Wow! Expensive Birthday Gift Ni Ruffa Gutierrez Sa Anak Venice Bektas!

Lunes, Setyembre 19, 2022

/ by Lovely


Matatandaang noong nakaraang linggo ay ipinagdiriwang ng bunsong anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ang kanya ika-18 kaarawan.

Isang intimate dinner ang naganap sa buong pamilya bilang celebration ng nasabing okasyon sa halip ng isang bonggang party. Ito umano ang nais ni Venice dahil mas ginusto nitong magbakasyon sa Europe bilang celebration at regalo sa kanyang kaarawan.

Tinupad naman ito ng ina at magkasama silang nagtungo sa Europe. Una nilang destination ay sa Milan, Italy kung saan kasalukuyang nagaganap ang Milan Fashion Week. Agad naman nilang ibinahagi sa kanilang mga tagahanga at followers ang kanilang ganap roon.


Samantala, may ilang mga tagahanga nila ang tila nagrerequest na mas maganda umano kung kasama nila si Yilmaz at si Lorin sa kanilang bakasyon. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo