Pokwang, Ipapadeport Na Si Lee O'Brian

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin matatahimik si Pokwang sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian. Nagsampa sita ng deportation complaint at cancellation of visa laban sa ex-partner nitong si Lee O’Brian ngayong Martes, June 13, 2023.


Isinampa ni Pokwang ang pinag-isang reklamo sa Bureau of Immigration sa Intramuros, Manila.


Kasama ni Pokwang ang kanyang abogado na si Atty. Ralph Calinisan. Mababasa naman sa kanyang affidavit ang pagpapakansela niya ng visa ni Lee O'Brian at ang pagpapa-deport dito.


Matatandaan na halos dalawang taon nang hiwalay sina Pokwang at Lee, pero noon lamang July 2022 ito naisapubliko.


Nito lamang February 2022, ipinahayag ni Pokwang na mayroon nang bagong babae si Lee O'Brian. Mula noon naging sunod-sunod na ang pambabatikos ni Pokwang sa kanyang dating kinakasama.


Tinatawag ni Pokwang ng mga kung ano-ano ang dating kinakasama inilabas din niya ang mga negatibong katangian ni Lee na una'y tinatakpan ni Pokwang sa pag-asang magkakabalikan pa sila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo