Marjorie Barretto, Naniniwalang Magiging Isang Mabuting Ama Si Gerald Anderson?

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Jerome

 


Sa Instagram ay ibinahagi ni Marjorie Barretto ang kanyang vlog na kasama niya sa bahay at ipinagluto ang kanyang bisita na si Gerald Anderson na nobyo ngayon ng kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa video ay makikitang hangang hanga si Marjorie Barretto kay Gerald Anderson na boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto.


Hinangaan nito ang pagiging magaling ng actor sa maraming bagay.


Hinangaan din ni Marjorie kung paano na tutulongan ni Gerald hindi lang si Julia kundi pati na rin ang bunsong anak niya na si Erich, pagdating sa pagdedevelope ng skills nito.


Sa latest na vlog ni Marjorie ay guest nga niya si Gerald Anderson, kung saan ay ipinagluto niya ang aktor ng paborito nitong ulam na chicken curry.


At dito nga ay nagkaroon sila ng isang masayang pag-uusap, na kung saan ay ibinahagi ni Marjorie na si Gerald daw umano ang nagbibigay ng adventures sa kanilang pamilya.


Dahil ito daw ang naghihikayat sa kanila na gawin ang mga bagay na kinakatakotan nila at hindi nila kinasanayan.


Sumanga din siya kay Gerald dahil sa galing daw nito sa pag-iisip pagdating sa pagnenegosyo.


Sa katunayan daw ay ito nga raw ang naghikayat kay Julia sa pagnenegosyo at ng masimulan na ng actress ang matagal na niyang pinapangarap na negosyo at ito ang ay ang Juju Club.


Maging siya daw ay na impluwensyahan din ng aktor dahil ito din daw ang nag-advise sa kanya na gawing rental ang resthouse nila sa Bulacan, lalo na at hindi rin daw nila ito umano na bibisita.


Naging pahayag nga ni Marjorie, "Ikaw ang nag-push sakin na gawing rental ang River Garden, alam mo yan, so I dont think people really know that about you but magaling si Ge sa pag-iisip ng busines."


Pagpapatuloy pa niya, "If there's one thing na naoobserve ko sayo is that when you want to start something ginagawa mo agad. I see that in you a lot and yun ang nakuha ni Jul's sayo."


Dagdag pa niya, "Siguro kung ako ang tatanongin niya aobout it parang medyo overthinker ako, But with you she just followed your lead and kaagad na nabuksan yun in less than a month."


Samantala caption naman ni Marjorie sa kanyang post, "He is always welcome in my home, but this time i am welcoming him to my YouTube Channel. A special lunch with Gerald as i cook one of his favorite food. New vlog is now up.Link in my bio❤️ @andersongeraldjr"





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo