Vhong Mavarro at Deniece Cornejo Case! Sumuko Ng Ang Aktor Sa NBI!

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Mainit na ipinag-uusapan ngayon sa social media ang kusang pagsuko ni Vhong Navarro sa NBI matapos lumabas ang arrest warrant para sa kanya ng Taguig Metropolitan Trial Court. Muling nabuhay ang kasong isinampa sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo na panghahalay matapos ang ilang taon.

Aabot sa 36,000 pesos ang pyansa na inirekomenda ng Court of Appeals base sa determination of probable cause na nilagdaan ni Preciding Judge Angela Francisca ng Taguig Metropolitan Court.



Matatandaang muling nabuhay ang kasong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong noong taong 2014 na idinimiss naman noon ng Department of Justice.

Samantala, ayon sa legal team ni Vhong Navarro malakas ang kanilang loob na agad mapapalaya si Vhong Navarro. Sa interview naman ni Vhong Navarro nagbigay siya ng pahayag at reaction sa muling pagkabuhay ng kanyang kaso.

Ayon kay Vhong, labis siyang nalulungkot at hindi makapaniwala sa kasong kinakaharap niya ngayon. Ang mas nakakalungkot pa ay tila nababaliktad pa umano siya. Iginiit din niya na walang katotohanan ang allegation ni Cornejo at siya ang totoong biktima.

Ipinagdidiinan din ni Vhong na simula noon ay nagsasabi siya ng totoo at consistent sa lahat ng affidavit at salaysay na inilalabas niya. Inamin naman umano niya ang kanyang mga naging kasalanan at pagkakamali. Ito ay ang panloloko sa kanyang girllfriend na ngayon ay asawa na.

Samantala, hanggang ngayon ay nakapending pa rin sa Taguig Regional Trial Court ang kasong isinampa kay Vhong. Maghahain naman umano sila ng Reconsideration sa pag-issue ng arrest warrant laban sa aktor.

Hindi naman naiwasang maapektuhan ng mga kasamahan ni Vhong Navarro sa trabaho lalong lalo na sa It's Showtime. Labis silang nalulungkot para rito at nakikisimpatya sa mga pinagdadaanan ngayon ni Vhong. Umaasa ang mga ito na inosente si Vhong at lalabas rin ang katotohanan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo