Willie Revillame-Nakiusap Sa Madlang People at Sa Ibang Tv Network!

Biyernes, Setyembre 16, 2022

/ by Lovely


 Matatandaang noong September 13, 2022 ay opisyal nang nagsisimula ang pag-ere ng AMBS2 ALL TV.

Sa launching ng nasabing network, napuna naman ng ilang mga netizens na hindi maganda ang naging audio nila. Nagbigay naman ng paliwanag si Willie Revillame kung bakit ito nangyari. Ayon sa kanya, dahil sa iba't-ibang difficulties kaya ito nangyari. Medyo pagod at puyat na rin umano sila dahil sa rehearsals kaya malat at paos ang kanilang boses.

Hindi naman niya itinanggi na may mga technical difficulties silang pinagdaanan lalo pa't hindi naman umano studio ang Wil Tower.

"Napagod tayo, medyo malat na kami, ilang gabi na kaming hindi natutulog para mapaganda yung programa. Syempre, may technical difficulties kami, birth pains 'yan kung tawagin. Mahirap, yung mga audio namin, nahirapan dahil hindi naman po studio itong Wil Tower."



Dagdag pa ni Wilie na ginawan lamang nila ng paraan upang makapagsimula sila ngayon dahil sayang naman ang Christmas season. Ang dapat sana umano ay sa January 2023 pa sila magsisimula.

Nakiusap naman si Willie sa ibang mga TV networks na payagan ang kanilang mga talents na magtrabaho sa AMBS kung wala naman silang mga projects at wala silang ginagawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo