Wow! Expensive Birthday Gift Ni Ruffa Gutierrez Sa Anak Venice Bektas!

Walang komento

Lunes, Setyembre 19, 2022


Matatandaang noong nakaraang linggo ay ipinagdiriwang ng bunsong anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ang kanya ika-18 kaarawan.

Isang intimate dinner ang naganap sa buong pamilya bilang celebration ng nasabing okasyon sa halip ng isang bonggang party. Ito umano ang nais ni Venice dahil mas ginusto nitong magbakasyon sa Europe bilang celebration at regalo sa kanyang kaarawan.

Tinupad naman ito ng ina at magkasama silang nagtungo sa Europe. Una nilang destination ay sa Milan, Italy kung saan kasalukuyang nagaganap ang Milan Fashion Week. Agad naman nilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga at followers ang kanilang ganap roon.


Samantala, may ilang mga tagahanga nila ang tila nagrerequest na mas maganda umano kung kasama nila si Yilmaz at si Lorin sa kanilang bakasyon. 

Ina Ni Julia Barretto Na Si Marjorie Barretto May Mensahe Para Sa Kanyang Anak!

Walang komento


Kasalukuyang nakakatanggap ng samu't-saring pambabatikos at reaksyon mula sa ilang mga netizens ang tila sagutan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto sa social media.

Sa kabila naman ng kinakaharap ngayong sitwasyon ni Julia naglabas ng pahayag ang ina nitong si Marjorie Barretto para suportahan ang kanyang anak. Sa Instagram account ni Marjorie, ibinahagi niya ang isang larawan ni Julia kalakip ang mensahe niya para sa kanyang anak na si Julia.

"Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you. Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remeber Jul, God is all knowing."



Proud umano si Marjorie kay Julia at masaya siyang siya ang naging ina ng aktres. Sinabi rin ng ina na dapat maging grateful sila sa magagandang bagay at hindi na lamang pansinin ang iba.

Kapamilya Star-Hindi Nagustohan Ang Paglipat Ng ASAP Singer Sa GMA7!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang pahayag ng isang Kapamilya Star dahil tila hindi nito nagustuhan ang paglipat sa GMA7 ng isang ASAP singer na si Zephanie Dimaranan.

Sa tanong ni Robi Domingo kay Vice Ganda sa katatapos lamang na Idol Philippines season 2, kung ano ang maipapayo niya sa susunod na hihiranging Idol Philippines season 2 grand winner.

"Sa bagong hihiranging Grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunity sa'yo. Sana magstay ka muna sa network na ito."



Matatandaan na noong March 31, 2022 lumipat sa GMA7 ang unang Idol Philippines grand winner na si Zephanie Dimaranan.

Bina-B4sh Ngayon Si Julia Barretto Matapos Maglabas Ng Sama Ng Loob Ang Ama Sa Publiko!

Walang komento


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang reaksyon ni Dennis Padilla sa mga binitawang salita ng anak na si Julia Barretto laban sa kanya sa panayam ni Karen Davila.

Komento ng ilang mga netizens na mararamdaman ang labis na hinanakit ni Dennis matapos mapanood ang interview ni Karen sa kanyang anak kaya sa inilabas nito ang kanyang hinanakit sa isang social media post.

Tanong naman ng ilang mga netizens, ano kaya ang masasabi ng ex-wife ni Dennis na si Marjorie Barretto hinggil sa mga pahayag na ito? Maging sa Youtube vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan din nila ang isyung ito.

Na-curious naman si Ogie Diaz kung ano ang mga nagawa ni Dennis na ikinasama ng loob ng kanyang mga anak. Inungkat din nila ang naging pag-uusap nila ni Marjorie Barretto noon tungkol sa ugat ng samaan ng loob ng kanyang mag-aama.

Ayon umano kay Marjorie, kung totoong mahal ni Dennis ang kanyang mga anak, hindi siya maglalabas ng pahayag sa social media na maaring ikakasira ng kanyang mga anak.

Matatandaang laging ibinabahagi ni Dennis sa social media ang kanyang mga hinanaing sa mga anak sa kanyang social media accounts kung saan nababasa ng kanyang mga followers. Dahil sa pagiging bukas nito sa publiko, kadalasan ay binabatikos ang mga anak nito at pinagsasasabihan ng samu't-saring komento. Kadalasan ay napapasama ito sa mata ng mga netizens.

Sa muling pagbabahagi ni Dennis sa kanyang social media sa kanyang reaction sa interview kay Julia, muling binabash ngayon ng mga netizens si Julia dahil tila ipinamukha umano nito sa ama na wala itong kwenta. Bagama't deleted na ang nasabing post ni Dennis, marami na ang nakakuha ng screenshots at kumakalat ito ngayon sa iba't-ibang social media platforms.



May mga netizens pinagsasabihan si Julia sa kanyang kawalan ng respeto sa kanyang ama. Ipinunto pa ng iba na nasa tabi lamang ang karma.

Claudine Barretto Niresbakan Ang Ama Ni Julia Na Si Dennis Padilla! Julia Ipinagtangol Ni Claudine?

Walang komento


Claudine Barretto hindi na nakapagtimpi at naglabas ng pahayag laban sa ama ni Julia Barrretto na si Dennis Padilla. Matapos magrant ng huli sa social media matapos mapanood ang sinabi ni Julia sa isang panayam na hindi pa siya handa sa pagpapatawad rito.

Matatandaang sinabi ni Julia na hindi naman mahirap magpatawad, ang mas mahirap ay ang kalimutan ang sakit na idinulot ng taong nagkasala. Kaya naman hindi pa siya handang patawarin ang ama dahil sa takot niya na muling masaktan.

Agad namang nagreact si Dennis Padilla sa mga naging pahayag ni Julia sa isang panayam. Ayon kay Dennis, ginagawa siyang walang kwenta ng kanyang anak na si Julia Barretto. Nanawagan pa ito kay Karen Davila na interviewhin din siya nito para mapakinggan din umano ang kanyang side at maging patas ang lahat. Dagdag pa ni Dennis, "Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kyo... Kanino ba naubos lahat? Sa inyo... Kasi gusto ko maginhawa ang buhay nyo."



Samantala, tila hindi naman nakatiis si Claudine Barretto at nagsalita na rin kay Dennis Padilla. Pinapatigil na nito si Dennis dahil sumusobra na umano ito. Naaawa na umano siya sa mga bata. Sa huli sinabi ni Claudine na nais niyang makausap si Dennis Padilla.

Vhong Mavarro at Deniece Cornejo Case! Sumuko Ng Ang Aktor Sa NBI!

Walang komento


Mainit na ipinag-uusapan ngayon sa social media ang kusang pagsuko ni Vhong Navarro sa NBI matapos lumabas ang arrest warrant para sa kanya ng Taguig Metropolitan Trial Court. Muling nabuhay ang kasong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo na panghahalay matapos ang ilang taon.

Aabot sa 36,000 pesos ang pyansa na inirekomenda ng Court of Appeals base sa determination of probable cause na nilagdaan ni Preciding Judge Angela Francisca ng Taguig Metropolitan Court.



Matatandaang muling nabuhay ang kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong noong taong 2014 na idinimiss naman noon ng Department of Justice.

Samantala, ayon sa legal team ni Vhong Navarro malakas ang kanilang loob na agad mapapalaya si Vhong Navarro. Sa interview naman ni Vhong Navarro nagbigay siya ng pahayag at reaction sa muling pagkabuhay ng kanyang kaso.

Ayon kay Vhong, labis siyang nalulungkot at hindi makapaniwala sa kasong kinakaharap niya ngayon. Ang mas nakakalungkot pa ay tila nababaliktad pa umano siya. Iginiit din niya na walang katotohanan ang allegation ni Cornejo at siya ang totoong biktima.

Ipinagdidiinan din ni Vhong na simula noon ay nagsasabi siya ng totoo at consistent sa lahat ng affidavit at salaysay na inilalabas niya. Inamin naman umano niya ang kanyang mga naging kasalanan at pagkakamali. Ito ay ang panloloko sa kanyang girllfriend na ngayon ay asawa na.

Samantala, hanggang ngayon ay nakapending pa rin sa Taguig Regional Trial Court ang kasong isinampa kay Vhong. Maghahain naman umano sila ng Reconsideration sa pag-issue ng arrest warrant laban sa aktor.

Hindi naman naiwasang maapektuhan ng mga kasamahan ni Vhong Navarro sa trabaho lalong lalo na sa It's Showtime. Labis silang nalulungkot para rito at nakikisimpatya sa mga pinagdadaanan ngayon ni Vhong. Umaasa ang mga ito na inosente si Vhong at lalabas rin ang katotohanan.

Sumuko Na Si Vhong Navarro Matapos Lumabas Ang Kanyang Arrest Warrant!

Walang komento


Kasalukuyang naka detained ngayon ang comedian-host na si Vhong Navarro matapos sumuko sa NBI nang lumabas ang warrant of arrest sa kanya sa kasong panghahalay na isinampa ni Denice Cornejo.

Sa isang report mula sa ABS-CBN nagbigay ng reaksyon si Vhong Navarro tungkol sa pagkabuhay muli ng mga allegasyon laban sa kanya. Nalulungkot ang ang It's Shotime host sa mga nangyayari ngayon. Akala umano nila na tapos na ang nasabing isyu dahil sa matagal na panahong lumipas. Nagulat din umano sila sa muling pagkaungkat ng mga isyu noon.



Mabigat din umano ang kanyang loob dahil tila nababaliktad na siya. Iginiit din ni Vhong na walang katotohanan ang mga allegasyon sa kanya ni Denice at siya ang biktima.

Matatandaang ibinasura ng DOJ noon ang nasabing kaso laban sa kanya dahil hindi consistent ang pagkukwento ni Denice. Ngunit, kamakailan ay pinagbigyan ng Court of Appeals ang reklamo ni Denice laban sa kanya at dalhin sa korte ang kaso.

Samantala sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan ngayon ni Vhong Navarro, patuloy pa rin ang pagbibigay ng suporta at pagmamahal sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga tagahanga. Pinapalakas ng mga ito ang loob ni Vhong at sinabing malalampasan din nito ang lahat at lalabas din ang totoo.

Yari! Cristy Fermin May Matinding Rebelasyon Kay Heart Evangelista!

Walang komento


Binigyan ng payo ng sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista hinggil sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.

Sa kanilang vlog sa Youtube na Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio muling napag-usapan nila ang relasyon nina Heart at Chiz. Maging ang mga nangyari noon na papresscon ng ina ni Heart dahil tutol siya sa relasyon ng dalawa at ayaw niya kay Chiz para sa kanyang anak.

Ngunit tila nagkaayos naman na sila sa paglipas ng mga taon. Maging ang kamakailang pahayag ng ina ni Heart sa isang panayam ay napag-usapan din nila. Matatandaang ayon kay Mrs. Ongpauco may personal na pinagdadaanan ngayon si Heart ngunit hindi niya alam kung tungkol ba ito sa relasyon nila ng asawang si Chiz.

Samantala, ayon kay Cristy Fermin hindi maganda ang tila pagdadaanan ni Heart sa mga cryptic post hinggil sa kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Sana umano ay itigil na ni Heart ang pagbibigay ng lead upang isipin ng mga netizens na may problema talaga sila ngayon ni Chiz. Kagaya na lamang ng mga malulungkot nitong painting.



Dagdag naman ni Morly na, hindi talaga maiiwasan ni Heart ang maiyak ngunit sana naman umano ay huwag na nitong ipaalam pa sa social media at iwasan na rin nito ang pagpopost ng mga cryptic message na nagpapahiwatig na wala na sila ni Chiz.

Sa huli, hiniling nila na sana ay magkaayos at malampasan ng mag-asawang Heart at Chiz ang kung ano mang pagsubok na kinakaharap nila ngayon.

Chiz Escudero Hindi Nakapagpigil Nagreact Sa Sinasabing Boyfriend Ni Heart Evangelista!

Walang komento

Sabado, Setyembre 17, 2022


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Kapuso Actress at fashion icon na si Heart Evangelista ang pagkakaroon niya ng isang kaibigan.

Nagkakilala sila sa paroon at parito ni Heart sa Italy. May ilang mga larawan ding kumakalat kung saan parating nakakasama ito ni Heart sa ilang mga events at magkasabay pang magdinner. Dahil dito, hinuha ng ilang mga netizens na may namamagitang something sa kanilang dalawa.

Maging ang ina ni Heart ay tinatanong na rin ng ilang mga netizens hinggil sa totoong estado ng married life ni Heart sa Senador na si Sen. Chiz Escudero. Nacurious din ang ilan kung ano ang magiging reaction ng ina ni Heart na si Cecelia Ongpauco sa pagkakalink ngayon ni Heart sa ibang lalaki na nagngangalang Brandon.



Hindi naman lingid sa lingid ang pagiging strict parent ni Cecelia lalo na sa anak nitong si Heart. Nagbigay naman ng reaksyon ang ilang mga netizens sa isyung ito ni Heart at sinabing kung totoo man ito ay tila napakadali lamang ng moving on process ni Heart sa hiwalayan nila ni Sen. Chiz Escudero.

Samantala, patuloy pa ring umaasa ang tagahanga ng mag-asawa na malalampasan din nila ang kanilang pinagdadaaanan ngayon.

Cherry Pie May Matamis Na Mensahe Para Sa Kanyang Bf Na Si Edu Manzano!

Walang komento


Nagbigay ng isang matamis at puno ng pagmamahal na mensahe si Cherry Pie Picache para sa kaarawan ng kanyang nobyo na si Edu Manzano.

Ayon sa Instagram post nito, "To my good looking man, no doubt… more importantly is, to this good good human being….crazy, pero….who isn’t and he’s my crazy😉😬😘🥰

Happy happy birthday hon ko!!!😘😘😘🥳🥳🥳❤️❤️❤️🙏
Thank you so much for sharing your gift of life to me and to so many others you so generously share it with❤️🙏
We’ll celebrate soon!!!"


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang napakilig sa sweetness ng dalawa. Umani rin ng mga pagbati sa kaarawan at sa kanilang relasyon ang nasabing post ng aktres. Masaya rin ang mga tagahanga nila dahil makikita naman sa kanilang dalawa ang pagmamahal para sa isa't-isa.

Matatandaang nagtrending noon sa social media ang Public Display of Affection ng dalawa kung saan naghalikan ang mga ito in public.

Kim Chiu, Angelica, at Bela Padilla Kwentuhan at Kulitan Sa Kanilang Mini Reunion!

Walang komento

 


Nagkaroon ng mini reunion ang magkaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu.

Bagama't matagal na ang huli nilang pagkikita ay parang isang linggo pa lamang ito dahil sa kulitan at tawanan nila. Excited na rin sina Bela at Kim sa paglabas ng baby ni Angelica Panganiban. Sinabi pa ni Kim na magpipicnic sila ni Bela sa labas ng hospital kapag manganganak na itong si Angelica.

Masayang ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram ang kanilang naging bonding sa kanilang mini reunion bago manganak ni Angelica.

Ayon kay Kim sa post niya sa Instagram, "Reunite!❤️ Celebrating life with real momsy @iamangelicap and the home coming momsy @bela 💗💗💗 had a mega super more than a million laughterssss last night!!!😂😂😂 good laugh with tears and all. Ang sarap ng kwentuhan. 🥹 Ang saya na may mga kaibigan kang kahit matagal kayong di nagkita parang last week yung last nyong gala. ❤️ Waiting na kami kay baby 💗 momsy! Excited na kami!!! Mag pic nic na kami ni momsy bels sa labas ng hospital.😅 love you both momsies!!!❤️✨ thank you @gregg_homan for being the best ever for momsy angge!!"


Matapos Maloko Ng 7 Million Ng Contractor K Brosas Nakalipat Na Sa Kanyang Dream House!

Walang komento

Matapos maloko at tangayin ang pera ng nakuhang contractor, masayang inanunsyo ng singer-comedian na si K Brosas na nakalipat na sila sa katatapos lamang na dream house na ipinatayo niya sa Quezon City.

Sa social media accounts ni K Brosas, ibinahagi niya ang ilang mga larawan at ilang video ng kanilang bagong tahanan.

Matatandaang nagkademandahan noon sina K Brosas at ang kanyang contractor. Ayon kay K, bigla na lamang hindi nagpakita ang contractor at tinangay pa nito ang 7 million pesos na dapat ay para sa mga materyales ng mga gagawin sa bahay.

Sa Twitter, masayang ibinalita ni K ang kanilang paglapit. Ayon pa sa post ng singer ang bathroom pa lamang nila ang maayos. Mabilisan ding ipinasilip na K ang kanyang elegant living room, dining area, kitchen at walk in closet sa publiko.

Ayon kay K, "Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din. at last mukhang bahay na talaga hindi bodega hehe.. yung room ko na lang magulo.. thanks @sylpauljoycefurniture sa aking dining set at sofa.. @laminwood sa aking kitchen set up.. at sa aking lawyer na si @kuyanicooo na nagbigay ng painting na bumagay sa house.. aylabet! at syempre sa aking architect at contractor na si @archt_jhigs salamat sa lahat, highly recommend ko sha sa inyo infer! house tour video vlog soon hehe.. habanaysdey! lablablab!"



Lolit Solis Nais Maging BFF si Bea Alonzo Matapos Okrayin!

Walang komento


Tila hindi muling nakatiis si Manay Lolit Solis at muling binanatan sa kanyang Instagram post si Bea Alonzo matapos mapanood ang kakalabas pa lamang ng teaser ng Start-Up.

Ayon kay Manay, dapat ingatan ang mga kuha ni Bea dahil lalong nagmumukha itong matanda kapag looking young and fresh si Alden Richards. Sinabi pa nitong dapat umanong itapat sa maraming ilaw ang aktre upang magmumukhang bata at wrinkle free.

Ayon pa kay Manay kailangan maging bestfriend na sila ni Bea dahil may mas marami siyang publicity na nakukuha mula sa kanya kaysa sa team nito. Tila nagpasaring pa si Manay sa team ng akres na ang pagkonsulta lamang sa abogado ang alam.



Samantala, pinuri naman ng ilang mga netizens ang nasabing trailer at inaabangan na nga ang pagpapalabas nito sa GMA7. Maging ang ilang mga celebrities ay pinuri rin ang Philippines adaptation ng Start-Up na ayon sa kanila ay hindi nalalayo sa Korean. Ngunit tila iba talaga ang taste ni Manay o sadyang nais lamang nitong inisin at laitin si Bea Alonzo.

Transmitter Na Simbolo Ng Abs-Cbn- Pagmamay-Ari Na Ng AMBS2 ALL TV!

Walang komento


Pagmamay-ari na ng AMBS ni Manny Villar ang simbolo ng ABS-CBN na tower sa ABS-CBN compound. Nabili na ng AMBS ang transmitter ng ABS-CBN  na siya ring sumisimbolo sa nasabing network.

Ayon kay Willie Revillame, naibigay na sa AMBS ang transmitter na pagmamay-ari ng ABS-CBN noon. Kaya naman hindi totoo ang tsismis na wala pang transmitter ang AMBS.

Ayon kay Kuya Wil, "Para malaman niyo po ang katotohanan, 'yung antenna ng ABS-CBN, ibinigay na po sa amin 'yan sa ALLTV."

Malaki naman ang pasasalamat ni Kuya Wil sa ABS higit na sa mga bosses nito na sina Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez at Boss Gabby Lopez dahil sa pagkakaloob ng mga ito sa transmitter. Kung wala ang transmitter ng ABS-CBN ay hindi mapapanood sa analog tv ang ALLTV.



Apektado! Heart Evangelista Malaki Ang Pinagbago Simula Ng Maghiwalay Sila Ni Chiz Escudero!

Walang komento


Sa pananahimik ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista hinggil sa isyu ng kanilang paghihiwalay, patuloy namang gumagawa ng mga speculation ang mga netizens at kung ano-ano na lamang ang mga naiisip ng mga ito ngayon.

Laging binabantayan ng mga netizens ang mga posts at updates ni Heart sa kanyang social media ngayon. Marahil ay upang makakuha ng sagot sa matagal ng katanungan hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon. Alam naman kasi ng lahat na walang mahihita mula sa social media accounts ng senador dahil napakapribado nitong tao.

May ilan namang mga netizens na nakapansin na may mga pagbabago umano ngayon kay Heart. Kapansin-pansin umano na bagama't nananahimik ay apektadong-apektado umano ngayon si Heart sa mga isyung kinakaharap niya.

Kapansin-pansin din umano ang tila pagpayat ngayon ni Heart na malayo sa katawan nito noon. Kilala naman si Heart sa pagiging petite ngunit iba na umano ang pagbaba ng timbang nito ngayon. Napansin din ng iba na bagama't ngumingiti ito at patuloy ang pagtatrabaho ay mababanaag pa rin sa mga mata nito ang lungkot.



Patuloy namang humihiling ang kanyang mga solid fans na malalampasan ng mag-asawa ang kung anumang kinakaharap ng mga ito ngayon.

Sikat Na Aktres-Naloka Sa Bayarin!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang  tila pagka-stress ng isang aktres sa napakataas ng bayarin niya sa bill ng tubig.

Laking gulat ng isang aktres na isa sa mga naging cast ng sikat na teleserye na FPJ's Ang Probinsyano na si Ryza Cenon, sa pagtaas ng kanyang bill sa tubig na umabot ng mahigit 100,000 pesos. Gulat na gulat ito dahil mula sa mahigit 1000 na bill nito ay lumaki ng mahigit 10x ang kanyang bill.

Dahil sa pagkadismaya at inis ay napapost ito sa kanyang social media accounts at pinagpapaliwanag ang Maynilad.

"Ano kami may carwash?
10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????"

Kalakip nito ay ang larawan ng kanilang bill kung saan makikitang nasa 1101 pesos lamang ang kanilang bill sa buwan ng Agosto. Ngunit sa buwang ng September ay tumaas ito ng 120,945 pesos.



Kilalang Showbiz Personality-Kinaiinisan Ngayon Sa Social Media?

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang celebrity kung saan marami ang naiinis.

Nagbunsod ito sa mga ipinopost nito sa social media accounts nito patungkol sa ilang mga isyu. Kaya naman para matigil na ang ibang mga bashers at mailigtas umano ang mga ito sa maagang pagkawala ay pinili na lamang ni Ogie Diaz na iblock at iunfriend ang mga ito sa kanyang social media accounts.

Ayon sa talent manager, vlogger at showbiz columnist, "Nilibang ko ang sarili ko by blocking some of my bashers. Kesa sagutin, i-block na lang dahil baka ako pa ang maging sanhi ng kanilang kamatayan."

Nag-ugat ang inis ng mga netizens kay Ogie Diaz ng pinuna nito kamakailan ang naging performance ni Toni Gonzaga sa launching ng AMBS.



Ogie Diaz Pinag-tawanan ang Prod Number ni Toni Gonzaga sa Launching ng ALLTV!

Walang komento


Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens sa social media ang naging reaction ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa naging production number ni Tonu Gonzaga sa launching ng ALLTV kamakailan.

Sa isang Facebook post ipinahayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon hinggil sa nasabing production number ni Toni Gonzaga kung saan kumanta siya ng Levitating song ni Dua Lipa. Ayon kay Ogie, nangiti lamang siya nung una hanggang sa mapabungisngis na siya habang pinapanood ang production number ni Toni sa launching ng ALLTV.

Inihalintulad pa ni Ogie ang performance ni Toni sa kapanuhanan noon ni Kuya Germs. Maging si Toni ay hindi rin umano matutuwa kapag nakikita nito ang kanyang naging performance. Pinayuhan din nito ang ALLTV na mag-invest ng bongga sa sound system at sa recordings.

Sa huli sinabi naman ni Ogie na naiintindihan niya ang pinagdadaanang technical difficulties ng network dahil kakaumpisa palang nito.



Samantala, tila sinagot naman ito ni Willie Revillame at inaming nagkaroon talaga sila ng technical difficulties sa panahong iyon. Isa sa kanyang ibinigay na dahilan ay hindi studio ang Wil Tower. Ibinahagi rin ni Willie na pinilit lamang nila na makapaglaunch ngayong buwan dahil sa paparating na ang pasko.

Finally!! Anabelle Rama Tinanggap Ng Muli Itong Si Yilmaz Bektas Para Kay Ruffa Guttierez

2 komento


Mainit ngayong pinag-uusapan sa iba't-ibang social media platforms ang diumano'y pagtanggap muli ng ina ni Ruffa Gutierrez na si Anabelle Rama sa ama nina Lorin at Venice na si Yilmaz Bektas.

Nagbabalak ngayong magbakasyon sa bansa ni Yilmaz upang makasamang muli ang kanyang mga anak at maging si Ruffa Gutierrez na rin.

Samantala, tila nagbigay na ng sagot si Anabelle Rama sa mga haka-hakang tinatanggap niya at napatawad na niya si Yilmaz Bektas. Ayon kay Anabelle, na kay Ruffa na ang desisyon dahil matanda na umano ito. Hindi na umano niya kailangan pang manghimasok sa buhay nito dahil nasa tamang edad na ito upang makapagdesisyon para sa kanyang sarili.

Julia Barretto Hindi Pa Handang Patawarin Ang Amang Si Dennis Padilla!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang mga naging pahayag ng aktres na si Julia Barretto tungkol sa kanyang ama na si Dennis Padilla.

Inamin ng aktres sa isang panayam ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang ama. Ayon kay Julia, hanggang ngayon ay may takot pa rin siyang nararamdaman.

"I'll be honest. We have not spoken and it's because there's just so much fear inside me."



Ayon pa kay Julia labis na pa siyang natatakot dahil pare-pareho lamang ang nangyayari, nagkakaayos sila at muli nanaman siyang masasaktan. Nais na rin umano ng aktres na makapagpahinga sa paulit-ulit na iyon.

Sa tanong naman kung napatawad na ba niya ang kanyang ama, sinabi ng aktres na hindi naman mahirap ang magpatawad, ang mas mahirap ay ang paglimot sa sakit na idinulot ng tao. Hindi naman umano ipagkakait ni Julia ang kapatawaran sa kanyang ama ngunit hindi pa siya handa ngayon.

Napapagod at natatakot na rin umano si Julia sa sakit na ibinibigay ng kanyang ama. Ang nais lang naman ni Julia ay more love ang protection mula sa kanyang ama ngunit hindi ito nangyari.

Inamin naman ni Julia na nagre-reach out sa kanila ang kanyang ama ngunit talagang hindi pa siya handa. Ayaw naman umano niyang pilitin ang kanyang sarili dahil hindi na siya magiging genuine kung ganoon.

Nasaktan din umano siya sa naging open letter ni Leon para sa ama. Nasasaktan umano siya para sa kanyang kapatid dahil naranasan na rin nito ang sakit na idinudulot ng kanilang ama.

Watch ! Inigo Pascual Nakatanggap Ng Papuri Sa Academy Award Winning Actress Na Si Susan Sarandon!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 16, 2022


Labis ang kasiyahan ni Inigo Pascual sa kanyang kaarawan matapos niyang makatanggap ng papuri mula sa Academy Award Winning Actress na si Susan  Sarandon.

Nakasama ni Inigo si Susan Sarandon sa Hollywood Tv Musical Drama Series na Monarch. Naibahagi ng aktor ang kanyang mga karanasan sa unang set ng serye noon nakaraang taon. Ibinahagi ito ni Inigo sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

"Exactly a year ago today, was my first day on set for @monarchonfox


My first day on set was also my birthday, and I was both stressed out and excited about it.
I didn’t want anyone knowing about my birthday or giving me extra attention just because of my birthday.
I was too shy.😂
Before one of the scenes they brought out a cart with balloons and a cake and started singing Happy Birthday.
I was so grateful but scared for my life that I would have to do a speech and not know what to say since it was my first day. Thankfully we had to rush back into filming because of time.

So grateful for my Monarch Family❤️

after that scene I went up to my Grandma Dottie @susansarandon and told her that all I wanted for my birthday was a selfie with her."

Sa comment section ng nasabing post nagpalitan ng mensahe sina Inigo at ng kinilalang aktres na inaabangan din nito ang pagkikita nila noon. 

Matapos Mahiwalay Kay Janella Salvador! Markus Paterson Naghahanap Na Ng Bago!

Walang komento


Kamakailan ay naging sentro ng usapan sa social media ang pag-amin ng celebrity couple na sina Markus Patterson at Janella Salvador.

Sa magkahiwalay na pamamaraan inamin nila na nagwakas na ang kanilang pagsasama sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak.Wala naman silang ibinigay na dahilan kung bakit nila piniling wakasan ang kanilang relasyon.

Ayon naman sa kanila, ang mahalaga ay masaya sila sa kanilang naging desisyon. Abala ngayon si Janella sa kanyang kasalukuyang proyekto. Isa ang aktres sa mga inaabangang karakter sa teleseryeng Darna ng ABS-CBN. Kung saan ginagampanan nito ang papel ng iconic kontrabida na si Valentina.

Si Markus naman ay busy ngayon sa kanyang vlogging career. Sa kabila ng tila mahinang career nito sa mga teleserye at pelikula, patuloy pa rin ito sa pagpursue sa kanyang showbiz career. Samantala, marami ang nagulat sa latest vlog ni Markus Patterson. Ilang linggo matapos aminin nila Janella ang kanilang hiwalayan ay usap-usapan ngayon ang tila paghahanap ni Markus ng bagong girlfriend.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Markus ang katangian ng kanyang ideal girl. Ayon kay Markus ang gusto niya ngayon ay morena at iyong island girl type. Agad namang napansin ng ilang mga netizens na napakalayo ng discriptiong ito sa katangian ni Janella Salvador.

Puna naman ng ilan na tila napakadali naman para kay Markus ang maghanap ng bago na tila ba ay wala silang anak ni Janella.



Grabe! Heart Evangelista Ipinakilala Na Ang Lalaking Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Chiz Escudero!

Walang komento


Hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng mga netizens ang pagpapalabas ng official statement ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista hinggil sa isyu ng hiwalayan na kinakaharap nila ngayon.

Dahil sa patuloy nilang pananahimik, nagkakaroon ng iba't-ibang spekulasyon ang mga netizens sa kung ano ang naging ugat ng kanilang paghihiwalay. Ayon sa ilang mga netizens, may nabuntis umanong ibang babae si Chiz dahil hindi na ito nabibigyan ng oras ni Heart dahil sa palagiang pagtatravel nito sa ibang bansa.



Komento naman ng ilan na si Heart ay nagkaroon ng karelasyon habang parito't paroon ito sa Paris. May mga nagsasabi ring hindi na umuuwi si Heart si bahay nila ni Chiz. May mga bulong-bulungan rin na ibenibenta na ng dalawa ang kanilang mga ari-arian.

Samantala naniniwala pa rin ang mga tagahanga ng dalawa na malalampasan rin nila kung ano man ang pagsubok na kinakaharap nila ngayon. Ayon pa sa iba na hindi totoo ang mga isyu dahil sa patuloy na pananahimik ng dalawa.

Hindi Mapigilan Ni Ruffa Gutierrez Na Mapaiyak Ng Sobra Dahil Sa Ginawa Ni Yilmaz!

Walang komento


Hindi napigilan ni Ruffa ang maging emosyunal dahil sa mga ginawa sa kanya ng dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, may ibinigay na bonggang regalo si Yilmaz para kay Ruffa. Napakaganda umano ng bahay at umabot sa ilang milyon ang mga regalo nito sa aktres.

Matatandaang nakicelebrate si Yilmaz sa 18th birthday celebration ni Venice sa Europe. Kasama nila sa Europe ang ilang kaanak at malalapit na kaibigan ni Venice.

Ayon kay Venice, ito ang pinagamagandang birthday niya. Dahil nakasama niya ang kanyang buong pamilya.



Willie Revillame-Nakiusap Sa Madlang People at Sa Ibang Tv Network!

Walang komento


 Matatandaang noong September 13, 2022 ay opisyal nang nagsisimula ang pag-ere ng AMBS2 ALL TV.

Sa launching ng nasabing network, napuna naman ng ilang mga netizens na hindi maganda ang naging audio nila. Nagbigay naman ng paliwanag si Willie Revillame kung bakit ito nangyari. Ayon sa kanya, dahil sa iba't-ibang difficulties kaya ito nangyari. Medyo pagod at puyat na rin umano sila dahil sa rehearsals kaya malat at paos ang kanilang boses.

Hindi naman niya itinanggi na may mga technical difficulties silang pinagdaanan lalo pa't hindi naman umano studio ang Wil Tower.

"Napagod tayo, medyo malat na kami, ilang gabi na kaming hindi natutulog para mapaganda yung programa. Syempre, may technical difficulties kami, birth pains 'yan kung tawagin. Mahirap, yung mga audio namin, nahirapan dahil hindi naman po studio itong Wil Tower."



Dagdag pa ni Wilie na ginawan lamang nila ng paraan upang makapagsimula sila ngayon dahil sayang naman ang Christmas season. Ang dapat sana umano ay sa January 2023 pa sila magsisimula.

Nakiusap naman si Willie sa ibang mga TV networks na payagan ang kanilang mga talents na magtrabaho sa AMBS kung wala naman silang mga projects at wala silang ginagawa.

Silipin Ang Paghahanda Ni Bianca Umali Sa Kanyang Pagganap Bilang Sang'Gre!

Walang komento


Sumabak na sa iba't-ibang training si Bianca Umali bilang paghahanda sa gaganaping project.

Matatandaan sa panayam sa apat na naging Sang'gre na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza De Castro at Gabbi Garcia ay naitanong sa kanila kung sino ang tatlong artistang napupusuan nilang gumanap bilang bagong Sang'gre sa upcoming Encantadia Chronicles.

Base sa kanilang mga sagot ay may isa silang artistang parehong napupusuan. Ito ay walang iba kundi ni Bianca Umali. Nababagay naman kay Bianca ang gumanap bilang anak ni Sang'gre Danaya na ginampanan noon ni Sanya Lopez dahil pareho silang morena beauty. Papasa talaga ang character na mag-ina sila.

Kayang-kaya naman ni Bianca na tapatan sa fighting scenes ang mga naunang Sang'gre dahil sa kanyang pag-eensayo. Matatandaan pang nabanggit noon ni Ms. Suzette Doctolero na nababagay kay Bianca ang isang amazona role. Tila sa pagganap ni Bianca bilang Sang'gre maisakakatuparan ito.

Bagama't wala pang ipinalalabas na official statement hinggil sa gaganap na bagong Sang'gre ay malakas ang kutob ng mga netizens na si Bianca ito. Ilang beses na ring spotted ang dalagang aktres na puspusan ang pag-eensayo ng arnis na naging armas din noon ni Sang'gre Danaya.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo