Transmitter Na Simbolo Ng Abs-Cbn- Pagmamay-Ari Na Ng AMBS2 ALL TV!

Sabado, Setyembre 17, 2022

/ by Lovely


Pagmamay-ari na ng AMBS ni Manny Villar ang simbolo ng ABS-CBN na tower sa ABS-CBN compound. Nabili na ng AMBS ang transmitter ng ABS-CBN  na siya ring sumisimbolo sa nasabing network.

Ayon kay Willie Revillame, naibigay na sa AMBS ang transmitter na pagmamay-ari ng ABS-CBN noon. Kaya naman hindi totoo ang tsismis na wala pang transmitter ang AMBS.

Ayon kay Kuya Wil, "Para malaman niyo po ang katotohanan, 'yung antenna ng ABS-CBN, ibinigay na po sa amin 'yan sa ALLTV."

Malaki naman ang pasasalamat ni Kuya Wil sa ABS higit na sa mga bosses nito na sina Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez at Boss Gabby Lopez dahil sa pagkakaloob ng mga ito sa transmitter. Kung wala ang transmitter ng ABS-CBN ay hindi mapapanood sa analog tv ang ALLTV.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo