Buboy Nagresign Na Sa Eat Bulaga! Si Randy Santiago Ang Papalit

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Hindi na kinaya ng isa sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga na si Buboy Villar ang mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens na hindi pa rin matanggap na sila na ang bagong hosts ng Eat Bulaga.


Kaya naman nitong lunes, June 12, 2023 sa mismong araw ng kalayaan sa episode ng Eat Bulaga, isiniwalat ni Buboy Villar na aalis na siya sa Eat Bulaga dahil hindi na niya kaya ang mga batikos at mga ka negahan na ibinabato sa kanya ng mga netizens.


Isa sa mga dahilan kung bakit siya labis na nabash ay nang mapansin ng mga televiewers na tila scripted umano ang mga contestant ng kanilang segment. Napansin nilang tauhan umano ni Buboy Villar sa kanyang negosyo ang napili nilang contestant sa PinakaSegment.


Sa pag-alis ni Buboy Villar, usap-usapan ngayon sa social media kung sino ang papalit rito bilang host ng Eat Bulaga. May mga nagsasabing si Randy Santiago ang nililigawan ng mga Jalosjos na siyang papalit kay Buboy Villar sa Eat Bulaga.


Gayunpaman, handa kaya at kakayanin ni Randy Santiago ang posibilidad na ibash din siya ng mga netizens.


Samantala, nauna nang inamin ni Randy Santiago na open siya sa posibilidad na magiging host ng Eat Bulaga. Bagama't wala pa rin umano siyang natatanggap na offer mula sa TAPE Inc. at mga Jalosjos.


"Wala pa naman, hindi pa naman nila naiisip 'yun, e. Alam naman natin na even before this, dapat inaayos na namin 'yung noontime ng ALLTV." 


“It’s either I join 'It’s Showtime,' kasi 'di ba naghuhurado ako doon? So, open naman tayo anywhere. Open tayo sa lahat,” pahayag ni Randy Santiago.


Ibinida pa ni Randy ang kanyang expertise pagdating sa kanyang hosting stints at ang pagkikipagtrabaho kasama ang team.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo