Ogie Diaz Pinag-tawanan ang Prod Number ni Toni Gonzaga sa Launching ng ALLTV!

Sabado, Setyembre 17, 2022

/ by Lovely


Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens sa social media ang naging reaction ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa naging production number ni Tonu Gonzaga sa launching ng ALLTV kamakailan.

Sa isang Facebook post ipinahayag ni Ogie Diaz ang kanyang opinyon hinggil sa nasabing production number ni Toni Gonzaga kung saan kumanta siya ng Levitating song ni Dua Lipa. Ayon kay Ogie, nangiti lamang siya nung una hanggang sa mapabungisngis na siya habang pinapanood ang production number ni Toni sa launching ng ALLTV.

Inihalintulad pa ni Ogie ang performance ni Toni sa kapanuhanan noon ni Kuya Germs. Maging si Toni ay hindi rin umano matutuwa kapag nakikita nito ang kanyang naging performance. Pinayuhan din nito ang ALLTV na mag-invest ng bongga sa sound system at sa recordings.

Sa huli sinabi naman ni Ogie na naiintindihan niya ang pinagdadaanang technical difficulties ng network dahil kakaumpisa palang nito.



Samantala, tila sinagot naman ito ni Willie Revillame at inaming nagkaroon talaga sila ng technical difficulties sa panahong iyon. Isa sa kanyang ibinigay na dahilan ay hindi studio ang Wil Tower. Ibinahagi rin ni Willie na pinilit lamang nila na makapaglaunch ngayong buwan dahil sa paparating na ang pasko.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo