Matapos Mahiwalay Kay Janella Salvador! Markus Paterson Naghahanap Na Ng Bago!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


Kamakailan ay naging sentro ng usapan sa social media ang pag-amin ng celebrity couple na sina Markus Patterson at Janella Salvador.

Sa magkahiwalay na pamamaraan inamin nila na nagwakas na ang kanilang pagsasama sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak.Wala naman silang ibinigay na dahilan kung bakit nila piniling wakasan ang kanilang relasyon.

Ayon naman sa kanila, ang mahalaga ay masaya sila sa kanilang naging desisyon. Abala ngayon si Janella sa kanyang kasalukuyang proyekto. Isa ang aktres sa mga inaabangang karakter sa teleseryeng Darna ng ABS-CBN. Kung saan ginagampanan nito ang papel ng iconic kontrabida na si Valentina.

Si Markus naman ay busy ngayon sa kanyang vlogging career. Sa kabila ng tila mahinang career nito sa mga teleserye at pelikula, patuloy pa rin ito sa pagpursue sa kanyang showbiz career. Samantala, marami ang nagulat sa latest vlog ni Markus Patterson. Ilang linggo matapos aminin nila Janella ang kanilang hiwalayan ay usap-usapan ngayon ang tila paghahanap ni Markus ng bagong girlfriend.

Sa kanyang vlog, sinabi ni Markus ang katangian ng kanyang ideal girl. Ayon kay Markus ang gusto niya ngayon ay morena at iyong island girl type. Agad namang napansin ng ilang mga netizens na napakalayo ng discriptiong ito sa katangian ni Janella Salvador.

Puna naman ng ilan na tila napakadali naman para kay Markus ang maghanap ng bago na tila ba ay wala silang anak ni Janella.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo