Silipin Ang Paghahanda Ni Bianca Umali Sa Kanyang Pagganap Bilang Sang'Gre!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


Sumabak na sa iba't-ibang training si Bianca Umali bilang paghahanda sa gaganaping project.

Matatandaan sa panayam sa apat na naging Sang'gre na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza De Castro at Gabbi Garcia ay naitanong sa kanila kung sino ang tatlong artistang napupusuan nilang gumanap bilang bagong Sang'gre sa upcoming Encantadia Chronicles.

Base sa kanilang mga sagot ay may isa silang artistang parehong napupusuan. Ito ay walang iba kundi ni Bianca Umali. Nababagay naman kay Bianca ang gumanap bilang anak ni Sang'gre Danaya na ginampanan noon ni Sanya Lopez dahil pareho silang morena beauty. Papasa talaga ang character na mag-ina sila.

Kayang-kaya naman ni Bianca na tapatan sa fighting scenes ang mga naunang Sang'gre dahil sa kanyang pag-eensayo. Matatandaan pang nabanggit noon ni Ms. Suzette Doctolero na nababagay kay Bianca ang isang amazona role. Tila sa pagganap ni Bianca bilang Sang'gre maisakakatuparan ito.

Bagama't wala pang ipinalalabas na official statement hinggil sa gaganap na bagong Sang'gre ay malakas ang kutob ng mga netizens na si Bianca ito. Ilang beses na ring spotted ang dalagang aktres na puspusan ang pag-eensayo ng arnis na naging armas din noon ni Sang'gre Danaya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo