Joey De Leon Nagpasaring Sa GMA7

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng saloobin ang dating Eat Bulaga host na si Joey De Leon laban sa GMA 7 patungkol sa kontrobersiyal na pamamaalam nila kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto sa producer ng Eat Bulaga, ang TAPE Inc.


Sa isang panayam, isiniwalat ni Joey De Leon na hindi manlang umano sila kinumusta ng GMA7 matapos ang paglisan nila sa Eat Bulaga, na patuloy napapanood sa kanilang network.


Binalikan pa ni Joey De Leon ang pangangamusta sa kanilang ng head ng Purgold na si Susan Co, nang mabalitaan ang ginawa nilang desisyon noong May 31, 2023.


"Kaya ako naiyak sa show ni ni Cheryl Cosim, hindi na dun dahil sa show ah, well konektado. Pero dahil sa ibang tao, Dahil ang yabang ko pa kay Susan e, (Susan ng Puregold) ah, okay lang kami, talagang nung point na 'yun okay ako e. No, 'wag niyong pansinin 'yung ginagawa namin. Ang tinatanong ko, kung okay kayo. Bumigay ako," pahayag ni Joey De Leon.


Ibinahagi rin ni Joey De Leon na mas lalo pa umanong naantig ang damdamin niya sa pagtawag na iyon ni Susan Co, dahil ang naging tahanan nila sa loob ng 28 taon ay hindi manlang umano sila nagawang kumustahin.


"E 'yung 7. Oy, 7 Kayo ba tumawag na oy! Okay ba kayo? Well e, ganun talaga," tila pasaring pa ni Joey De Leon sa GMA7.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo