Bina-B4sh Ngayon Si Julia Barretto Matapos Maglabas Ng Sama Ng Loob Ang Ama Sa Publiko!

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang reaksyon ni Dennis Padilla sa mga binitawang salita ng anak na si Julia Barretto laban sa kanya sa panayam ni Karen Davila.

Komento ng ilang mga netizens na mararamdaman ang labis na hinanakit ni Dennis matapos mapanood ang interview ni Karen sa kanyang anak kaya sa inilabas nito ang kanyang hinanakit sa isang social media post.

Tanong naman ng ilang mga netizens, ano kaya ang masasabi ng ex-wife ni Dennis na si Marjorie Barretto hinggil sa mga pahayag na ito? Maging sa Youtube vlog nina Ogie Diaz at Mama Loi ay napag-usapan din nila ang isyung ito.

Na-curious naman si Ogie Diaz kung ano ang mga nagawa ni Dennis na ikinasama ng loob ng kanyang mga anak. Inungkat din nila ang naging pag-uusap nila ni Marjorie Barretto noon tungkol sa ugat ng samaan ng loob ng kanyang mag-aama.

Ayon umano kay Marjorie, kung totoong mahal ni Dennis ang kanyang mga anak, hindi siya maglalabas ng pahayag sa social media na maaring ikakasira ng kanyang mga anak.

Matatandaang laging ibinabahagi ni Dennis sa social media ang kanyang mga hinanaing sa mga anak sa kanyang social media accounts kung saan nababasa ng kanyang mga followers. Dahil sa pagiging bukas nito sa publiko, kadalasan ay binabatikos ang mga anak nito at pinagsasasabihan ng samu't-saring komento. Kadalasan ay napapasama ito sa mata ng mga netizens.

Sa muling pagbabahagi ni Dennis sa kanyang social media sa kanyang reaction sa interview kay Julia, muling binabash ngayon ng mga netizens si Julia dahil tila ipinamukha umano nito sa ama na wala itong kwenta. Bagama't deleted na ang nasabing post ni Dennis, marami na ang nakakuha ng screenshots at kumakalat ito ngayon sa iba't-ibang social media platforms.



May mga netizens pinagsasabihan si Julia sa kanyang kawalan ng respeto sa kanyang ama. Ipinunto pa ng iba na nasa tabi lamang ang karma.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo