Lolit Solis Nais Maging BFF si Bea Alonzo Matapos Okrayin!

Saturday, September 17, 2022

/ by Lovely


Tila hindi muling nakatiis si Manay Lolit Solis at muling binanatan sa kanyang Instagram post si Bea Alonzo matapos mapanood ang kakalabas pa lamang ng teaser ng Start-Up.

Ayon kay Manay, dapat ingatan ang mga kuha ni Bea dahil lalong nagmumukha itong matanda kapag looking young and fresh si Alden Richards. Sinabi pa nitong dapat umanong itapat sa maraming ilaw ang aktre upang magmumukhang bata at wrinkle free.

Ayon pa kay Manay kailangan maging bestfriend na sila ni Bea dahil may mas marami siyang publicity na nakukuha mula sa kanya kaysa sa team nito. Tila nagpasaring pa si Manay sa team ng akres na ang pagkonsulta lamang sa abogado ang alam.



Samantala, pinuri naman ng ilang mga netizens ang nasabing trailer at inaabangan na nga ang pagpapalabas nito sa GMA7. Maging ang ilang mga celebrities ay pinuri rin ang Philippines adaptation ng Start-Up na ayon sa kanila ay hindi nalalayo sa Korean. Ngunit tila iba talaga ang taste ni Manay o sadyang nais lamang nitong inisin at laitin si Bea Alonzo.

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo