Sikat Na Aktres-Naloka Sa Bayarin!

Sabado, Setyembre 17, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang  tila pagka-stress ng isang aktres sa napakataas ng bayarin niya sa bill ng tubig.

Laking gulat ng isang aktres na isa sa mga naging cast ng sikat na teleserye na FPJ's Ang Probinsyano na si Ryza Cenon, sa pagtaas ng kanyang bill sa tubig na umabot ng mahigit 100,000 pesos. Gulat na gulat ito dahil mula sa mahigit 1000 na bill nito ay lumaki ng mahigit 10x ang kanyang bill.

Dahil sa pagkadismaya at inis ay napapost ito sa kanyang social media accounts at pinagpapaliwanag ang Maynilad.

"Ano kami may carwash?
10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????"

Kalakip nito ay ang larawan ng kanilang bill kung saan makikitang nasa 1101 pesos lamang ang kanilang bill sa buwan ng Agosto. Ngunit sa buwang ng September ay tumaas ito ng 120,945 pesos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo