Jalosjos May Binulgar Na Naghahanap Na Ng Magiging Kapalit Ni Buboy Villar Sa Eat Bulaga Nagresign

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang naghahanap ng bagong host ang mga Jalosjos para sa kanilang rebranded show na Eat Bulaga kasunod ng pagreresign ni Buboy Villar.


Nitong lunes June 12, 2023 ipinahayag ni Buboy Villar ang kanyang pagreresign dahil hindi na umano niya kaya ang mga natatanggap na pambabatikos at kanegahan ng mga televiewers at fans ng dating Eat Bulaga hosts sa pangunguna ng TVJ.


Nauna itong ibinahagi ni Manay Cristy Fermin sa kanyang show kung saan isa umanong mapagkakatiwalaang source ang nagsabing magreresign na si Buboy Villar sa pagiging host ng Eat Bulaga.


Ayon sa kumakalat na isyu, aalis na lamang si Buboy Villar sa host dala ng kanyang kahihiyan nang magpanggap siyang hindi kilala ang isang contestant na tauhan at right hand pala niya.


Pumayag naman umano ang TAPE Executives sa kanyang resignation subalit kinailangan muna umano niyang maghintay ng papalit sa kanya para maging host ng show.


Sa ngayon ay si Isko Moreno ang kanyang  kasa-kasama sa isang segment na maihahalintulad sa sugod bahay noon ng TVJ.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, dalawang hosts ang hinahanap ngayon ng TAPE Inc. isa ay para sa main studio ng show habang isa naman ang makakasama ni Isko Moreno sa isang segment na 'G sa Gebli'.


Sa isang panayam inamin mismo ng mga Jalosjos na nahihirapan si lang buuhin ang set of hosts para sa Eat Bulaga dahil na rin sa pagtanggi ng ilang mga prospect hosts.


Marami sa kanilang mga inoofferan ay tumatanggi sa kanila dala ng takot na mabash ng mga fans ng original Eat Bulaga hosts.


Kaya naman, panibagong hamon naman ngayon sa TAPE Inc. ang paghahanap ng panibagong host ng kanilang show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo