Daniel Padilla, Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Ni Kathryn Bernardo

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagsalita na ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla hinggil sa matagal nang napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Nitong November 30, 2023, ginulat  nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang magkasunod silang maglabas ng mga official statement sa kani-kanilang Instagram accounts kung saan kinumpirma na nila ang kanilang paghihiwalay.


Sa official Instagram account ni Daniel Padilla ipinahayag niya ang kanyang pag-amin sa hiwalayan nila ni Kathryn.


Pinasalamatan din niya ang dating nobya sa lahat ng pagmamahal nito sa kanya at pagsama sa kanya sa up and downs sa buhay.


"11 years K D Pagibig. Sa mundo, buhay ay sa limitadong oras na tayo ay nandito, Isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka at mahalin mo.


"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw. Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.


"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."


Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga Kathniel fans na hanggang sa huli ay sumusuporta parin sa kanilang pagmamahalan ni Kathryn Bernardo.


"Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding-hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit ano pang gawin nila.


"Hinding-hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business, pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.


"I pray for us to grow, and heal."


Sa huli, nagbigay ng mensahe si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niya ang pagmamahal niya sa aktres hanggang sa katapusan.


"Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan."


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nalungkot sa tuluyang pag-amin nila na winakasan na nila ang kanilang relasyon sa loob ng 11 years.


Marami ang naghinayang sa pinagsamahan nila sa loob ng mahabang panahon, gayunpaman may mga nagsasabi naman na mas maigi na ang ganoon upang maging malinaw na sa lahat at matapos na ang lahat ng mga speculations.


Hiling naman ng ilang mga fans nila na tuluyan na silang makapag-move forward sa kani-kanilang buhay.


Si Daniel John Ford Padilla, na mas kilala sa kanyang mga tagahanga at sa entertainment industry bilang Daniel Padilla o DJ, ay isang multi-awarded Pinoy actor, recording artist, model, at product endorser. Ipinanganak siya noong Abril 26, 1995 sa aktor na si Rommel Padilla at aktres na si Karla Estrada. Bilang isang artista, nakatanggap si DJ ng maraming parangal sa telebisyon at pelikula.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo