Maegan Aguilar, Ikinuwento Kung Paano Sinuyo Ang Kanyang Ama

Huwebes, Nobyembre 30, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ni Maegan Aguilar sa isang panayam kung paano niya muling nakasama ang kanyang ama, ang legendary OPM artist na si Freddie Aguilar, matapos ang ilang taon na hindi pag-uusap sa isa't isa.


Sa isang panayam kay Julius Babao, sinabi ni Maegan na gumawa siya ng ilang paraan upang makipag-ugnayan muli sa kanyang ama, kabilang sa mga ito ang pakikipag-usap sa isa sa kanyang mga anak na babae, na nakatira kay sa kanyang ama na si Freddie Aguilar.


“My daughter na nakatira sa kanya. Since naka-block ako, syempre naka-block ako kay tatay ‘di ba? Dinaan ko sa anak ko. Anak, tanong mo naman kay lolo, kung pwede kaming pumunta diyan,” pahayag ni Maegan.


Hindi umano alam ni Maegan kung gaano siya kasaya nang biglang pumayag ang kanyang ama sa kanyang kahilingan.


“Mommy pwede daw pero overnight lang daw…”


Nang magpunta na sila sa bahay ng kanyang ama, biniro umano niya ito na mas nagmukha na itong mas bata kaysa sa kanya.


“‘Tay ang daya mo. Ang bata-bata ng itsura mo, ako mukhang lola.” 


Samantala, ibinahagi rin ni Maegan ang kanyang saloobin tungkol sa buhay sa nasabing panayam.


“‘Yung deeds mo na magaganda sa ibang tao hindi yun ‘yung magdadalo sa’yo sa langit. Ang magdadali sa’yo sa langit is yung “You are humbled in his feet” na alam mo na wala ka, you are nothing without HIM so now that’s what I believe na “Lord, hindi ko ‘to kaya if I’m alone kasi wala ako eh if wala ka.”


Matatandaang nahiwalay si Maegan sa kanyang ama noong 2019, dahil umano sa kanyang mga bisyo.


Nag-viral pa si Maegan sa social media matapos niyang ilabas ang mga isyu nila sa kanyang ama sa Wanted Sa Radyo.


Gayunpaman, iginiit ni Freddie na siya lang ang magdedesisyon kung nagbago na si Maegan.


“Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e. Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. 


"Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’ Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo