Hala Vice Ganda Galit Umano Sa Paglipat Ng TVJ Sa TV5

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely

 

Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang pambabanat umano ni Vice Ganda sa TVJ dahil sa paglipat ng mga ito sa TV5.


Hinuha ng mga netizens na hindi direktang pinatamaan ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang TVJ sa kanyang kamakailang tweet.


Kamakailan lamang ay inanunsyo ng TVJ na mayroon na silang bagong tahanan, ito ay ang TV5.


Matatandaan na may mga naglabasang usapin patungkol sa pagkakalipat ng timeslot ng It's Showtime upang mabigyang daan ang show na pangungunahan ng TVJ. Ililipat na lamang umano ang It's Showtime sa delayed telecast.


Dahil dito may mga nagsasabing naiinis si Vice Ganda sa TVJ dahil mawawalan pa sila ng timeslot dahil sa mga ito. Gayung sila naman ang nauna sa TV5.


May ilang mga netizens na nagsasabing may kinalaman sa isyung ito ang social media post ni Vice Ganda kamakailan lamang. Matatandaan na hindi pa rin nagkakaayos ang TVJ at TAPE Inc. kaya naman hinuha ng ilan na nakikisawsaw at nagpapapansin lamang si Vice Ganda.


Kumakalat ngayon sa twitter ang ilang mga pahayag ni Vice Ganda sa It's Showtime segment na Rampanalo. Ipinahayag ni Vice ang kahalagahan ng pakikinig nila sa mga Madlang Pipol.


Ani Vice, "Binigyan ng idea, hindi pa nakinig. Panindigan mo yan. Sa panahon na'to, ang daming taong may maling desisyon."


"Gusto niyong panindigan yang desisyon niyo ha? Tingnan niyo, balang araw."


Dagdag pa ni Vice Ganda, "Sige, sige huwag kayong makinig sa madlang pipol. Ayaw ninyong makinig sa madlang pipol ha? Panindigan mo."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo