Maine Mendoza Ipinasilip Ang Eat Bulaga Studio Nila Sa Publiko

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Isang magandang balita ang ibinahagi mismo ng riginal Eat Bulaga host sa kanilang bagong social media accounts na TVJ.


Unti-unti na nilang ipinapasilip ang kanilang magiging show sa Kapatid Network, TV5. Ipinasilip na nila ang tila naganap na taping sa panibagong Eat Bulaga na naganap sa malaking studio ng TV5.


Samantala, hindi pa ngayon malinaw kung magiging Eat Bulaga pa rin ang magiging pamagat ng kanilang show sa  TV5 dahil ongoing pa umano ang kaso sa pagitan nila at sa mga Jalosjos.


Gayunpaman, positibo ang ilang mga Dabarkads na sila ang mananalo sa huli at madadala nila ang pamagat na Eat Bulaga saan mang network sila malilipat.


Samantala, kahapon lamang ay masaya nilang ipinagdiriwang  ang 18th birthday ni Ryza Mae Dizon, kasama ang mga original Eat Bulaga hosts sa TV5. Kasabay nito ang ginawa nilang photoshoot para sa magiging ads para sa panibago nilang show sa nasabing network.


Nauna nang ipinasilip ng TV5 ang isinasagawa nilang renovation para mas mapalaki ang studio ng original Eat Bulaga hosts sa pangunguna ng TVJ. Dalawang studio umano ang pinagdugtong para lamang sa mga ito sa bandang Mandaluyong.


Hindi malayong mas maganda ang magiging studio ngayon ng TVJ sa ilalim ng TV5 kaysa noong nasa ilalim pa sila ng TAPE Inc, sa APT studios.


Ayon naman sa aming nakalap na mga impormasyon mula sa ilang mga sources, sunod-sunod na umano ang natatanggap na offers ng TV5 para sa mga ads na ilalagay sa segment ng show na pangungunahan ng mga original Eat Bulaga hosts.


Sa kabilang banda, tuloy-tuloy naman umano ang pagbagsak ng rating ng Eat Bulaga sa GMA7 sa pangunguna ng mga panibagong host na kinabibilangan nina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro at ng kambal ng Legaspi na sina Mavy at Cassy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo