang hiwalay ni Andrea Brillantes. Hiling din niya ang pang intindi ng lahat.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through,” pahayag ni Ricci.


Dagdag pa niya, “Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.”


Gayunpaman, hindi naiiwasang iniintriga pa rin ng mga netizens ang naging hiwalayan nilang dalawa.


May mga naglabasan pa ngayong ulat na umano'y may utang pala itong si Ricci Rivero kay Andrea Brillantes na halos aabot sa isang milyon.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, sinisingil na ngayon ni Andrea Brillantes ang ex boyfriend.


Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Andrea Brillantes at hindi pa rin naglalabas ng pahayag sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nila.



Kapamilya Star at Kapuso Actor May Bagong Pagsasamahan Proyekto!...

Walang komento

 


Nitong Lunes June 12, 2023 nagkaroon ng workshop sina Alden Richards at kapamilya Mega star na si Sharon Cuneta para sa gagawin nilang bagong proyekto na kanilang pagsasamahan.


Ang pelikulang ito ay ipoproduce ng Sine ko Productions, at ididirect ni Noel Naval at isinulat naman ito ni Mel Del Rosario.


Ang groupo na nasa likod ng MMFF 2022 entry na Family matters, Labis ng ang pagka excite ni Mayor Enrico Roque ng Sine ko ng matatanggap ng isang mensahe.


Dahil ayon sa kanya  na natupad na daw ang matagal na niyang pinapangarap na makatrabaho ang Mega star Sharon Cuneta at kasama pa si Alden Richards.


Ayon mismo kay Mayor Enrico Roque na hindi raw umano mahirap kausapin ang dalawa para sa proyekto na ito, at pakiramdam daw nila na perfect para kaina Alden at Sharon ang mga papil na ito.


Masaya naman daw umano ang naging workshop nina Sharon at Alden upang masmaging kilala pa nila ang isa't isa.


Matapos naman ang nasabing workshop ay nakatakda naman na magkaroon ng look test at story conference sa June 15 para sa pelikulang ito.


At sa June 2o naman dawnakatakdang magsimula ang kanilang unang araw ng shooting.


Bukod sa kanila ay maypartisipasyon din dito ang ilang kilalang aktor sa mundo ng showbiz at ang karamihan nga dito ay ang mga naging leading man si Sharon Cuneta.


Kaya naman siguradong papatok daw ito sa takilya dahil ibang-iba raw ang storya ng pelikulang ito.







Isko Moreno, Napaiyak Sa Sinabi Ng Tvj Sa Kanya!

Walang komento


 Nagbigay ng pahayag ang mga dating Eat Bulaga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa mga bagong Eat Bulaga hosts na sina Randy Santiago at dating Manila Mayor na si Isko Moreno.


Ayon sa TVJ, nirerespeto at ginagalang nila ang desisyon nina Randy Santiago at Isko Moreno na tanggapin ang offer ng TAPE Inc. dahil mga kaibigan nila ito.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga netizens ang naniniwalang maaring pagmulan ito ng lamat sa kanilang pagkakaibigan. Lalo pa't hindi naging maayos ang paghihiwalay ng TVJ at TAPE Inc.


Ayon pa sa ilang mga netizens na walang isang salita si Isko Moreno dahil sa pagtanggap nito sa offer ng TAPE Inc. Naglabas pa umano ito ng pakikisimpatya sa TVJ subalit sa huli ay tatanggapin rin pala ang offer ng TAPE.


Samantala, sa pag-alis ni Buboy Villar sa rebranded Eat Bulaga, papalitan naman umano ito ng isang batikang host na si Randy Santiago.


Si Randy Santiago ay isang batikang host. Hindi rin maitatanggi ang kanyang husay at galing pagdating sa hosting. Ilan sa kinabilangan niyang noontime shows ang Lunch Date, Happy Yipee Yehey!, Magandang Tanghali Bayan, Masayang Tanghali Bayan (MTB) at ‘Sang Linggo nAPO Sila.




Ito Pala Ang Unang Pahayag Ni Andrea Brillantes Matapos Ang Breakup Nila Ni Ricci Rivero!

Walang komento


 

Sa Instagram account ng actress Influencer na si Andrea Brillantes ay nagbahagi siya ng ilang mag larawan niya na medyo chill lang habang umiinum ng wine.


Caption naman niya sa kanyang makahulogang post kahapon para sa independence day, "Freedom in mind. Faith in words. Pride in our souls 🤍Happy independence day🥰 "


Agaw atensyon nga nayon ang actress dahil mainit parin na pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa hiwalayan nila ng basketbolistang si Ricci Rivero.


Si Ricci mismo ang siyang nagkumpirma ng tungkol sa hiwalayan nila ng actress at influencer na si Andrea Brillantes.


Sa papapagitan ng Twiiter noong June 9, 2023 kahit derektang hindi niya binanggit ang pangalan ni Andrea sa kanyang naging staement malinaw na ito ay si Andrea Brillantes.


Inamin naman ni Ricci ang kanyang naging pagkakamali na matagal nilang hindi isinapubliko ang kanilang paghihiwalay ng actress.


Dahil ayon sa kanya na hindi na umano kailangan pang dagdagan kung anu man ang pinagdadaanan nila ngayon.


Naki-usap naman siya sa publiko na gawing tahimik nalangh ang kanilang paghihiwalay upang mapreserba ang kanilang nanatilang pagkakaibigan.


Pahayag ng Ricci Rivero, "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship."


"I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain."


Samantala, mariin naman na itinanggi ni Leren Mae Bautista na siya ng dahilan ng hiwalayan nina Ricci at Andrea Brillantes.


Katunayan kahapon nga ay naglabas ng statements ang opisena ni Bautista hinggil sa usaping ito.





Carmila, Bumuhos Ang Luha Dahil Sa Pagiging Host Nang Kanyang Anak Sa Eat Bulaga

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang magulang ng kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi sa mga natatanggap nilang pambabatikos dahil sa pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.


Grabeng pambabatikos ang natatanggap ngayon ng mga bagong hosts ng Eat Bulaga na kinabibilangan nina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar.


Hindi kasi matanggap ng mga televiewers at ilang mga fans ng TVJ na agarang pinalitan ng TAPE Inc. ang mga dating Eat Bulaga hosts, ginagamit pa rin ng mga ito ang pamagat ng show na siyang pinasikat ng TVJ.


Samantala, sa isang panayam naitanong kay Mavy Legaspi kung ano ang reaksyon ng kanyang mga magulang sa mga natatanggap nilang pambabatikos mula sa mga televiewers.


Inamin naman ni Mavy Legaspi na napag-uusapan ng kanilang pamilya ang nangyayari ngayong bashing sa kanila.


Ayon pa kay Mavy ang kanyang ina na si Carmina Villaroel ang labis na naapektuhan sa mga nangyayari ngayon sa kanila. Naging emosyunal pa umano si Carmina ng malaman ang offer sa kanila ng TAPE Inc.


Nagiging sensitive din umano ang kanilang ina sa mga nangyayari ngayon sa kanilang magkakapatid.


“Siyempre, mas sensitive in her end. Pero doon siya sa improvement ng mga anak niya, towards Cassy and I.


“I appreciate that dahil alam ko, close to heart yung EB sa kanya and very sensitive siya. And of course, we're clean, we're clean in the personal side.”


Samantala, inamin ni Mavy Legaspi na tinuturing niyang dream come true ang pagiging co-host sa Eat Bulaga. Noon pa man umano'y ninanais na niyang maging isang host.


Kaya tinanggap niya ang offer ng TAPE Inc. upang mas mahasa pa ang kanyang kakayahan sa pagiging isang host.




Maine Mendoza May Rebelasyon Bago Sila Ikasal Ni Arjo Atayde!...

Walang komento


 

Ang Phenominal Star na si Maine Mendoza ay na dulas sa kanyang naging live ngayong araw at hindi niya napigilang masabi na siya ay isa pang virgin.


Isa nga si Maine sa mga personalidad sa showbiz na virgin pa bago ikasal. 


Samantala, nakatakda na ngang ikasal sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ngayong susunod na buwan.


Ngunit itinanggi naman ni Maine ang tungkol sa mga balitang lumabas, na magkakaroon daw bg TV special sa magiging kasal nila ni Arjo sa sunod na buwan.


Sa kanyang social media account ay ipinahayag niya na wala daw silang plano ni Arjo na magkaroon ng TV special sa darating nila na kasal.


Nag-ugat nga ang balitang ito ng binanggit ni Joey De Leon sa naging panayam sa kanya na maaari daw abangan ng mga manonood ang magiging show nila sa TV5 ang paghahanda nila sa pag-eri ng kasal ni Maine Mendoza.


Pahayag ni Maine sa kanyang Twitter account, "Huh? This is not true and the article is misleading. Not sure if clickbait done on purpose or comprehension is just 🥲 i am the last person to publicize a personal affair 😮‍💨"


Dagdag paniya, "Kakaloka din how some netizens would simply believe what they see on the Internet 🥲 Kailan ba mauuso ang fact-checking?!"



Hala Vice Ganda Galit Umano Sa Paglipat Ng TVJ Sa TV5

Walang komento

 

Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang pambabanat umano ni Vice Ganda sa TVJ dahil sa paglipat ng mga ito sa TV5.


Hinuha ng mga netizens na hindi direktang pinatamaan ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang TVJ sa kanyang kamakailang tweet.


Kamakailan lamang ay inanunsyo ng TVJ na mayroon na silang bagong tahanan, ito ay ang TV5.


Matatandaan na may mga naglabasang usapin patungkol sa pagkakalipat ng timeslot ng It's Showtime upang mabigyang daan ang show na pangungunahan ng TVJ. Ililipat na lamang umano ang It's Showtime sa delayed telecast.


Dahil dito may mga nagsasabing naiinis si Vice Ganda sa TVJ dahil mawawalan pa sila ng timeslot dahil sa mga ito. Gayung sila naman ang nauna sa TV5.


May ilang mga netizens na nagsasabing may kinalaman sa isyung ito ang social media post ni Vice Ganda kamakailan lamang. Matatandaan na hindi pa rin nagkakaayos ang TVJ at TAPE Inc. kaya naman hinuha ng ilan na nakikisawsaw at nagpapapansin lamang si Vice Ganda.


Kumakalat ngayon sa twitter ang ilang mga pahayag ni Vice Ganda sa It's Showtime segment na Rampanalo. Ipinahayag ni Vice ang kahalagahan ng pakikinig nila sa mga Madlang Pipol.


Ani Vice, "Binigyan ng idea, hindi pa nakinig. Panindigan mo yan. Sa panahon na'to, ang daming taong may maling desisyon."


"Gusto niyong panindigan yang desisyon niyo ha? Tingnan niyo, balang araw."


Dagdag pa ni Vice Ganda, "Sige, sige huwag kayong makinig sa madlang pipol. Ayaw ninyong makinig sa madlang pipol ha? Panindigan mo."



Marjorie Barretto, Naniniwalang Magiging Isang Mabuting Ama Si Gerald Anderson?

Walang komento

 


Sa Instagram ay ibinahagi ni Marjorie Barretto ang kanyang vlog na kasama niya sa bahay at ipinagluto ang kanyang bisita na si Gerald Anderson na nobyo ngayon ng kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa video ay makikitang hangang hanga si Marjorie Barretto kay Gerald Anderson na boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto.


Hinangaan nito ang pagiging magaling ng actor sa maraming bagay.


Hinangaan din ni Marjorie kung paano na tutulongan ni Gerald hindi lang si Julia kundi pati na rin ang bunsong anak niya na si Erich, pagdating sa pagdedevelope ng skills nito.


Sa latest na vlog ni Marjorie ay guest nga niya si Gerald Anderson, kung saan ay ipinagluto niya ang aktor ng paborito nitong ulam na chicken curry.


At dito nga ay nagkaroon sila ng isang masayang pag-uusap, na kung saan ay ibinahagi ni Marjorie na si Gerald daw umano ang nagbibigay ng adventures sa kanilang pamilya.


Dahil ito daw ang naghihikayat sa kanila na gawin ang mga bagay na kinakatakotan nila at hindi nila kinasanayan.


Sumanga din siya kay Gerald dahil sa galing daw nito sa pag-iisip pagdating sa pagnenegosyo.


Sa katunayan daw ay ito nga raw ang naghikayat kay Julia sa pagnenegosyo at ng masimulan na ng actress ang matagal na niyang pinapangarap na negosyo at ito ang ay ang Juju Club.


Maging siya daw ay na impluwensyahan din ng aktor dahil ito din daw ang nag-advise sa kanya na gawing rental ang resthouse nila sa Bulacan, lalo na at hindi rin daw nila ito umano na bibisita.


Naging pahayag nga ni Marjorie, "Ikaw ang nag-push sakin na gawing rental ang River Garden, alam mo yan, so I dont think people really know that about you but magaling si Ge sa pag-iisip ng busines."


Pagpapatuloy pa niya, "If there's one thing na naoobserve ko sayo is that when you want to start something ginagawa mo agad. I see that in you a lot and yun ang nakuha ni Jul's sayo."


Dagdag pa niya, "Siguro kung ako ang tatanongin niya aobout it parang medyo overthinker ako, But with you she just followed your lead and kaagad na nabuksan yun in less than a month."


Samantala caption naman ni Marjorie sa kanyang post, "He is always welcome in my home, but this time i am welcoming him to my YouTube Channel. A special lunch with Gerald as i cook one of his favorite food. New vlog is now up.Link in my bio❤️ @andersongeraldjr"





Buboy Nagresign Na Sa Eat Bulaga! Si Randy Santiago Ang Papalit

Walang komento


 Hindi na kinaya ng isa sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga na si Buboy Villar ang mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens na hindi pa rin matanggap na sila na ang bagong hosts ng Eat Bulaga.


Kaya naman nitong lunes, June 12, 2023 sa mismong araw ng kalayaan sa episode ng Eat Bulaga, isiniwalat ni Buboy Villar na aalis na siya sa Eat Bulaga dahil hindi na niya kaya ang mga batikos at mga ka negahan na ibinabato sa kanya ng mga netizens.


Isa sa mga dahilan kung bakit siya labis na nabash ay nang mapansin ng mga televiewers na tila scripted umano ang mga contestant ng kanilang segment. Napansin nilang tauhan umano ni Buboy Villar sa kanyang negosyo ang napili nilang contestant sa PinakaSegment.


Sa pag-alis ni Buboy Villar, usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang papalit rito bilang host ng Eat Bulaga. May mga nagsasabing si Randy Santiago ang nililigawan ng mga Jalosjos na siyang papalit kay Buboy Villar sa Eat Bulaga.


Gayunpaman, handa kaya at kakayanin ni Randy Santiago ang posibilidad na ibash din siya ng mga netizens.


Samantala, nauna nang inamin ni Randy Santiago na open siya sa posibilidad na magiging host ng Eat Bulaga. Bagama't wala pa rin umano siyang natatanggap na offer mula sa TAPE Inc. at mga Jalosjos.


"Wala pa naman, hindi pa naman nila naiisip 'yun, e. Alam naman natin na even before this, dapat inaayos na namin 'yung noontime ng ALLTV." 


“It’s either I join 'It’s Showtime,' kasi 'di ba naghuhurado ako doon? So, open naman tayo anywhere. Open tayo sa lahat,” pahayag ni Randy Santiago.


Ibinida pa ni Randy ang kanyang expertise pagdating sa kanyang hosting stints at ang pagkikipagtrabaho kasama ang team.



Joey De Leon Masama Ang Loob Sa GMA sa Tanong Ni Julius Babao na Kinamusta Ba Kayo Ng Gma Ang Sagot Alamin!....

Walang komento


  Tv host na si Joey De Leon hindi nakapagpigil at nag labas na ng kanyang saloobin hinggil sa biglaang pagreresign nila sa TAPE incorporated.


Sa naging Interview ni Julius Babao at Christine Bersola ay na tanong nga kay Joey De Leon kung kinumusta ba sila ng GMA network matapos ang pagkalas nila sa TAPE Incorporated.


Ayon naman kay Joey De leon na wala naman daw silang ganun, ni minsan mula ng kumalas sila sa TAPE ay hindi daw umano sila kinumusta ng GMA7.


Ngunit ang Puregold daw ay agad-agad naman daw na tumawag, dahil ito daw ang major sponsor nila sa TAPE incorporated at sa GMA Network na kung saan ay nag advance na nga daw ito ng malaking pera.


Samantala, nagbigay din ng pahayag si Tito Sotto tungkol sa naging interview ng mga Jalosjos sa Pep.ph.


Kung saan nga ay nagbigay ang Jalosjos brothers ng kanilang pahayag at paliwanag hinggil sa hindi pagpapa-eri nila noong sa  Eat Bulaga show bago magresign ang mga original host nito.


Na ayon sa mga Jaloshos ay pinigil lang daw nila ang announcement na maaaring sabihin ng TVJ sa publiko noon dahil sila daw kasi ay na sa negosasyon palang at aminado din sila na hindi nila maibibigay nag 100 percent ang mga kondisyon ng TVJ sa kanila.


Noong araw daw kasi na iyun ay maynasagap na balita si Suraya Jalosjos, na tila may gagawing malaking announcement daw ang mga ito.


At nang pinuntahan daw kasi ni Suraya sa dressing room ang mga ito upang kumpirmahin ay hindi daw siya pinayagang maka pasok kaya isinumbong daw niya ito sa mga kapatid niya. 


Kaya minabuti daw nila na hindi muna ipalabas ng Live ang show ng mapigil daw nila kung ano man daw ang balak ng TVJ.


AT dahil gusto daw nila na mapag-usapan daw muna ito ng maayos, ngunit ikinagulat daw nila ang ginawang pagreresign ng mga ito.


Ngunit ayon naman kay Tito Sen na bakaw ng mga oras na iyun ng pumunta si Suraya ay baka nagprepray na sila, inilolock daw kasi nila ang pinto pag nagdadasal sila.










Vanessa Raval Usap-Usapan Matapos Na Mura-Hin Si Ogie Diaz Pati Ang Amang Si Jeric Raval

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang mga pahayag na inilabas ng social media personality na si Vanessa Raval laban sa mga taong nagsasabi na hindi siya totoong anak ng kinikilalang ama na si Jeric Raval.


Ayon kay Vanessa Raval, sana ay totoo na lamang na hindi nga siya anak ni Jeric Raval dahil hindi naman umano niya naramdaman ang pagmamahal mula rito.


"KUNG TOTOO MAN YON SO WHAT? SO WHAT KUNG ITANGGI AKO? WALA NAMAN NA I TULONG SAKIN. NAG PAPAKA TOTOO LANG AKO DITO.


MAHAL NAMIN YUNG TATAY NAMIN PERO HINDI KAMI NKARANAS NG PAG MAMAHAL DYAN. TULOY NYA LANG PAG TANGGI SAKIN AT NAPAKA DALI DIN NAMAN I TANGGI SYA. "


Inilabas din ni Vanessa ang kanyang mga karanasan kung saan inahon lamang umano niya ang kanyang sarili sa kahirapan dahil hindi siya natulungan ng kanyang sariling ama.


"MATAGAL KONG INAHON SARILI KO SA KAHIRAPAN NG WALANG ANU MAN TULONG GALING SAKNYA. NABUHAY KAMI NG NANAY KO AT MGA KAPATID KO NA WALANG TULONG NYA."


Nagbigay rin si Vanessa ng mensahe para sa kanyang sariling ama na tinatanggi na umano siya.


"SA TATAY KO KUNG MABASA MO MAN TO MAHAL KA NAMIN. PERO YUNG GINAWA MO SAKIN HINDI KO MATATANGGAP. ANG DAMI MONG PAGKAKA TAON PARA LINAWIN SA MUNDO NA ANAK MO PERO WALA KANG GINAWA. SALAMAT 


"SA MGA AYAW TUMIGIL DYAN NA KESYO TOTOONG TATAY KO DAW AY TITO KO, SANA TOTOO NALANG BAKA MINAHAL AT BINIGYAN PA KMI NG MAGANDANG BUHAY."


Samantala, marami naman ang nakisimpatya kay Vanessa Raval at sinasabing pabayaan na lamang ang kanyang ama at ipakita rito na kaya niyang tumayo sa sariling paa.


"I Feel You Vane. Dahil naranasan ko dn talikura n ng isang ama. Mahal natin ang mga Tatay natin pero sila? Napakahirap sa kanila na mahalin dn tau ng patas. Itinanggi ka dahil sa mga ginawa at ginagawa mo pero ung isang kapatid mo na naging Star ng "Vivamax" At Nakasira ng pamilya Proud na Proud sia. 


"Hindi po ako Basher ng Sister mo pero napaka-Unfair na Itanggi ka dahil lang sa pagkakamali mo. Be Strong nalang para sa Pamilya mo. By The Way, Napaka-Cute ng Baby Girl mo"



Maine Mendoza Ipinasilip Ang Eat Bulaga Studio Nila Sa Publiko

Walang komento


 Isang magandang balita ang ibinahagi mismo ng riginal Eat Bulaga host sa kanilang bagong social media accounts na TVJ.


Unti-unti na nilang ipinapasilip ang kanilang magiging show sa Kapatid Network, TV5. Ipinasilip na nila ang tila naganap na taping sa panibagong Eat Bulaga na naganap sa malaking studio ng TV5.


Samantala, hindi pa ngayon malinaw kung magiging Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show sa  TV5 dahil ongoing pa umano ang kaso sa pagitan nila at sa mga Jalosjos.


Gayunpaman, positibo ang ilang mga Dabarkads na sila ang mananalo sa huli at madadala nila ang pamagat na Eat Bulaga saan mang network sila malilipat.


Samantala, kahapon lamang ay masaya nilang ipinagdiriwang  ang 18th birthday ni Ryza Mae Dizon, kasama ang mga original Eat Bulaga hosts sa TV5. Kasabay nito ang ginawa nilang photoshoot para sa magiging ads para sa panibago nilang show sa nasabing network.


Nauna nang ipinasilip ng TV5 ang isinasagawa nilang renovation para mas mapalaki ang studio ng original Eat Bulaga hosts sa pangunguna ng TVJ. Dalawang studio umano ang pinagdugtong para lamang sa mga ito sa bandang Mandaluyong.


Hindi malayong mas maganda ang magiging studio ngayon ng TVJ sa ilalim ng TV5 kaysa noong nasa ilalim pa sila ng TAPE Inc, sa APT studios.


Ayon naman sa aming nakalap na mga impormasyon mula sa ilang mga sources, sunod-sunod na umano ang natatanggap na offers ng TV5 para sa mga ads na ilalagay sa segment ng show na pangungunahan ng mga original Eat Bulaga hosts.


Sa kabilang banda, tuloy-tuloy naman umano ang pagbagsak ng rating ng Eat Bulaga sa GMA7 sa pangunguna ng mga panibagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at ng kambal ng Legaspi na sina Mavy at Cassy.



Buboy Villar Nag Resign Na Sa Eat Bulaga! Pang Babash Hindi Kinaya.....

Walang komento

 


Buboy Villar nag resign na sa Eat Bulaga, ito'y dahil sa hindi na raw nito kinaya ang mga pambabash sa kanya ng mga solid supporters at mga masususgid na mga fans ng TVJ at ng Dabarkads.


Nag emote pa daw itong si Buboy Villar sa pagiging host niya sa Eat Bulaga at sinabing tahimik daw kasi ang kanyang buhay noon ta sa nakaraang limang taon.


Ngunit ito raw ay biglang nagulo at nabulabog ng tinanggap niya ang offer ng TAPE incorporated na maging isa sa mga host na pumalit sa TVJ sa pagiging host sa Eat Bulaga.


Tulad nga din sa mga kasamahan niya sa bagong Eat Bulaga na sina Betong Sumaya at Paolo Contis ay katakot-takot din na pambabash ang inabot ng mga ito mula sa mga loyal na mga taga subaybay ng TVJ at ng Dabarkads.


Na ayon sa mga netizen ay wala daw silang kakayahan na pantayan o palitan sa pagiging host sa Eat Bulaga ang mga original host nito.


At hindi daw nakakatuwa ang mga ito, at marami din daw mga kapalpakan na ginagawa ang mga ito, at wala nga daw silang K na mag host sa Eat Bulaga.


Pero meron din namang mga netizens na nagsabi na mga mababait naman daw na mga tao itong si Buboy at Betong, ngunit maliban lang daw kay Paolo Contis.


Kaya naman hiling ng mga netizens na sana daw umalis na sila sa Eat Bulaga ng hindi raw mabahiran ang kanilang pangalan at hindi masira ang kanilang mga showbiz career.


Marami naman ang mga nagsasabi na good decision daw ang ginawa ni Buboy Villar ang pagreresign sa Eat Bulaga ng hindi masira ang kanyang karera, at ng hindi na ito mipit pa sa gulo ng mga Jalosjos at ng TVJ.










Matapos Patamaan Ang TVJ| Cristy Fermin Rumesbak Sa Mga Jalosjos

Walang komento


 Isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ay ang inilabas na official statement ng TAPE Inc. kasunod ng pag-alis sa kanila ng TVJ at ilan pa sa mga hosts ng Eat Bulaga.


Samantala sa isang episode ng YouTube vlog na Showbiz Now Na na pinangungunahan ni Manay Cristy Fermin, muli nilang tinalakay ang nasabing pahayag ng mga Jalosjos.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, napakaangas ng dating ng mga Jalosjos sa kanilang inilabas na na official statement. Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na tila hindi pa rin nakakamove on ang TAPE Inc. sa pag-iwan sa kanila ng TVJ at iba pang original hosts ng Eat Bulaga dahil palagi pa rin nila itong pinasasaringan at pinatatamaan.


Kung titingnan pa umano ang official statement ng mga Jalosjos, mahihinuhang tila hinahamon pa nila ang TVJ at tila pinapahayag nila kaya nilang lampasan ang nagawa ng TVJ.


Sa isang punto pa ng statement sinabing hindi ang mga hosts ang nagpapasikat sa isang show kundi ang lahat na naroroon upang magkaisa sa iisang goal.


“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan nino ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO'T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.


“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo," parte ng official statement ng TAPE Inc.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, na dapat patunayan muna ng TAPE Inc. na kaya nilang lampasan ang TVJ sa ginawa ng mga ito sa Eat Bulaga dahil kung hindi tiyak na lalo pa silang babagsak.




Marjorie Barretto Umiyak Matapos Itong Gawin Ni Gerald Anderson Sa Kanya!

Walang komento


 Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Marjorie Barretto ang ginawa ni Gerald Anderson sa kanya noong baguhan pa lamang ito sa showbiz.


Binalikan ni Marjorie Barretto ang unang pagkikita nila ni Gerald Anderson noong baguhan pa lamang ito sa mundo ng showbiz.


"Many years ago, baguhang artista ka pa lang o hindi ka pa artista, kakalabas mo pa lang sa Pinoy Big Brother. I was in ABS-CBN, hinihintay ko yung sundo ko."


Sa panahon umanong iyon ay hindi na active artist si Marjorie kaya naman hindi niya alam kung kilala na ba siya noon ni Gerald.


"Baguhan pa lamang si Gerald noon, he was with a group of people. Ako, nag-iisa lang habang hinihintay ang car."


Pagbabahagi pa ni Marjorie na sa lahat ng mga taong naroroon ay si Gerald lamang ang siyang lumapit sa kanya. Nilapitan umano siya ng aktor upang batiin ng good evening dahil papagabi na nung panahong iyon.


Sinagot naman ito ni Gerald at sinabing kahit hindi niya kilala noon ng personal si Marjorie Barretto ay mukha naman itong artista at ganun talaga umano ang kanyang pagkatao, bumabati sa kanyang mga nakakasalubong.


Ayon pa kay Marjorie, naantig ng pagbati ni Gerald ang kanyang damdamin dahil ito lamang ang bumati sa kanya noong mga panahong iyon.


Tumatak umano kay Marjorie Barretto ang ginawang paggalang sa kanya at ang pambabaliwala naman ng mga kasamahan nito.


Dahil dito, tila naging madali na kina Marjorie na tanggapin si Gerald bilang boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto. Nakatulong din umano ito sa pagiging mas close nila sa isa't-isa.


Samantala sa isang bahagi ng kanilang usapan, ipinahayag ni Marjorie na isang mabuting impluwensya si Gerald sa kanyang anak at nobya nitong si Julia Barretto.


Ayon kay Marjorie, si Gerald ang naging mentor ni Julia sa pagnenegosyo. Hindi rin umano niya nakitang may malaking pag-aaway ang dalawa.


Malapit din umano si Gerald sa iba pa niyang mga anak, subalit mas close ito sa bunsong si Erich. Si Gerald umano ang tumulong sa kanilang bunso na mawala ang lahat ng mga fears nito sa mga bagay na hindi pa nito nasusubukan.




Joey De Leon, Sinilip Ang Panibagong Eat Bulaga At Kung Paano Magdala Ang Panibagong Hosts Nito

Walang komento

Lunes, Hunyo 12, 2023


 Inamin ng dating host ng Eat Bulaga na si Joey De Leon na nagawa niyang puntahan at silipin ang rebranded Eat Bulaga kasama ng mga bagong hosts nito.


Gayunpaman, ipinahayag ni Joey De Leon na wala siyang masasabi sa mga panibagong hosts ng Eat Bulaga dahil nagtatrabaho lamang sila.


"Oo sumilip ako siyempre... 


"Sinungaling ko namang kung sabihin kong hindi ko nasilip. Nasilip ko, sanay akong manood ng Showtime, lahat. ng TV. Wala akong masamang komentaryo. Nagtatrabaho 'yung mga tao."


Hindi rin umano inasahan ni Joey De Leon na mapupuno ng pambabatikos ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


"'Yun nga lang siyempre, hindi ko akalain yung puna ng iba ang daming... 'Yung nauso yung social media, lahat ang daming nagkokomentaryo 'di ba? Labas na ako 'dun"


Muli ring nagpahiwatig si Joey De Leon na sa kanya mapupunta ang right ng Eat Bulaga at malapit na ang panghuhukom.


"Nasa batas 'yan Jules. Nakasulat e, Kung sino ang nakaisip, sa kanya 'yan. Until his death, plus 50 years after his death demise."




Joey De Leon Nagpasaring Sa GMA7

Walang komento


 Naglabas na ng saloobin ang dating Eat Bulaga host na si Joey De Leon laban sa GMA 7 patungkol sa kontrobersiyal na pamamaalam nila kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto sa producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Joey De Leon na hindi manlang umano sila kinumusta ng GMA7 matapos ang paglisan nila sa Eat Bulaga, na patuloy napapanood sa kanilang network.


Binalikan pa ni Joey De Leon ang pangangamusta sa kanilang ng head ng Purgold na si Susan Co, nang mabalitaan ang ginawa nilang desisyon noong May 31, 2023.


"Kaya ako naiyak sa show ni ni Cheryl Cosim, hindi na dun dahil sa show ah, well konektado. Pero dahil sa ibang tao, Dahil ang yabang ko pa kay Susan e, (Susan ng Puregold) ah, okay lang kami, talagang nung point na 'yun okay ako e. No, 'wag niyong pansinin 'yung ginagawa namin. Ang tinatanong ko, kung okay kayo. Bumigay ako," pahayag ni Joey De Leon.


Ibinahagi rin ni Joey De Leon na mas lalo pa umanong naantig ang damdamin niya sa pagtawag na iyon ni Susan Co, dahil ang naging tahanan nila sa loob ng 28 taon ay hindi manlang umano sila nagawang kumustahin.


"E 'yung 7. Oy, 7 Kayo ba tumawag na oy! Okay ba kayo? Well e, ganun talaga," tila pasaring pa ni Joey De Leon sa GMA7.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo