Ogie Diaz Ibinulgar Ang Pagkakautang Ni Ricci Ng P1 Million Kay Andrea Brilliantes!

Martes, Hunyo 13, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Noon pa man ay naging usap-usapan nang hiwalay sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes dahil hindi na umano nagpopost ang dalawa ng mga larawan at video nilang magkasama.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kilala ang dalawa sa pagiging sweet at bukas din sa lahat ang kanilang relasyon. Kaya naman marami ang nagsasabing hiwalay na ang dalawa dahil sa biglaang pananahimik nila.


Samantala, naglabas na ng tweet si Ricci Rivero kung saan inamin niyang matagal na silang hiwalay ni Andrea Brillantes. Hiling din niya ang pang intindi ng lahat.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through,” pahayag ni Ricci.


Dagdag pa niya, “Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.”


Gayunpaman, hindi naiiwasang iniintriga pa rin ng mga netizens ang naging hiwalayan nilang dalawa.


May mga naglabasan pa ngayong ulat na umano'y may utang pala itong si Ricci Rivero kay Andrea Brillantes na halos aabot sa isang milyon.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, sinisingil na ngayon ni Andrea Brillantes ang ex boyfriend.


Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik ni Andrea Brillantes at hindi pa rin naglalabas ng pahayag sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo