Sumuko Na Si Vhong Navarro Matapos Lumabas Ang Kanyang Arrest Warrant!

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Kasalukuyang naka detained ngayon ang comedian-host na si Vhong Navarro matapos sumuko sa NBI nang lumabas ang warrant of arrest sa kanya sa kasong panghahalay na isinampa ni Denice Cornejo.

Sa isang report mula sa ABS-CBN nagbigay ng reaksyon si Vhong Navarro tungkol sa pagkabuhay muli ng mga allegasyon laban sa kanya. Nalulungkot ang ang It's Shotime host sa mga nangyayari ngayon. Akala umano nila na tapos na ang nasabing isyu dahil sa matagal na panahong lumipas. Nagulat din umano sila sa muling pagkaungkat ng mga isyu noon.



Mabigat din umano ang kanyang loob dahil tila nababaliktad na siya. Iginiit din ni Vhong na walang katotohanan ang mga allegasyon sa kanya ni Denice at siya ang biktima.

Matatandaang ibinasura ng DOJ noon ang nasabing kaso laban sa kanya dahil hindi consistent ang pagkukwento ni Denice. Ngunit, kamakailan ay pinagbigyan ng Court of Appeals ang reklamo ni Denice laban sa kanya at dalhin sa korte ang kaso.

Samantala sa kabila ng mabigat na pinagdadaanan ngayon ni Vhong Navarro, patuloy pa rin ang pagbibigay ng suporta at pagmamahal sa kanya ang kanyang mga kaibigan at mga tagahanga. Pinapalakas ng mga ito ang loob ni Vhong at sinabing malalampasan din nito ang lahat at lalabas din ang totoo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo