Matapos Patamaan Ang TVJ| Cristy Fermin Rumesbak Sa Mga Jalosjos

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ay ang inilabas na official statement ng TAPE Inc. kasunod ng pag-alis sa kanila ng TVJ at ilan pa sa mga hosts ng Eat Bulaga.


Samantala sa isang episode ng YouTube vlog na Showbiz Now Na na pinangungunahan ni Manay Cristy Fermin, muli nilang tinalakay ang nasabing pahayag ng mga Jalosjos.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, napakaangas ng dating ng mga Jalosjos sa kanilang inilabas na na official statement. Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin na tila hindi pa rin nakakamove on ang TAPE Inc. sa pag-iwan sa kanila ng TVJ at iba pang original hosts ng Eat Bulaga dahil palagi pa rin nila itong pinasasaringan at pinatatamaan.


Kung titingnan pa umano ang official statement ng mga Jalosjos, mahihinuhang tila hinahamon pa nila ang TVJ at tila pinapahayag nila kaya nilang lampasan ang nagawa ng TVJ.


Sa isang punto pa ng statement sinabing hindi ang mga hosts ang nagpapasikat sa isang show kundi ang lahat na naroroon upang magkaisa sa iisang goal.


“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan nino ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO'T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.


“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo," parte ng official statement ng TAPE Inc.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, na dapat patunayan muna ng TAPE Inc. na kaya nilang lampasan ang TVJ sa ginawa ng mga ito sa Eat Bulaga dahil kung hindi tiyak na lalo pa silang babagsak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo