Isang Tagahanga Ibinandera Ang Mga Achievements Ng Idolong Si Kim Chiu!....

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Jerome

 


Sobrang humanga at na appreciate ng Tvhost actress na si Kim Chiu ang ginawang effort ng isang niyang fan na si Ericson.


Kung saan pinagsamasama nito sa isang Art card ang lahat ng mga awards at achievements ni Kim Chiu sa kanyang showbiz career.


Tulad nalang ng mga nakuhang awards ng actress sa pelikula, teleserye, at maging ang ratings ng mga drama series na pinagbidahan ni Kim Chiu.


Una ngang ipinaskin ng fan na ito ni Kim ang art card na may magandang larawan ni Kim at kasunod nga nito ay nilagay ng nasabing fan ni Kim ang lahat ng mga achievments ng actress sa mundo ng showbiz.


Isinama din nga dito ang lahat ng nagawang mga commercials ni Kim Chiu, at pati na din ang mga magazine covers ng actress.


At pati na din ang mga negosyo ng actres, ang nais kasi ng nasabing fan na ito ay ibandera ang pagiging angat ng actress sa mga naging kasabayang mga artista nito.


Caption naman ng Fan na ito, "Phenomenal celebrity, Television Queen, A-Lister, Box office Royalty, Bankable Endorser and One of this generations Icons. Successful in media. @prensesachinita."


Napansin naman agad ni Kim ang post na ito ng nasabing fan kaya naman agad naman na magkomento ang actress dito at sobrang saya nga ni Kim sa ginawa ng kanyang tagahanga.


Ani Kim, "Wow this compilation thank you sa effort @ericson, Maraming salamat sayo."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo