Yari! Cristy Fermin May Matinding Rebelasyon Kay Heart Evangelista!

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Binigyan ng payo ng sikat na showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista hinggil sa relasyon nila ni Sen. Chiz Escudero.

Sa kanilang vlog sa Youtube na Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Morly Alinio muling napag-usapan nila ang relasyon nina Heart at Chiz. Maging ang mga nangyari noon na papresscon ng ina ni Heart dahil tutol siya sa relasyon ng dalawa at ayaw niya kay Chiz para sa kanyang anak.

Ngunit tila nagkaayos naman na sila sa paglipas ng mga taon. Maging ang kamakailang pahayag ng ina ni Heart sa isang panayam ay napag-usapan din nila. Matatandaang ayon kay Mrs. Ongpauco may personal na pinagdadaanan ngayon si Heart ngunit hindi niya alam kung tungkol ba ito sa relasyon nila ng asawang si Chiz.

Samantala, ayon kay Cristy Fermin hindi maganda ang tila pagdadaanan ni Heart sa mga cryptic post hinggil sa kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Sana umano ay itigil na ni Heart ang pagbibigay ng lead upang isipin ng mga netizens na may problema talaga sila ngayon ni Chiz. Kagaya na lamang ng mga malulungkot nitong painting.



Dagdag naman ni Morly na, hindi talaga maiiwasan ni Heart ang maiyak ngunit sana naman umano ay huwag na nitong ipaalam pa sa social media at iwasan na rin nito ang pagpopost ng mga cryptic message na nagpapahiwatig na wala na sila ni Chiz.

Sa huli, hiniling nila na sana ay magkaayos at malampasan ng mag-asawang Heart at Chiz ang kung ano mang pagsubok na kinakaharap nila ngayon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo