Isko Moreno, Napaiyak Sa Sinabi Ng Tvj Sa Kanya!

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang mga dating Eat Bulaga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa mga bagong Eat Bulaga hosts na sina Randy Santiago at dating Manila Mayor na si Isko Moreno.


Ayon sa TVJ, nirerespeto at ginagalang nila ang desisyon nina Randy Santiago at Isko Moreno na tanggapin ang offer ng TAPE Inc. dahil mga kaibigan nila ito.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga netizens ang naniniwalang maaring pagmulan ito ng lamat sa kanilang pagkakaibigan. Lalo pa't hindi naging maayos ang paghihiwalay ng TVJ at TAPE Inc.


Ayon pa sa ilang mga netizens na walang isang salita si Isko Moreno dahil sa pagtanggap nito sa offer ng TAPE Inc. Naglabas pa umano ito ng pakikisimpatya sa TVJ subalit sa huli ay tatanggapin rin pala ang offer ng TAPE.


Samantala, sa pag-alis ni Buboy Villar sa rebranded Eat Bulaga, papalitan naman umano ito ng isang batikang host na si Randy Santiago.


Si Randy Santiago ay isang batikang host. Hindi rin maitatanggi ang kanyang husay at galing pagdating sa hosting. Ilan sa kinabilangan niyang noontime shows ang Lunch Date, Happy Yipee Yehey!, Magandang Tanghali Bayan, Masayang Tanghali Bayan (MTB) at ‘Sang Linggo nAPO Sila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo