Joey De Leon, Sinilip Ang Panibagong Eat Bulaga At Kung Paano Magdala Ang Panibagong Hosts Nito

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng dating host ng Eat Bulaga na si Joey De Leon na nagawa niyang puntahan at silipin ang rebranded Eat Bulaga kasama ng mga bagong hosts nito.


Gayunpaman, ipinahayag ni Joey De Leon na wala siyang masasabi sa mga panibagong hosts ng Eat Bulaga dahil nagtatrabaho lamang sila.


"Oo sumilip ako siyempre... 


"Sinungaling ko namang kung sabihin kong hindi ko nasilip. Nasilip ko, sanay akong manood ng Showtime, lahat. ng TV. Wala akong masamang komentaryo. Nagtatrabaho 'yung mga tao."


Hindi rin umano inasahan ni Joey De Leon na mapupuno ng pambabatikos ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga.


"'Yun nga lang siyempre, hindi ko akalain yung puna ng iba ang daming... 'Yung nauso yung social media, lahat ang daming nagkokomentaryo 'di ba? Labas na ako 'dun"


Muli ring nagpahiwatig si Joey De Leon na sa kanya mapupunta ang right ng Eat Bulaga at malapit na ang panghuhukom.


"Nasa batas 'yan Jules. Nakasulat e, Kung sino ang nakaisip, sa kanya 'yan. Until his death, plus 50 years after his death demise."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo