Julie Anne San Jose Pinagusapan Sa Social Media!

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Jerome


 Nag-aaway-away ngayon ang mga fans nina Julie Ann San Jose at Jolina Magdangal, ito ay dahil sa titulong Pop icon.


Sa Twitter nga ay nabasa ang pagbabardagolan ng mga tagahang nina Julie Ann at Jolina na nagtalotalo nga tungkol sa kung sino sa dalawa ang mas may karapatang tawaging Pop icon.


Doon kasi ay hindi na gustohan ng mga solid fans ni Jolina ang ginawang pagpapakilala kay Julie Ann na Pop icon bilang isa sa mga host ng The Voice Generation. Na malapit ng mapanood sa GMA7.


Ang sabi kasi ng mga supporters ni Jolila na wala pa daw masyadong napapatunayan si Julie Ann para tawagin itong pop icon.


Hindi raw katulad kay Jolina na marami ng napatunayan nakagawa ng maraming marka sa industriya ng showbiz.


Si Jolina nga daw ang maituturing na Pop icon dahil bukod sa mga blockbuster movies na nagawa niya noong kasagsagan pa ng kanyang kasikatan noon ay marami din siyang pinagbidahang mga teleserye at mga nagawang mga pinakasikat na mga kanta.


Ngunit ayon naman sa mga fans ni Julie Ann na maykarapatan naman daw ang kanilang idulo na maging pop icon, dahil marami na din daw itong napatunayan, at okay na din daw ito pagdating sa pag-arte.


Ayon naman sa ilan na sa naging ambag daw ni Jolina sa industriya ng showbiz ay hindi na kailangang patunayan pa na siya talaga ang mayhawak ng titulong pop icon.


Lalo ngang umingay ang pangalan nina Julie Ann San Jose at Jolina Magdangal dahil sa mga pagbabardagolan ng kanilang mga tagahanga.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo