Claudine Barretto Niresbakan Ang Ama Ni Julia Na Si Dennis Padilla! Julia Ipinagtangol Ni Claudine?

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Claudine Barretto hindi na nakapagtimpi at naglabas ng pahayag laban sa ama ni Julia Barrretto na si Dennis Padilla. Matapos magrant ng huli sa social media matapos mapanood ang sinabi ni Julia sa isang panayam na hindi pa siya handa sa pagpapatawad rito.

Matatandaang sinabi ni Julia na hindi naman mahirap magpatawad, ang mas mahirap ay ang kalimutan ang sakit na idinulot ng taong nagkasala. Kaya naman hindi pa siya handang patawarin ang ama dahil sa takot niya na muling masaktan.

Agad namang nagreact si Dennis Padilla sa mga naging pahayag ni Julia sa isang panayam. Ayon kay Dennis, ginagawa siyang walang kwenta ng kanyang anak na si Julia Barretto. Nanawagan pa ito kay Karen Davila na interviewhin din siya nito para mapakinggan din umano ang kanyang side at maging patas ang lahat. Dagdag pa ni Dennis, "Nung malakas pa ako kumita at maliit pa kyo... Kanino ba naubos lahat? Sa inyo... Kasi gusto ko maginhawa ang buhay nyo."



Samantala, tila hindi naman nakatiis si Claudine Barretto at nagsalita na rin kay Dennis Padilla. Pinapatigil na nito si Dennis dahil sumusobra na umano ito. Naaawa na umano siya sa mga bata. Sa huli sinabi ni Claudine na nais niyang makausap si Dennis Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo