Carmila, Bumuhos Ang Luha Dahil Sa Pagiging Host Nang Kanyang Anak Sa Eat Bulaga

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang magulang ng kambal na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi sa mga natatanggap nilang pambabatikos dahil sa pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.


Grabeng pambabatikos ang natatanggap ngayon ng mga bagong hosts ng Eat Bulaga na kinabibilangan nina Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Paolo Contis, Betong Sumaya at Buboy Villar.


Hindi kasi matanggap ng mga televiewers at ilang mga fans ng TVJ na agarang pinalitan ng TAPE Inc. ang mga dating Eat Bulaga hosts, ginagamit pa rin ng mga ito ang pamagat ng show na siyang pinasikat ng TVJ.


Samantala, sa isang panayam naitanong kay Mavy Legaspi kung ano ang reaksyon ng kanyang mga magulang sa mga natatanggap nilang pambabatikos mula sa mga televiewers.


Inamin naman ni Mavy Legaspi na napag-uusapan ng kanilang pamilya ang nangyayari ngayong bashing sa kanila.


Ayon pa kay Mavy ang kanyang ina na si Carmina Villaroel ang labis na naapektuhan sa mga nangyayari ngayon sa kanila. Naging emosyunal pa umano si Carmina ng malaman ang offer sa kanila ng TAPE Inc.


Nagiging sensitive din umano ang kanilang ina sa mga nangyayari ngayon sa kanilang magkakapatid.


“Siyempre, mas sensitive in her end. Pero doon siya sa improvement ng mga anak niya, towards Cassy and I.


“I appreciate that dahil alam ko, close to heart yung EB sa kanya and very sensitive siya. And of course, we're clean, we're clean in the personal side.”


Samantala, inamin ni Mavy Legaspi na tinuturing niyang dream come true ang pagiging co-host sa Eat Bulaga. Noon pa man umano'y ninanais na niyang maging isang host.


Kaya tinanggap niya ang offer ng TAPE Inc. upang mas mahasa pa ang kanyang kakayahan sa pagiging isang host.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo